Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Hindi kita pinipigilang magalit. Ikaw lang naman itong nag-iisip palagi ng tungkol sa karapatan natin sa isa't-isa, pakiramdam ko tuloy...wala rin akong karapatan sa kahit na ano sa 'yo."

Napatigil ako sa narinig ko sa kaniya, at bahagyang napaawang ang bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon. Sumikip ang dibdib ko, kasabay ng mas pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Gian..." I said, worried. I was about to continue what I'm saying when he chuckled.

"Wala naman 'to. Ang gusto ko lang naman...huwag mong pigilan sarili mo. 'Yun lang naman ang...tanging hiling ko sa 'yo...kahit noon pa..."

Hindi ko alam bakit parang lumambot ang puso ko sa huling sinabi niya kanina... na parang ipinaparamdam ko sa kaniyang wala siyang karapatan sa akin sa simula pa lang... dahil lagi kong pinipigilan ang sarili ko sa mga dapat kong maramdaman.

I sighed, unable to say something.

"Puwede ka bang lumabas?"

Tumingin ako sa relo ko at nakitang mahigit 9:00 PM pa lang.

"Puwede pa naman."

"Gusto sana kitang makita," he said in his bedroom voice, sounding so sleepy at the moment.

"N-Nasaan ka ba? Gusto mo, puntahan kita?"

"Ako sana ang pupunta sa iyo...kaso, nakainom ako, eh. Paaalisin ko muna siguro lasing ko bago ako magmaneho ulit."

"Ahh, saan kita pupuntahan?"

"Sa...dati, baby. Sa San Miguel..."

I remembered that it was the place where he I told him what really happened to my past...and where he first claimed my lips. I gulped.

"S-Sige, pupunta na ako."

"Sige, baby. Ingat ka..."

Pinatay ko na ang tawag at mabilis na kumuha ng jacket at pera sa bag ko, tsaka lumabas ng bahay nang hindi nagpapaalam.

Pagkalabas ko ng kanto ay mabilis akong naghanap ng bus na maghahatid sa akin sa lugar na iyon. Sinabi ko sa driver na kung maaari lang ay bilisan niya dahil emergency ang pupuntahan ko. Ang OA ko sa part na inutusan ko ang driver ng bus kahit na hindi lang naman ako ang pasahero.

Alam kong mukha na akong tanga. Isang sabi niya lang, pupunta na kaagad ako. Isang sabi niya lang na gusto niya akong makita, nagmamadali na akong pumunta sa kaniya.

Hindi ko alam, bakit parang biglang nagbago. Bakit parang...parang ako na 'yung gumagawa ng mga bagay na ginagawa niya noon? Ayokong magbilang ng mga nagagawa namin para sa isa't-isa, pero noon, hindi naman ako ganito sa kaniya. Dati, siya ang ganito. Bakit ngayon, ako na?

Pero wala akong pinagsisisihan sa lahat. Sa ngayon, ang naiisip ko lang, gusto ko na lagi siyang nakikita, nakakasama at nakakausap. Masaya ako sa tuwing magkasama kami. Masaya ako sa tuwing magkausap kami. At sapat na para sa akin 'yon.

Nang makarating ako sa lugar na iyon ay mabilis akong pumunta sa dating pinuwestuhan namin. Nakita ko siyang nandoon sa harap ng maliit na bonfire habang nakaupo sa jacket niyang nakalatag sa buhanginan. Naiilawan ng liwanag ng bonfire ang mukha niya at nakikita ko kung paano hinahangin ang malambot niyang buhok. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay nakita kong naninigarilyo pala siya.

Naupo ako sa tabi niya at ilang sandali pa ay lumingon siya sa akin. Mapula ang mapupungay niyang mga mata, halatang nasobrahan na sa pag-inom ng alak.

"Hi, baby..." he said, then he smiled.

I smiled back. "Lasing na lasing ka, ah? May problema ba?"

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon