“ Kung bibigyan ka nang pagkakataong bumalik sa nakaraan sinong pambansang bayani ang ililigtas mo at bakit? ” tanong sa amin nang guro namin sa History.
Naunang tumayo si Dianne at hinarap kami bago nagsalita “ Andres Bonifacio. Ang pagkamatay nang Supremo ay walang kapatawaran sapagkat ang kanyang pagkamatay ay walang kalaban laban. Napagbintangan at kusang pinatawan nang parusa nang hindi man lang inalam ang katotohan. Kaya nais 'kong iligtas ang Supremo dahil hindi lamang utak ang kaya nating gamitin sa gyera kung kaya nating lumaban ay sa dahas natin tapusin. ” may panindigan na sagot ni Dianne bago umupo.
Sunod na tumayo you Clint at hinarap kami “ Jose Rizal. Ang katalinuhan nang isang Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda ay isang malaking kawalan sa bansang Pilipinas. Ang kagustuhan kong iligtas si Rizal ay para maipagpatuloy niya ang pagsisiwalat nang katotohan gamit ang kanyang mga akda. Minsan hindi lang dahas ngunit utak ang kailangan natin sa pagkamit nang hustisya at kalayaan. ” sabi ni Clint at naupo.
Tumayo na rin si Alexa at nagpunta sa harap bago nagsalita “ Ang pinakabatang Heneral na si Gregorio del Pilar. Sa maliit na panahon ay nagugustuhan ko ang kanyang katapangan lalo na sa digmaan. ” sabi neto at umupo.
Isa isa ring nagtayuan ang mga kaklase ko at sumagot puro tango lang ang tanging tugon nang guro namin. Tumayo ang guro namin at nilapitan kami isa isa huminto siya sa harap ko at tiningnan ako.
“ Ikaw Luna, sino at bakit? ” tanong niya at pumunta sa likod ko.
Bagot akong tumayo at naglakad papunta sa harap. Nakangisi akong humarap sa kanilanh lahat at nagsalita “ Luna. Heneral Antonio Luna. Ang pinakahambog, pinakamayabang, at ma prinsipyong Heneral. Kilala si Luna bilang Artikulo Unó dahil sa pagbanggit niya neto nang paulit-ulit. Nais 'kong si ang aking iligtas dahil katulad nang nababanggit ninyo ay napatay rin si Luna nang walang kalaban laban. At ang nakakaloko pa ay mismong Pilipino ang kumanti sa kanya. Nakakahiya ba? Nakakabobo diba? Ang taong gustong mapalaya ang bansa ay pinatay para sa pansariling kapakanan. Ngunit ang nag iisang traydor sa bayan ay nabuhay sa pagtatago. Diba Aguinaldo? ” pang iinis ko sa kaklase kong ka apelyido ang traydor na si Emilio Aguinaldo.
Iling iling akong bumalik sa aking upuan at umupo. Nagpunta ang aming guro sa harap at nagpaliwag na walang mali sa mga sagot namin. Hanggang sa tinanong niya ako.
“ Ka ano ano mo ang mayabang na Heneral, Luna ? ” nakangisi niyang tanong na tila ba nang iinis.
“ Pupuntahan ko sana sa himlayan niya ma'am pero may klase pa tayo. Baka bukas alam ko na iyon. ” sagot ko sa kanya.
“ Mayabang ka rin Luna. Kamangha manghang babae ang magiging kapareha nang mayabang na Heneral. Na sa yabang ay walang nagawa sa bayan. ” sabi niya at tumalikod.
Inis akong tumayo at pinatong ang kaliwa kong paa sa arm chair at na nakakuha nang atensyon nang mga kaklase ko. Ising tikhim ang pinakawalan ko bago ako nagsalita.
“ Ma'am, hibang ka na ba ? Na turingan ka pa namang guro sa History ngunit ikaw ay walang alam. Kung siguro nabubuhay ka sa panahon nang gyera ikaw ang traydor na si Aguinaldo. Kitang kita sa mukha mo ma'am. ” sarkastikong sabi ko sa kanya at iniwan silang lahat na nakatanga sa loob nang room.
Ako si Maria Laura Luna ang ika- dalawampu't pitong apo sa lahi ni Heneral Antonio Luna. Ang pagiging mayabang ay nananalaytay sa dugo namin. Naisasalin. Ngunit ang pinakamayabang ay nauna nang magpaalam.
- mayora
