This story contains spoilers for series The prophecy series #2,3,4......
Disclaimer: This story is entirely a work of fiction. The names, characters, business and incidents are portrayed in it are the work of the Author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, events or localities is entirely coincidental.
Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young readers. Read at your own risks.
*. *. *.
LIVIUS MONTEREI
"Pasensiya na talaga Livi, si boss na ang nag-sabi na tanggalin ka dahil sa mga nasira na ginawa mo, 'di mo rin naman daw mababayaran kaya tanggalin ka na lang daw"
"Okay lang sir Lucas, maraming salamat na lang po"
Ngumiti muna ako sa kaniya bago ako tumayo sa ikina-uupuan ko, lumabas ako sa office at nag-punta sa desk ko at kinuha na ang mga gamit ko doon... hay, lagi na lang ganito natanggal na nga ako sa dalawa kong trabaho noong isang linggo tapos eto ngayon?. Pang huling trabaho ko na ito at natanggal na din ako. Nitong apat na araw ang nakalipas noong palayasin ako sa apartment na nirerentahan ko.
"Oh pareng Liv natanggal ka na naman?" nilingon ko ang nagsalita, si Jack isa sa mga kaibigan ko dito sa lugar namin.
"Oo pre, wala eh ganito talaga ang buhay".
"Awts pare, sige batsi na ako"
"Sige pre"
Tumalikod na ko pero muli akong tinawag ni Jack.
"Livi!"
"Bakit pre?"
"Balita ko kasi naghahanap ng bagong bata si Banjo, kung gusto mo sa kaniya ka na lang, trabaho din 'yun" sabi niya pa habang nakangiti sakin
"Pero pre alam mo naman kung ano ang trabaho ni banjo"
Isa sa mga sindikato si Banjo, sila din ang kinatatakutan dito dahil marami siya'ng tauhan. Dito din sila nagtatago sa mga pulis na hinahanap sila pero dahil nga may mga koneksyon siya sa mga matataas lalo na sa gobyerno kaya naman talagang ilag ang mga tao dito sa kanila.
"Oo alam ko pre, balita ko din naman na ibang trabaho ang iniaalok, malay mo di ganun kasama and ipapagawa nun may kaunting kabaitan pa rin naman yun"
Totoo naman ang sinabi niya dahil siya pa mismo ang nag pa-renovate ng simbahan malapit dito at buwan buwan siya nagbibigay ng tig- dalawang libo sa lahat ng nakatira dito.
"Pag-iisipan ko na lang pre"
"Sige pre pag-isipan mong mabuti ha?"
Tinanguan muna ako ni jack bago tumalikod at umalis. Tinitigan ko siya habang nag-lalakad at napailing na lang ako, nagsimula na akong maglakad pa-uwi sa bahay ng Best Friend ko si Taiki, kaibigan ko na siya simula ng 13 years old kami hanggang ngayon. Ganito ang appearance niya matangkad siya ng konti sa akin, di ganun kapayat 'yung sakto lang, kulay orange-brown ang buhok,ang mga mata naman niya singkit may pagka-orange ang kulay weird right?, pero since birth na 'yan tulad nang sakin. Ang akin kasi matangkad ako pero sabi ko nga mas matangkad sakin ng konti si Taiki, ash-gray ang kulay ng buhok ko payat ako 'yung di payatot ah...'yung mata ko naman may pagka-singkit ng konti, ang kulay naman ng mata ko ash-gray din pero ang pinag-kaiba naman merong parang snowflakes sa mata ko, pareho kami ni Taiki na nagcocontact lenses 'yung sa buhok naman kahit anong pakulay namin ayaw mapalitan kaya nagsusuot na lang kami ng wig para di magtaka ang mga tao bakit ganun. Pareho naman kami na may ipagmamalaki sa mukha dahil pareho kaming may itsura, ilang beses na din kami pinag-kakaguluhan ng mga matrona at bakla pati na babae. Marami din ang nag-aalok sa amin na maging model o di kaya artista pero tinanggihan namin lalo na ako kasi hindi pwede.
YOU ARE READING
THE PROPHECY
FantasySa mundo ng mahika, akala natin ay sobrang cool nito. Pero masaya nga ba talagang nagkaroon ng kapangyarihan? Sapat na ba iyon para maging masaya at maprotektahan ang mga mahal mo sa buhay? Ikaw, anong mas pipiliin mo? Mabuhay ng normal o mabuhay ng...
