Andito ako ngayon sa aming bahay naghahanda na para sa kasal. Akalain nyo iyon? After ng ilang years nag-propose na siya at hindi ko alam kung ano ang magiging pakiramdam ko pero ang alam ko ay masaya ako para sa kanya dahil ikakaksal na siya sa iba.

 

Oo. Tama ang pagkakabasa ninyo. Sa iba siya magpapakasal. May naging problema kasi kami ni Ryan noong magtatatlong taon na kami. Kaya hiniwalayan ko siya.

A-attend ako kasi inimbitahan niya ako sa kanyang kasal. Dahil ako daw ang bestfriend niya forever. At magbibigay din ako ng message para sa aknilang dalawa. Syempre, ako naman tinanggap ko dahil gusto ko din siyang makitang masaya. Kagaya ko. Nauna kasi akong magpakasal kay Ryan. At eto ako ngayon sa simbahan hinihintay nalang namin ang bride.

Nagpalitan na ng vows si Ryan at Marie at nandito na kami ngayon sa reception. At ako na ang magbibigay ng message para sa bagong kasal.

“ Ehem-ehem. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko.” Natawa naman ang mga guests sa sinabi ko pati na rin si Ryan at ang kanyang asawa. “ Pero, alam nyo bang naging katipan ko si Ryan dati? Alam kong iniisip nyo kung bakit ko sinasabi to. Pero alam ko namang mabait ang asawa ni Ryan. Sa kubo nagsimula lahat ng yon. Nakita ko si Ryan na natutulog sa kubo ng lola ko. At naging magkaibigan kami ni Ryan. At naging boyfriend ko din siya pagkatapos ng ilang taon ay naghiwalay kami at ikinasal ako pagkalipas ng ilang taon. At ngayon, ikaw naman ang ikakasal Ryan. I’m so proud of you. Sobrang saya ko dahil nakita nanaman kitang masaya. At ang saya ko din dahil sa wakas. Alam mo yun? Pagkatapos ng ilang years nakasal ka na din. Alam mo bang hinihintay lang kitang makasal? Dahil gusto ko huling makikita ko ang mukha mo ay masaya ka. At Marie,  lagi mong iparamdam ang pagmamahal mo kay Ryan ah? Dahil sobrang mahal ka niyan. I’m so proud of you Ryan. Remember, I’ll always be your bestfriend kahit wala na ako sa mundong ito.” Nginitian ko nalang si Ryan at ang kanyang asawa. Nakita ko ang lungkot sa mga mukha ni Ryan.

Nagsasayawan na ang mga tao ngayon. Wala naman akong kasayaw dahil hindi ko kasama ang asawa ko ngayon. Nagulat ako ng lumapit sa akin si Ryan at inilahad ang kamay sa akin.

“ Eli, pwede bang ako ang maging last dance mo?” Tanong sa akin ni Ryan at nginitian ako. Nginitian ko din siya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay sa akin.

Habang nagsasayaw kami ay nagtatawanan lang kami ni Ryan.

“ Eli, mami-miss kita. Sobra.” Napangiti ako sa sinabi ni Ryan sa akin.

“ Mami-miss din naman kita ah. Wag mo kong kakalimutan ha? Pag kinalimutan mo ako mumultuhin kita.” Sabi ko sa kanya habang natawa.

“Uy! Wag naman!” Sabi niya sa akin habang natawa.

Ang sakit ko ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay kay Ryan. Dahil ayaw kong ako parin ang iisipin niya kahit wala na ako. Gusto ko siyang sumaya. Gusto kong makita niya na may nagmamahal sa kanya kahit wala na ako.

Pagkatapos noon ay umuwi na ako papunta sa bahay. Nakita ko ang asawa kong si Daniel na naghihintay sa akin.

“ Asawa ko.” Bati sa akin ni Daniel.

“ Kumusta ang mga bata?” Tanong ko sa kanya. May tatlo kaming anak ni Daniel. Sabi ko sa kanyang wag nalang pero sabi niya sa akin na mag-iwan man lang daw ako ng ala-ala sa kanya. Kaya nagkaroon kami ng anak ni Daniel.

“ Natutulog na sila. Asawa ko, mami-miss kita. Mami-miss ko ang asawa ko.” Hindi ko namalayang naiyak na pala ako at bigla akong yinakap ni Daniel. Yinakap ko din sya pabalik.

“ Mahal na mahal kita asawa ko.”

“ Mahal na mahal din kita, Tatay.”

Hinalikan ako ni Daniel sa labi a pumasok na sa kwarto.

“ Tatay, matutulog na ako ha?”

“ S-sige.” Sagot niya sa akin na may kasamang takot.

“ Wag kang mag-alala. Gigising ako.” Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Ngayon na ang huling araw ko sa mundong ito.

Sa mundo hindi lahat ng inaasahan nating mangyari ay mangyayari. Gaya nalang ng storya namin ni Ryan. Na kala ko kami hanggang sa huli pero hindi pala. Pero, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay niya sa akin si Daniel at ang mga anak namin. Ngayon, handa na akong mamatay. Ng masaya. At walang lungkot na dinadama.

Kubo nila Lola (One-Shot)Where stories live. Discover now