"Di ka lilipat?" tanong ni Mauro. Maaga kasing nagdismiss si Atty dahil may meeting yata siya. Naglipatan iyong mga ibang kaklase namin.

"Hindi na," sagot ko habang kinukuha iyong reviewer na ginawa ko kaninang lunch. Mabuti na lang at hindi ako pinapagalitan ni Atty. Villamontes kapag sumisingit ako ng pag-aaral sa office. Sabi niya lang basta gagawin ko nang maayos iyong trabaho ko, papabayaan niya akong magreview. Kaya nga kahit minsan inaabot na ako ng madaling araw para tapusin iyong pleadings ginagawa ko pa rin. Ayoko kasi na malipat ako sa iba.

"Andun mga kaibigan mo, oh," sabi niya.

"Ayaw mo ba kong katabi?"

Natawa siya. "Arte," sagot niya. "Sama lang kasi ng tingin sa 'kin nung si Vito."

"Sa 'kin masama tingin nun."

"LQ kayo?"

"Ha?"

"Lover's quarrel, ganon."

"Alam mo, mag-aral ka na lang," sabi ko sa kanya. "Ang pangit ng recit mo nung huli."

Natawa si Mauro. "Grabe naman."

"Puro ka kasi date."

"At least may love life."

"Nandito ako para mag-aral."

"Pwede naman sabay," sagot niya.

'Di ko na siya pinansin. Medyo naging close na rin kasi kami ni Mauro dahil tinutulungan niya ako kapag nagfa-file ako. Tapos may isang beses na nagulat ako dahil pinakilala niya ako sa tatay niya na nililigawan niya raw ako. Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat. At saka lang siya nagpaliwanag pagkatapos na sa NBI daw kasi nagta-trabaho iyong tatay niya at matagal na siyang pinaghihinalaan. 'Di pa raw niya sinasabi. 'Di ko na tinanong kung bakit kasi choice niya naman 'yun. Pero sayang kasi ang cute nilang tignan dalawa ni Achi, 'yung boyfriend niya na lawyer na. 'Dun nga ako nagtatanong minsan kapag may nalilito akong concept, e.

Habang naghihintay kami, nagpa-turo ako kay Mauro tungkol sa Obli. Tinuro na kasi sa kanya 'to ni Achi. Mabuti na lang magaling magpaliwanag si Mauro kaya naiintindihan ko. Pinahiram niya rin sa akin iyong notes ni Achilles na binigay sa kanya.

Nang dumating si Atty, nagsimula na naman iyong recitation. Nakaka-pagod talaga ang araw na 'to. Wala pa kaming kalahati ng sem, pero grabe na iyong pagod ko.

Natawag kaming lahat sa recitation. Required kasi ni Atty na isang sentence lang ang sagot mo sa mga tanong niya na situation. Basta sasabihin mo lang kung yes or no tapos may legal basis. Mabilis lang kaya natatawag kaming lahat araw-araw. Hindi talaga pwedeng umabsent dahil sayang iyong grades.

"Magkikita ba kayo ni Achi?"

"Hindi. Uwi na ko."

"Ah... Pwede pasabay?"

"Di ka ba sasabay kay Vito?"

"Di muna siguro."

"LQ nga kayo?"

'Di ko na pinansin iyong sinasabi niya. Napa-tingin ako doon sa tatlo tapos ngumiti ako at kumaway. Ayoko munang sumabay kay Vito. 'Di ko alam kung ano ang problema niya sa 'kin... Bigla niya na lang akong 'di kinakausap.

"Hey, where are you going?" tanong sa akin ni Niko. Bigla niya akong inakbayan bago pa man ako maka-labas ng classroom.

"Uuwi na," sabi ko.

"There's your ride," sabi niya sabay turo kay Vito. Tumingin ako kay Vito. Naka-tingin din siya sa akin. Biglang tumawa si Niko. "You can go now," sabi ni Niko kay Mauro. Tumingin sa akin si Mauro. "We'll get her home," sabi ni Niko.

Defy The Game (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя