CHAPTER 1

8 0 0
                                        

Sa wakas ay natapos na namin nila Luna at Ayesha ang latest project namin dito sa Bagiuo. Ilang buwan
din akong naglagi dito upang tapusin ang hotel na pinapatayo ni Mr. Chen. I worked here as the Head Structural Engineer for this project. At ngayon ang last day ng pag iikot namin sa site for completion and turnover of this project. Pagkatapos naming maglibot ay umalis na rin agad sila Mr. Chen kaya’t nag paalam rin ako agad sa mga kasamahan ko.

“Bye! Luna” sabay beso at yakap ko sa kanya.

“Tracey may sasabihin sana ako sayo.” Sabi nya na may pag-aalangan sa mukha nya tapos napakamot nalang sa ulo. “Ano yun?” Tanong ko sa kanya habang hinahanap ko sa bag yung car keys ko.

“Ang totoo kasi nyan ay paalis na ako.” Sagot nya na ikinalingon ko. “What? As in seryoso ba yan?” Gulat kong sambit sa kanya. “Teka paano yung plano natin na get-away for one week? Next week na yun” Tuloy tuloy kong tanong sa kanya na ikinatawa nya.

“Chill, tracey hindi pa naman ako agad aalis so pwede pa natin ituloy yun.”

“Mabuti naman gustong gusto ko ng magliw-aliw after this tiring project” Sagot ko sa kanya na nakapamewang.

“Nakapagpaalam ka na ba kay Sir Andrei? Alam mo naman ang isang yun mahirap mapapayag sa mga leave na ganyan.” Tanong ko sa kanya.

“Actually, naipasa ko na ang resignation ko last week kay Sir Andrei and by next week uumpisahan ko nang asikasuhin yung mga documents for turnover and clearance. Pasensya na ha, hindi ko rin muna sinabi sa inyo ni Ayesha kasi biglaan lang din yung desisyon ni Dad. Pinapabalik nya na ako sa bahay dahil nagising na si Fyro.” Sagot nya na may lungkot sa mata.

“Nakapagbook na din ako ng ticket papuntang Singapore at by 2nd week of this month ang flight ko.”

“Ganun ba? Oh sige sya basta sa Wednesday ang lakad natin. Mamaya makakapunta ka ba? Pagkatapos
naming mag usap ay dumiretso na agad ako sa parking para makapag ayos pa ako before bumababa ng
baguio.

Akmang papasok na ako sa kotse ko nang biglang mag pakita sa akin si Ayesha.

“Hoy babae wait lang!” sigaw sa akin ni Ayesha habang hingal na hingal.

“Oh? Anong nangyari sa iyo at parang nakakita ka ng engakanto?” Tanong ko sa kanya na may pagtataka. Na ginantihan nya naman ng irap.

“Baliw! Hindi engkanto ang nakita ko kundi isang sanggano. Saan ka ba papunta? Pwede bang isabay mo na ako?” Tanong nya sakin habang palinga- linga sa likuran nya.

“Sino ba yang tinitignan mo at parang may tinataguan ka?” Tanong ko sa kanya na nagtataka.

“Basta Sanggano, tara na sasabay na ako sayo.” Sagot nya na hindi sinasagot ang tanong ko. Mabilis
syang pumasok na sa loob ng sasakyan ko habang ako ay naiwan na nakatanga sa labas. Napakamot
nalang ako sa ulo at pumasok na rin.

“Nasaan ba yung kotse mo at sa akin ka nakikisabay?” Tanong ko sa kanya habang binubuhay ko ang makina ng kotse ko.

“Iniwan ko muna sa bahay.” tipid na sagot nya. Habang kinakalikot ang phone nya. “Tinext pala ako ni Tita Claudia na pumunta sa birthday party ngayon ni Tito Floyd dahil kung hindi daw ako pupunta e kakalbuhin nya daw ako.” Maarteng sabi nito na romolyo pa ang mata.

“Bakit may balak ka bang hindi pumunta sa party mamaya?” Tanong ko.

“Ofcourse meron! Aba, kung hindi ako pupunta sino nalang ang kakanta doon?” sagot nya ng may nakakalokong ngiti.

Tracey McLerryNhững tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ