"Gising ka na pala," naupo siya sa tabi ko, at ipinatong sa side table ang tray. "Halika, bangon ka."

"Masama po ang pakiramdam ko." Kumunot ang noo niya.

"Umiyak ka na naman?" tanong niya.

"Huh?"

Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha sa mukha ko, ang pawis sa leeg at noo ko, at tinulungan akong makabangon.

"Anak kita. Nararamdaman kita."

Sunud-sunod na tumulong muli ang mga luha ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Iyon na yata ang pinakamasakit, pero pinakamasarap sa pandinig na mga salita. Ang sarap sa pakiramdam na kilalang-kilala ka ng Mama mo kaya alam niya ang nararamdaman mo, pero masakit na kailangan niyang maramdaman na nasasaktan ako ngayon.

"I'm sorry. Hindi ko naproktektahan sarili ko."

Ngumiti lang siya. "Anak, parte iyan ng pagtanda mo. Darating talaga tayo sa punto na masasaktan tayo at iyon ang magbibigay sa atin ng aral. Huwag kang mag-alala, wala kang mali. Nagmahal ka lang, at hindi ka mali ng minahal, kung hindi, mali sila ng taong sinaktan."

As I hugged my Mom, feeling ko sobrang hina ko na para ba akong isang bata na kailangan gamutin ng nanay ang mga sugat sa tuhod mula sa pagkaka-dapa. Pakiramdam ko ay hindi ako nararapat na tawagin na kaniyang anak dahil ganito ako, hinahayaan ko ang ibang tao na saktan ako habang sila ay walang ibang ginawa kung hindi ang alagaan ako.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa kumalma na ako, at pinakain ng hangover soup.

***

After that, I promised to myself not to be that person in my life again.

I will never beg for someone to answer my calls; I will never beg for them to talk to me.

I will never be the same desperate person I am now.

Hinding-hindi na mauulit 'to.

I made few things I never imagined I would do in my life, for Gian. Ang dami kong bagay ang nagawa na hindi ko naman dati ginagawa at hindi ko naman dapat ginagawa.

I was never late for work; pero na-late ako dahil sa kaniya. I know it's also my fault for letting myself become wet with rain pero ang lahat ng iyon ay si Gian ang dahilan.

I never had an absent; pero nakapag-AWOL ako na dahilan ng pagkakaroon ko ng isang suspension sa trabaho.

I never cried at my work, pero nagawa ko because of too much pain he caused me.

I'm always alert with my work; always focused. Pero nito lang, laging short ng malaking halaga ang kaha ko.

Siguro, enough na 'yung time na inilaan ko para sa kaniya. 'Yung eight months ng pagiging "magkaibigan" namin, at 'yung mahigit isang buwan ng paghihintay ko sa kaniya sa wala, siguro, tama na 'to para masabi kong I already gave my everything. Tutal ay hindi naman siya nagpaparamdam, at hindi siya sumasagot sa kahit na anong text at tawag ko sa kaniya, baka dapat lang na mag-move forward na rin ako sa buhay ko, kasi gano'n na siya, eh. Okay na siya, alam ko. Nakita ko.

Siguro, enough na 'yung mga failures ko lately para mapatunayan sa kaniya na nagkaroon siya ng malaking epekto sa akin. I was never this person; I hate making mistakes. Pero dahil sa kawalan ko ng focus dahil sa pagkawala niya, dumami ang pagkakamali ko. Na- disappoint ko ang manager ko na ang buong akala ay maiaangat kaagad ako mula sa mababang posisyon.

Siguro, enough na 'yung pagsu-suffer ko na 'to. Enough na siguro 'yung pagpaparamdam ko sa sarili ko ng sakit dahil sa biglaan niyang pag-alis. Siguro tama rin 'yung katrabaho ko na, hindi sagot ang kailangan ko, kung hindi oras, para tuluyang maging okay.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon