Chapter 2: Arrangement

5 1 0
                                    

S'ven PoV

Pagkatapos ng klase ko ay nagtungo na ako sa coffee shop na lagi kong pinupuntahan bago umuwi. Agad akong um-order ng isang espresso na agad din namang inihain sa akin kaya inilabas ko na ang isang notes ko na di ko masiyadong naintidihan at binasa ito kasabay ng pagsimsim ng kape ko.

Habang nagbabasa ako ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at binasa ang text doon

--Message--
From Dad:

"Pagkatapos ng klase mo ay pumunta ka dito sa pagmamay-ari nating pizza parlour we will meet someone."

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa ko malamang sa malamang ay gaya pa rin ito ng meeting na lagi kong pinupuntahan kasama siya na kung saan ay kailangan niya akong i-arrange marriage sa kung kani-kaninong babae na di naman natutuloy dahil syempre lagi rin akong gumagawa ng paraan para ayawan ako ng babae kahit na alam kong gusto rin nila ang ideyang maikasal sakin.

Inubos ko na ang kape ko at nag-iwan ng bill doon na sobra pa sa presyo ng na-order ko at lumabas na doon. Ng makasakay ako sa kotse ko ay agad ko iyong pinaharurot patungo sa condo ko upang magpalit dahil sigurado akong di magugustuhan ni dad na makita ang itsura ko na ganito ang ayos.

Ng makarating doon ay pumasok na ako at agad na nagtungo sa elevator at ng marating ko na ang floor ko ay agad akong nagtungo sa condo ko at nagpalit ng kasuotan ko na kung saan ay alam kong magugustuhan ni dad at alam kong ma-aayon sa meeting na gaganapin at ng matapos ay tsaka na ako nagtungo sa sinasabi niyang lugar.

Pagkapasok ko pa lang ay agad na nakaagaw ng aking pansin ang isang crew at guard na nakikipagtalo sa costumer ng fast food chain namin. Ayaw ko ng ganoong eksena kaya nilapitan ko na sila

"Ehh magbabayad naman talaga kami ehh naiwan ko lang talaga yung wallet ko sa bag ko"-wika ng isa sa costumer

"Ehh sa hindi pa nga po kayo pwedeng umalis dito dahil di pa kayo bayad at isa pa ehh masyado pong malaki ang bill niyo"-magalang na sabi ng crew namin na siyang gusto ko

"Promise magbabayad po kami, kung gusto niyo iiwanan ko nalang tong relo ko"-sabi pa niya habang nakanguso at mukhang maiiyak na pero imbis na maawa ako sa kanya ay nacu-cute-tan pa ako sa iniaasta niya. What the hell I am saying??

"Di po pwede yun ano pong malay namin baka mamaya peke po--"

"Ehem"-mahinang ubo ko kaya napatingin sila sa akin at naputol ang sasabihin ng crew namin.

"Go back to your work masyado ng naaabala ang ibang costumer ako ng bahala dito"-dagdag ko pa pero magsasalita pa sana yung crew namin pero sinenyasan ko na siya na bumalik na sa trabaho kaya nagsisunod nalang sila.

"Salamat sa tulong mo ahh"-sabi ng isa sa kanila pagkaharap ko na tinanguan ko nalang.

"Ahh ibibigay ko nalang itong relo ko bilang kabayaran--"

"No need, basta sa susunod ay matuto na kayong magbayad ng kinunsumo niyo"-ayaw ko mang putulin ang sasabihin niya ngunit kailangan ko iyong gawin because I want to act like a professional owner/manager. Napanguso siya at wala pa man siyang ginagawa ay para na niya akong naaakit at kinabahan ako doon kaya tumalikod na ako at naglakad papunta sa opisina para maiwasan ang biglaang naramdaman ko.

"Gwapo nga masungit naman"-rinig ko sabi ng kasama niya na gusto ko mang bweltahan ay di ko na ginawa. Bat ba ganun nalang lagi ang nararamdaman ko sa tuwing nakakaharap ko ang babaeng yun?

Nang makarating ako sa opisina ay agad akong naupo sa couch na naroon. Agad namang nagbigay galang ang taong naroon na manager talaga na kinuha upang mamahala pasamantala dito at sinenyasan ko na maupo na. Inilabas ko na ang cellphone ko at itinext si dad.

--Message--
To Dad:

"I'm already here"

--Message--
From Dad:

"On my way"

"Parating daw si dad dito. May table nabang nakahanda para sa kanila?"-baling ko sa manager doon na busy sa ginagawang trabaho.

"Yes sir kanina pa, nagpareserved na siya at nakahanda na iyon"-agad na sagot niya

"Maaari mo ba akong ihatid doon?"-nagtatanong na utos ko sa kanya

"Ahh papasamahan ko nalang po kayo sa isa sa mga crew"-sabi niya na tinanguan ko naman. Agad siyang lumabas at pagkabalik niya ay may kasama na siya. Agad naman akong inalalayan nito patungo sa table nila dad at ng makarating doon ay agad akong naupo at hinintay ang pagdating nila. Makalipas ang ilang minuto ay natanaw ko na sila kaya tumayo na ako.

"Mr. Smith meet my son"-biglang sabi ni dad kaya agad kong iniabot ang kamay ko sa taong katabi niya.

"Hellow Mr. Smith I am S'ven Sy, nice to meet you"-nakangiting galang ko sa kanya at ngumiti rin siya pabalik.

"Sitdown, sitdown"-alok ko sa kanila kaya naupo na rin sila. Itinaas ko ang kamay ko kaya naman isa-isa nilang inihain ang mga putaheng sinadya talagang iluto para sa amin dahil di naman ito nakalagay sa menu at nagsimula na kaming kumain ng tahimik at maya maya pa ay may nagtext kay Mr. Smith at kumunot ang noo niya kaya naman nagsalita si daddy.

"Mayroon bang problema Mr. Smith?"-tanong ni dad sa kanya matapos niyang punasan ang bibig niya

"Ahh wala naman"-biglang bawi ng kasama namin at bumalik na sa dating ayos ang mukha nito

"Nasaan na iyong anak mo kung ganoon Mr. Smith?"-sunod na tanong ni dad

"Di siya makakapunta dahil ang sabi ng yaya namin sa bahay ay umalis siya at di na siya naabutan ng driver kong susundo sa kanya, di niya rin ugaling magdala ng cellphone, kaya tingin ko ay tayo tayo lang ang mag-uusap sa ngayon at di siya kasama"-mahabang sabi niya na tinanguan naman ni dad.

"Ayos lang iyon, hayaan mo ng magliwaliw ang bata dahil natural lamang iyon sa kanilang edad at isa pa di naman tayo nagmamadali sa pagpapakasal na gagawin natin sa mga anak natin hindi ba? Kaya ayos lang iyon"-biglang sabi ni dad na tinanguan din ng kasama niya. Marami pa silang pinag-uusapan tungkol sa gaganaping kasal daw namin na pinakikinggan ko lang at nakikisali nalang ako sa usapan nila kapag mayroon silang itinatanong sa akin.

Di ako sang-ayon sa ginagawa ni dad na pag-a-arrange marriage at kung ako lamang ang masusunod ay mariin ko itong tatanggihan pero dahil sa kagustuhan din ito ni mommy ay pumapayag na rin ako. Hayss at mas lalo pa akong mahihirapan ngayon dahil tingin ko ay nakita ko na ang babaeng sa tingin ko ay nararapat para sa akin.

Jzekiah21

My Possesive Boyfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon