Kaya hindi ko kayang masanay nang ganito siya... nang ganito kami ngayon.

Pilit kong binabalik... pinagpipilitan ko, sa loob ng mga araw at linggo, simula noong bumalik siya rito sa Zambales.

Pero ako na lang yata ang may gusto no'n, because he doesn't seem to care the same way about me and my stories anymore.

"Salamat," he said while we're talking over the phone.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako, at napasaya ako ng sinabi niyang iyon matapos kong magkuwento ng kung anu-anong bahay na wala namang kakuwenta-kuwenta.

"Saan?"

"Sa pagiging madaldal mo." He chuckled. "Sa kadaldalan mo..."

"Sus, wala 'yun. Noon pa naman ako ganito."

He chuckled. "Pero salamat pa rin, kasi napapasaya ako ng kadaldalan mo, Mary."

Ginusto kong sumaya sa sinabi niya.

Pinilit ko ang sarili ko na sumaya, kasi akala ko, bumabalik na kami. Nararamdaman ko kasi na minsan ay hindi niya napipigilan ang sarili niya na landiin ako, kahit na alam kong hindi naman na dapat.

Noong nakaraan lang ay tinawag niyang Mama ang Mama ko. May araw din na laging may heart at kiss emoji ang mga texts niya sa akin. Akala ko talaga ay unti-unti na kaming bumabalik sa dati.

Kaso, he never, not even once, called me baby... again.

Ako na ngayon si Mary, hindi na ako ang baby niya.

Tulad ngayon.

Ang saya ko na sana dahil pakiramdam ko, naibabalik ko 'yung dating mayroon kami, kahit na alam kong mukha na akong tanga kasi ako na 'yung nag-e-effort, hindi na siya.

Ang saya na sana...

Kaso ang layo na talaga niya sa akin.

Sobrang dami na ng pinagbago, at hindi ko na kayang panghawakan pa 'yung paunti-unting pangla-landi niya sa akin.

Parang...parang napipilitan na lang siyang gawin 'yon...at ayoko nang ganoon.

Tulad ngayon...

Hindi na siya 'yung Gian na nagpasaya sa akin. Hindi na siya 'yung Gian na lumalandi sa akin.

Hindi na rin siya 'yung Gian na inaaya akong magkape.

Hindi na siya 'yung Gian na...ako ang gustong kasama sa pagka-kape.

Hindi na siya 'yung Gian ko...

Wala na 'yung Gian ko...

And I can't help but to feel the pain inside for making myself feel that I already lose him.

Hindi ko na sana siya ine-entertain by this time, 'di ba? Kasi mas masasaktan lang ako. Kasi mas mararamdaman ko 'yung pagbabago.

Pero hindi ko siya kayang balewalain. Hindi ko siya kayang tiisin.

Hindi ko kayang...hindi siya kausapin.

***

Simula noong magkausap ulit kami ni Gian, hindi na ulit ako nagtanong sa kaniya ng mga tungkol sa nakaraan. Ayoko na rin na marinig pa at malaman ang magiging sagot niya. Sapat na 'yung bawat sorry niya noong gabi para masagot lahat ng tanong sa isip ko.

Also, one of the things I hate the most is...I am slowly being a mess. Again.

"Uy, sasama na naman siya, 'wag ka nang uminom." Pang-aasar sa akin ni Trevor. "Mamaya, magkakaroon na naman ng dramarama sa gabi." He laughed.

Unlabeled [Baguio Series #1]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum