"Don't let those negative thoughts ruin our vacation."

Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang tama si Sike. Dapat ipagsawalang bahala ko muna kung ano man ang gumugulo sa aking isipan.

We are now going to a beach in Bataan. It was already summer. My friends decided to have a get-away to unwind.

Sike insisted to be my accompany. Sinabi niya na sumabay na ako sa kaniya upang hindi ako mapagod sa biyahe. Ang aming mga kaibigan naman ay kani-kaniyang sasakyan.

I tried what he said. I set aside my negative thoughts and enjoy our trip. I talk about different topics with Sike to shift my attention.

Ilang oras din kaming nagkwentuhan at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising na lamang akong nasa higaan na ng hotel.

"Xeidrine, buti gising ka na! Tara sa dagat!" Sigaw sa akin ng mga kaibigan ko.

I gave them a small smile and said, "Sige mauna na kayo."

Tinanguan naman nila ako at nauna na sila sa dalampasigan. Ako, naiwan dito sa kwarto ng hotel.

Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin papunta rito. Ang lalim ng tulog ko at hindi ko namalayang nandito na pala kami.

Inayos ko muna ang aking gamit at nanatili pa ako ng ilang minuto sa suite. Kinalaunan at sumunod na rin ako sa aking mga kaibigan. Pagkarating ko sa dalampasigan, hindi ko sila mahanap.

Hindi naman gaanong karami ang tao rito pero ang laki nitong beach resort. Kaso hindi ko alam kung saan sila hahanapin.

Napakaganda ng tanawin ngayon dahil dapithapon na. Napakaaliwalas din ng hangin at umiihip ito sa aking buong sistema. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ko ito.

Nang imulat ko ang aking mga mata, bumungad naman sa akin ang nagsisihampasan na alon. Nais kong lumangoy dito, ngunit maggagabi na at malamig ang tubig.

Naglakad ako sa kanang bahagi ng resort. Hindi ko pa rin sila makita. Saan na sila nagpunta? Mukhang hindi ata magandang ideya na nagpaiwan ako sa kanila kanina.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang mayroon akong nakita na nag-po-photoshoot malapit sa dalampasigan. It's a couple shooting for a pictorial. Pinagmasdan ko lamang sila.

"Perfect! Next pose, nose to nose," sambit ng Camera man.

Nasa malayo lamang ako at nakatanaw sa kanila. Hindi ko masipat nang maayos ang mga mukha ng kinukuhanan, ngunit mababakas ko sa kanilang mga kilos na napaka-sweet nila sa isa't isa.

Sinubukan kong lumapit sa gawi nila upang mapanuod sila nang mas malinaw. Hindi ko alam sa aking sarili, ngunit bigla na lamang akong naging interesado sa kanila.

Inaninag ko ang dalawang magkasintahan. Mukhang pamilyar ang kanilang mga mukha. Nang makalapit ako sa kanila, nanlambot ang aking nga tuhod.

Mali ata ang naging desisyon ko. Dapat ay hindi ko na sinubukan pang kilalanin ang magkasintahang ito. Kumirot lamang ang aking puso.

Pinaglalaruan ba talaga kami ng tadhana? Sa dinami-rami ng dagat, dito ko pa talaga sila makikita. Napangit na lamang ako ng mapait.

Unting unting lumapit ang mga mukha ni Nash at Micaiah sa isa't isa. Kitang kita ang ningning sa kanilang mga mata.

Seconds passed, his lips touched Micaiah's. And after seeing this, my heart breaks again into millions of pieces.

"Ayy! Pak! Sabi ko nose to nose lang pero Sir bakit lumagpas? Kayo ah!"

Nash and Micaiah are laughing at each other. Today, I am witnessing the wonderful stare of Nash, but it's not because of me...

He used to look at me that way.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum