Loved By The Rules - Kabanata 3

Depuis le début
                                    

“Ano ka ba? Alam mo naman na malaon ko nang pangarap ang makapag-asawa ng mayaman, ano?”

“Oo, iyong mayamang matanda na madaling mamatay. Pero Mare, guwapo pala iyong may-ari ng resthouse, bata pa at sabi mo ay may pagkasuplado, bakit mo iniilusyon na pansinin ka ?”

“Kasi nga, bigla kong naisip, mas maganda kung guwapo na ay mayaman pa ang mapapangasawa ko. O, di ba? Mas maganda iyon. Saka kapag ganoon naman kaguwapo ang magiging asawa ko, bakit ko naman hahangarin na madaling mamatay, ano? Siyempre, mas maganda kung magkasama kami forever.”

“Ewan ko sa iyo. Masyado ka namang demanding. Mataas na nga ang pangarap mo na makapangasawa ng mayaman, dinagdagan mo po ng guwapo na ay bata pa. Aba, abuso ka, ha?”

“Sobra ka naman. Hayaan mo na nga ako. Nai-share ko lang naman sa iyo. Kasi nga, sobrang saya ko talaga kapag naiisip ko na sa wakas ay natagpuan ko na ang lalaking para sa akin.”

“Asa ka pa! Ikaw nga itong may sabi na hanggang ngayon ay hindi mo pa alam ang pangalan, bukod pa sa mukhang suplado at istrikto, paano matutupad ang pangarap mo na mapansin niya?”

“Ay, bahala na. Basta hindi ako nakalimot sa pagpapaalala sa iyo, ha? Baka masaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo iyang kagagahan na iyan.”

“Huwag kang mag-alala, kapag pumalpak ako, hindi ako iiyak.”

At alam ni Jackie na kailangan niyang panindigan ang sinasabing iyon sa kaibigan, hindi siya dapat masira sa pangakong iyon dahil ang pagkakakilala nito sa kanya ay matatag na tao, palaban, at walang inuuurungan.

Kahit ang mga hamon ng buhay, o ang mga alon sa dagat.

“TAO PO!”

Bumukas ang pinto.

“H-hi! Good morning!” nakangiting wika ni Jackie.

Ilang saglit siyang tinitigan ng binata. Mayamaya ay bumaba ito sa tatlong baitang na hagdan.

“Anong bang dala mo ngayon?” kaswal na tanong habang sinisilip ang dala niyang bakol.

“Ah, mga hipon ang huli ko. Pakyawin mo uli, ha?” malambing niyang saad.

Muli itong tumitig sa kanya.

“Namihasa ka, ha?” pormal nitong wika.

“H-ha? Ah, kasi –”

“Pero sige, papakyawin ko. Puwede bang pakiluto?”

“Ha? Aba, oo! Sige, iluluto ko!” umaliwalas ang kanyang mukha. Pagkuwa’y akmang tutungo na siya sa likuran ng bahay.

“Wait, dito ka na dumaan. Magpahid ka lang ng paa para hindi magkabuhangin ang sahig, ha? Saka ingatan mong mga gamit sa kusina, okay?”

“Oo ba!” nagmamadali na siyang pumasok.

Wow! Ang ganda pala dito sa loob! Native ang yari, pero kumpleto sa –

“Puwede ba! Dumiretso ka na sa kusina at huwag nang ikut-ikot ang tingin mo!” biglang pasok ang binata.

“Ay, sorry — sorry!” bigla siyang bumaling, eksaktong nabangga naman siya sa isang malaking banga na palamuti sa sala. “Ay, kalabaw!”

“Hey!” mabuti na lang at maagap na nasalo ng binata ang pagtumba niyon kaya hindi nabasag.

“N-naku, pasensya ka na, ha? N-natataranta kasi ako, eh!” hiyang-hiya sa kapalpakan.

“My God! Alam mo ba ang halaga nito kung sakaling nabasag mo? Twenty thousand ito, ano? I wonder kung ilang taon kang magdadala rito ng huli mong isda para ka makabayad!” paangil ang tinig nito.

“P-pasensya….” Nakayuko niyang wika.

“O, sige na, doon ka na pumasok sa brown na pinto. Doon ang kusina.” Halata naman ng nagtitimpi ito na magsalita pa.

“O – oo — oo!” malalaki ang hakbang na tinungo niya iyon habang nakalingon dito. “Ay!” kaya nabangga naman siya sa dingding.

“Oh my God!” napatuptop na lang sa noo si Dominic.

“Sorry ho talaga!” hiyang-hiya namang agad na pumasok sa kusina si Jackie.

Pagkuwa’y napasandal siya sa pinto.

Nakakainis naman. Paano akong magpapa-cute sa kanya, palpak ako?

Napabuntong-hininga naman pumasok na sa kanyang silid ang binata.

Damn! Napaka-clumsy! Kagandang babae, tatanga-tanga!

Pero bahagyang natigilan si Dominic, bakit parang hindi naman siya talaga naiinis dito?

Sa halip, he finds her cute, lalo na ang pagkamali-mali nito.

Napangiti siya, tapos ay bigla na naman niyang na-realize na talagang napapadalas ang kanyang pagngiti dahil sa makulit na mangingisda.

“AH, L-LUTO na ho ang hipon ninyo,” kiming wika ni Jackie nang lumabas sa sala.

“Good! Puwede bang pakihanda na ang mesa ko?”

“Ho!”

“Ayaw mo?”

“Ah, o-okay lang ho! S-sige ho!” agad nang bumalik sa kusina si Jackie.

Pero dahil kinakabahan na siya kung bakit kung anu-ano ang iniuutos sa kanya ng binata, hindi siya magkandatuto sa paghanda ng pagkain sa mesa.

Hanggang nabitiwan niya ang isang baso at nabasag iyon.

“Oh no! Bakit mo binasag?” napasugod tuloy ito sa kumedor.

“S-sorry ho, kasi –”

“Sige na, umalis ka na.”

“P-pero liligpitin ko pa ho ang mga bubog at -”

“Hindi na kailangan. Sige na. Hetong bayad ko.” Iniabot nito sa kanya ang ilang dadaaning papel. “Siyanga pala, huwag ka na munang magdala ng huli mo bukas, ha? Marami pa akong stock sa ref.”

“O-oho.”

Nanlalatang umalis na si Jackie. Nagalit na naman sa kanya ang binata, hindi pa nga niya nalalaman ang pangalan nito.

Nang makauwi na ay hindi pa rin matahimik ang kanyang kalooban. Hindi siya makakapayag na hindi makalapit sa lalaking iyon.

Hindi! Gagawa ako ng paraan. Kung ayaw na niyang pakyawin ang huli ko, pupunta pa rin ako roon. Mangungulit.

Kaya kinabukasan, pagkatapos makapaglako ng mga huling isda ay agad na siyang nagtungo sa pribadong resort.

Wala yatang tao, ah! Nasaan kaya siya?

Luming-linga siya. Pagkuwa’y nagtungo sa resthouse at nagpatao po.

“Tao po! Sir?”

Pero wala talagang tao.

Baka pumalaot sa dagat. Imposible namang umalis, hayun ang kanyang kotse. Ano bang gagawin ko?

Hindi man alam ng dalaga ang gagawin, nanatili lang siya roon. Nakaupo sa swing na bakal, o kaya naman ay palakad-lakad sa dalampasigan. Hindi niya alintana kahit na medyo kumakalam na ang kanyang sikmura.

Hanggang sumapit na ang hapon, sa wakas ay natanaw niya ang padaong na lantsa sa dalampasigan.

Hayun na siya! Sumigla ang kanyang pakiramdam.

Itutuloy….

Loved By The Rules  sarah geronimo & gerald anderson (ashrald fan ficiton)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant