Chapter 1

319 19 2
                                    

Misha's POV

Bakit may mga taong ubod ng sama?

Ano bang napapala nila kapag may nasasaktan silang tao?

Wala bang ibang mas pagkakatuwaan nila?

'Yung bang mas masaya at hindi 'yung nanakit ng tao.

Kaya minsan, hindi mo masisi 'yung mga taong inapi na biglang gumanti.

Kaya lang paano kung makapatay ka dahil sa pagganti mo?

Sino ang lalabas na masama?

Ikaw? Tapos ang ending makukulong ka kahit deserved naman ang pagpatay mo sa kanya.

Sa inis ko ay kung anu-ano na ang iniisip ko. Poot na poot na ako sa Ritchie na'yan. Nakakagigil sila! Paano na ako makalalabas ng banyo nito kung punong puno ng orange juice ang uniform ko?

Kasalanan ko bang maging mas maganda ako sa kanya?

Kasalanan ko bang ako ang gusto ni Jeric?

Nagtitimpi lang talaga ako. Kung 'di lang s'ya pamangkin ng stepfather ko ay baka dati ko pa siya nilampaso.

Bumukas ang pintuan ng banyo at niluwa nun si Jae na todo sagip saakin. Mabuti naman at dumating na siya. May dala-dala siyang uniform na sure kong extra uniform niya na kinuha niya sa locker room niya. Ang swerte ko sa friend kong ito. Maasahan talaga siya palagi.

"'Yan nalang muna ang suotin mo. Pagpasensyahan mo nalang dahil medyo malaki. Pagtiyagaan mo nalang kasya maghubad ka sa labas," aniya at saka niya inabot ang uniform niya saakin.

"Salamat! Kaya love na love kita eh," sagot ko sa kanya at saka ko agad sinuot ang uniform sa harap niya. Wala namang ibang estudyante kaya okay lang.

Pero nagkamali ako dahil biglang may flash nang camera ang biglang umilaw sa itaas ko.

Doon ko nalaman na nasa isang cubicle pala sina Marcus at Girth. Shit!

"Mga bastos!" napasigaw ako kaya agad silang nagtatakbo sa labas.

"Ang gago talaga ng mga 'yun!" inis na wika ni Jae.

"Bakit 'di mo manlang sila hinabol?" saad ko habang todo takip ako sa hinaharap ko.

"Gaga! Sinunggo nga ako! 'Di mo ba nakita na nabuwal ako nung tumakbo sila," sagot niya habang himas himas niya ang braso niya.

Binilisan ko na ang pagbibihis. Kinakabahan ako. Tiyak na ikakalat nila ang litrato ko.

"Kailangan natin silang mahanap. Kahiya-hiya ang aabutin mo kapag nilabas nila ang litrato mo," saad ni Jae na lalong nagpakaba sa akin.

Kaya paglabas namin sa banyo ay agad namin silang hinanap ngunit mukhang huli na ang lahat. Lahat kasi ng estudyante sa school ay nakatingin na saakin. Katapusan ko na!

"OMG! Look, Misha!" Saad ni Jae at saka niya pinakita saakin ang cellphone niya na may litrato ko na kita ang aking dibdib.

"Gago talaga ang Marcus na'yun!" sigaw ko.

"Tiyak na si Richie ang may utos nito. Alam mo naman diba kung gaano kapatay na patay si Marcus sa kanya?" Tama. Sumosobra na talaga sila. Yung pagbuhos niya ng juice saakin, matatanggap ko pa. Pero ang pambabastos na'to, hindi ko na kaya.

Naglakad ako papalapit sa mga tumatawa na sina Ritchie, Andi at Caroline. Ang tatlong bruhilda sa school na ito.

"Tama na," mahinahon kong sabi kaya natigil sila sa pagtawa.

Ang Libro Ni Lola ArseniaWhere stories live. Discover now