001
Papel na blangko,
Nakatitig lamang sa'yo
Nais kong malaman mo
Ang hinanakit ng puso.Habang tumatagal sa pagtitig
Lalong lumalakas kabog ng dibdib
Tila ba may nais ipahiwatig
Hindi masambit ng aking bibig.Ikaw ay aking sinulatan
At aking naging sandalan
Sa lahat ng kasawian
Lalo na tuwing nahihirapan.Kasabay ng pagsulat
Ang pag-agos ng mga luha
Habang patuloy na inaalala
Ang mga dating pagsasama.Ilang saknong nanaman ang nailikha
Panulat ay ibababa na
Sapagkat ako ay tapos na
Tapos na sa isang kabanata.-Ylai
YOU ARE READING
Unvoiced Thoughts (Compilation of Poems)
PoetryMinsan may mga bagay talaga na mahirap sabihin, kaya isinusulat na lang natin 'to.