"Hule pero 'di kulong! Yiz namern!" Pang-aasar ko sa kanya. Nahulog siya don ha.

"Whatever. Lakas ng amats mo," Umiling siya bago napairap muli. Tumayo siya sa kinauupuan niya at aakmang aalis. Nahinto naman ako sa pag-tawa at pinigilan siya sa pag-alis.

"Uy wait lang! 'To naman aalis agad! Biro lang naman," Huminto siya at naupo muli sa pwesto niya. Sumadal siya sa upuan niya at nag-simulang mag-busibusyhan sa phone. Ang hirap naman ientertain nito.

"Nga pala, wala ka bang gagawin mamaya?" He raised his head and looked at me with a 'what now' look.

"Just because we went out last time doesn't mean it'll happen again," Aniya.

"Maniwala kalbo. Kahit pa libre?" Sambit ko. Balak ko sana kaseng tumuloy na puntahan yung gaming lounge sa Legarda since free cut namin ngayon. Wala naman akong maaaya since asa training si Cyrus at M.I.A si Hera.

"I can afford whatever it is,"

'Edi ikaw na mayaman,'

"Weh? 'Di ako naniniwala eh," I teased him. 'Di siya siguro aware sa promo na alam ko kaya I doubt makakatipid siya. Palibhasa mayaman ngang tunay.

"Ano ba kailangan mo?" He sighed in despair. Alam na siguro niya na hindi ko siya titigilan hangga't 'di ko siya napapa-oo. Double meaning yon kaya keri lang.

"Kasama," I shrugged.

"Then where's your friends? Bakit hindi sila bulabugin mo?" Sambit niya nang may halong inis ang tono ng boses.

'Ba't niya hahanapin eh ako yung andito?'

"Nawawala. Nakita mo bang kasama ko ngayon? Tsaka ikaw lang naman nakukulit ko ngayon eh," I motioned the spaces beside me to point out na mag-isa lang ako ngayon. Hindi na siya sumagot. I waited a few seconds, baka um-oo na sumama mag-laro ng video games sa lounge. Pero hindi pa rin sumagot ang loko kaya tinanong ko siya ulit.

"So, libre ka ba mamaya? Sige na, sayang naman promo don kung hindi natin magagamit 'di ba?"

"Saan ba?" He asked me back.

"Sa Legarda yung Plugged gaming lounge don," Pinatong ko sa mesa ang dalawa kong siko at pinatong ko naman ang baba ko sa kamay ko habang nakatingin lang sa kanya, waiting for some sort of approval.

"Ah, that one," Alam niya ata yung tinutukoy ko.

"Balita ko kase may promo eh gusto ko sana bisitahin. Pero okay lang naman kung ayaw mo, 'di naman kita pinipilit eh. At tsaka okay lang na ako lang yung pupunta, siguro hahanap na lang ako ng makakalaro ko don---" I rambled. Nakakahiya naman kung pipilitin ko siya. Invitation lang naman ito at hindi naman neccessary na may kasama ako. I just think it'd be more fun to play video games with someone.

"Okay," Narinig ko ang sinabi niya pero sa sobrang hiya ko, nag-patuloy lang ako sa pag-raramble ng kung ano-ano.

"Pero kung sakaling gusto mo sumama, mas okay kase at least pareho nating machecheck out yung games don---" Pinutol niya yung sinasabi ko at napangiti ng bahagya.

"I said okay already, Gwyneth. No need to ramble," He let out a soft chuckle.

'Ay pakshet. Nag-panic ako don ah,' Ewan ko talaga, pero para talagang kakaiba dating sa'kin ng mga simpleng tawa or ngiti ni Ashton. Siguro ay dahil mas madalas siyang nakasimangot na tila ba galit sa mundo pero 'pag nakangiti siya, pakiramdam ko ang gaan ng loob ko. And besides, mas bagay niya ang tumatawa at masaya kesa sa nag-mumukhang miserable.

"Sure ka?" I asked, unsure.

"So aayain mo ba ako o mag-lolokohan lang tayo dito?" He raised an eyebrow at me.

Araw-Araw (Playlist Series 1) (On hold)Where stories live. Discover now