Ten-ten—teneeeen
Ten-ten—teneeeeeen
This is it—pansit! Ikakasal ako sa isang mayaman at napakasarap na lalaki. Dream come trueee mga siszt! Isang napakagandang beach wedding na noon ko pa pinangarap.
Lahat sila nakatingin sakin habang naglalakad ako sa red carpet. Alam kong napakaganda ko sa wedding gown na aking suot. Sa aking paglalakad nakita ko sa kaliwang bahagi ng upuan ang mga taong sumuporta sa pagiging ambisyosa ko, nginitian ko sila ng taos puso at sa kanang bahagi naman, ang mga intrimidida at inggiterang palaka na walang ginawa kung di kutyain ako. Nginitian ko sila at kinawayan na parang isang sosyal na babae.
Muli kong tinuon at pinagpatuloy ang paglalakad, nangunot ang noo ko sapagkat kanina pa ako naglalakad pero hindi pa rin ako makarating sa unahan kung saan nag aantay ang pinakamasarap na putahe na aking matitikman pagkatapos ng seremonyas na ito.
Hingal na hingal na ako sa paglalakad pero hanggang ngayon nakatanaw pa rin ako sa lalaking nasa unahan ng altar na alam kong mapapangasawa ko. Habang tumatagal dumidilim ang paligid at ang tanging nakikita ko lang hanggang sa pagdilim ang lalaking mapapangasawa ko na nakatalikod sakin, at buti naman umusad yung paglalalad ko dahil nakarating ako sa kanya. Sobrang takot ang nadarama ko sapagkat nasira ang masaya kong kasal.
Nakatalikod pa rin siya sakin at nang hawakan ko siya sa balikat unti-unti siyang humarap, with pa slow-mo epeks at tanging tibok lang ng aking kabibe-este puso ang naririnig na para bang nasa isa kaming palabas.
Unting-unti na laaaang makikitaaa ko na ang kanyaaang masaraa----"MIRAAAAAAAAA!!!"
"aypukinginamersnamiraaa," gulantang na sabi ko sabay bangon sa higaan. Kakamot kamot ako ng mukha sa sobrang yamot sa pesteng yawa na sumira ng panaginip ko. Tumayo ako at binuksan ang pintuan at inihanda ang panapak na mag asawa sa pisting ito.
"Miraaa---araaaaaaaay!" daing ni Charlotte o mas kilalang Lotlot, ang babaeng may expired na matres.
Magkababata kami at parehong laki sa hirap. Hindi lang basta kaibigan ko siya, parang isang tunay kapatid ko na rin. Simula elementary hanggang sa mag kolehiyo magkasama na kami nan. Yun lang sa kasamaang palad pareho din kaming huminto sa kolehiyo, nasa ikalawang taon na kami sa kursong business management. At pareho kaming nagkaroon ng mabigat na problema dahilan kaya kami nahinto.
Labing siyam na taon ako noon ng magkaroon ng problemang nagpabago ng buhay ko. Pauwi ako noon galing sa bahay ng kaklase ko dahil tinapos namin yung sa thesis project namin para sa unang semestro, nagulat ako ng makita ko na may bisita kami. Isang may katandaan na lalaki na naka formal na kasuotan. Pero wala ang nanay ko kung di ang kapatid ko lang na nasa sampung taong gulang, tinanong ko kung asan ang nanay sa kapatid ko at sa di ko malamang dahilan nakaramdam ako ng kaba sa naging reaksyon ng estrangherong bisita.
Nalaman kong namatay ang aking ina sa pagkalunod sa lugar kung san siya nagtatrabaho bilang tagalinis ng mga kwatro sa beach resort. May iniligtas na taong nalulunod daw ang aking nanay. Hindi ko maintindihan kung bakit nalunod ang nanay ko. Alam kong marunong siyang lumangoy. Marami pang sinabe sakin ang lalaki ngunit nabinge na ako at wala na akong maintindihan basta ang alam ko wala na ang nanay ko. Wala na nga kaming nakagisnan na tatay, kinuha pa samin ang tanging nagmamahal samin ng kapatid ko. Nawala ang lahat ng pangarap ko sa buhay para sa amin. Paano na kami ng kapatid ko?
Dahil na rin sa trahedyang nangyari, sinagot ng resort ang libing ng nanay. Napahinto na rin ako ng pag aaral dahil wala kaming kamag anak na aakuin ang responsibilidad sa amin ng kapatid ko kaya napilitan akong tanggapin ang trabahong inoffer sakin ng dating pinagtatrabahuan ng yumao naming ina. Kahit labag sa kalooban ko, ngunit wala akong magagawa, hindi ko maikakaila na naging masaya ang nanay ko sa beach resort na iyon. Yun lagi ang kinukwento nito sa kanila. Parang parte na ito ng buhay ng nanay nila.
Para makabawi binigyan nila ako ng magandang posisyon sa resort pero hindi ko tinanggap. Mas pinili kong ipagpatuloy kung anong trabahong iniwan ng aking nanay. Balak din sana kaming pag-aralin nila, pero hindi ako nakaramdam ng saya at tinanggihan ko pa ito na para bang ganun lang ba kadali bayaran ang isang buhay na nawala dahil sa kapabayaan nila. Ayokong magkautang ng loob sa kanila magtatrabaho ako para matustusan ang pangangailangan naming magkapatid.
At ngayon nasa ikaapat na taon na ako sa pagiging room girl ng resort, i mean taga linis. Nakakainis diba? Dapat pala di na ako nag inarte, sana giniit ko na lang maging may-ari ng beach resort na ito. Syempre charot lang! Basta ang alam ko ambisyosa na ako.
So back to reality...
"Kay aga-aga ang bayolente mo!" sabi niya habang hinihimas ang pisngeng nasapak.
Sinamaan ko siya ng tingin at tinalikuran at sinundan ako ng gaga papasok.
"Ano na naman ba kasi yun? Ang daming araw na pwede mo akong gisingin ngayon pa kung kailan makikita ko na ung masarap na mayaman na mapapangasawa ko?" iritang sabi ko habang nakasalampak sa higaan ko.
"Ano pati panaginip mo ambisyosa ka pa rin? Well, eniweys may good news ako sayo sizt!" kinikilig kilig niyang sabi sabay lapit sakin.
Tinignan ko siya na parang wala akong interes sa sasabihan niya.
"Kung tungkol sa masarap na mayaman yan palalampasin ko ang paninira mo sa kasal ko."
Nginitian niya ako na para bang mas maganda pa sa inaasahan ko.
"Darating ang boss mamaya sizt! The super hottie boss Geraaard! The tagapagmanaaaa" sabi niya na parang may bulate sa puwet niya habang kinikilig.
"Yun lang na-----POWTAAA! Seryosoooooo! Emeged ihandaaa mo yung black bikini ko sizt!" hindi magkahulmahang sabi ko.
Hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito. Dumeretso ako agad sa damitan ko at naghanap ng mga pinakaseksi kong damit na susuotin araw araw.
Ito ang pinakahihintay ko, ang makitang muli ang binatang tagapagmana ng ilang beach resorts dito sa loob at labas ng bansa. Matagal ko na siyang pinagpapantasyahan. Mabibilang sa daliri ang ilang beses na pagpunta nito dito para lang bisitahin at kamustahin kung maayos ba ang resort. Hindi nalalayo ang aming edad at single pa daw ito hanggang ngayon. Iniisip ko pa lang na mapapangasawa ko yun, parang gustong kumawala ng perlas sa kabibe ko at nakakita ako ng mga wedding bells na kumakalembang.
Naputol ako sa pagmumuni muni ng may kung anong bagay na tumama sa ulo ko. Napabalik ako sa kasalukuyan at nakita ang unan na hinagis sakin.
"Hindooot ka, gusto mong mapatalsik sa trabaho? Ano yun maglilinis ka ng mga kwarto na nakabikini?" pang aalaska na sabi niya.
"Alam mo kanya kanyang taktika! Wag kang magdamit kung gusto mo akong kabugin," pairap na sabi ko. At tumawa naman ang lokaret.
"Bahala ka ngang gagaita ka. Eniweys, nagpunta lang ako dito para maghatid ng magandang mensahe. Pinag e-early in tayo para maghanda kasi may darating na yummeeehh! Baydawey! Nakasalubong ko si Cath papasok na sa school. So, babush na siszt ," dere deretsong sabi nito at umalis na. Palibhasa kalapit bahay lang namin ang gaga kaya ang aga lagi mambulaho.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko ang almusal na inihanda ng kapatid ko. Nakaramdam ako ng saya dahil maswerte ako sa kapatid kong ito. Maaga siyang natuto para maging responsableng bata. Ngayon na nasa second year highschool na siya. Naalala ko noon, sobrang iyak ako noong gumaradweyt siya ng grade six, ang OA ko nga akala mo isang ina, well ganun naman talaga ang nangyari. Ganito pala yung feeling. I became her sister and a mother, and I really love Cath.
------------------------------------------------------
Vote & Comment:
YOU ARE READING
That Ambitious Girl
Romance"Masama bang pangarapin ka? Sereep me keye?" Kilala si Mira sa kanilang lugar sa pagiging ambisyosa. Kapag ginusto niya ang isang bagay ay talaga namang pinag susumikapan niya ito lalo na kapag usaping 'PAGYAMAN' at isa sa pangarap niya ay makapag...
