(1974)
Panimula
“ Alissana, ano? Sasama ka ba kay Manang Loida sa kabilang bayan?”
Prente akong umupo sa upuan na gawa sa kahoy at umismid. Bakit naman ako babalik doon?
“ Hindi na, Nay” sabay tingin sa mga kuko ko.
“ Bakit naman?”
“ Natatamad po ako”
“ Asus, sabihin mo may kaaway ka na naman doon kaya ayaw mo nang bumalik” singit ni ate Adel.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Kahit kailan ay napakamadaldal niya!
“ Ano? Na naman?” gulat na sabi ni Nanay
“ Syempre, Nay. Hindi kana nasanay diyan sa bunso na laging may kaaway”
Sinamaan ko ng tingin si ate Adel. “ Hindi ko po kasalanan, Nay” pagtatanggol ko sa sarili. Lalong natawa si ate Adel. Hindi naniniwala o dikaya'y nang-aasar.
“ Hindi raw, sino ba ang nanira ng pananim doon?”
“ Kasalanan niya 'yon ate!” Muli kong sinamaan ng tingin si Adel. Ngunit nagbelat siya at nagpaduling. Kung wala lang dito si Nanay ay hindi ko siya tatawaging ate. Wala siyang ginawa kundi asarin ako.
“Osiya, tumigil na kayo. Aalis na ako at may lakad pa kami ng tatay niyo. Halika'na Manang”
Naiwan kami sa bahay ng kapatid ko, sa kasaamaang palad. Hinintay kong mag alas kwatro ng hapon bago ako pumunta sa kwarto namin ni ate Adel. Hinalungkat ko ang tukador at namili ng magandang susuotin. Isang puting bestida.
Sinuot ko iyon kaagad, pagkatapos ay tinirintas ko ang mahaba kong buhok at ginamit ang pulang laso para gawing tali.
“ Saan ka?”
“ Diyan lang,” walang gana kong sagot.
“ Anong diyan lang? Tapos ganyan pa ang suot mo, diba sinabi na ni Nanay na para sa pagsisimba lang 'yan sinusuot?”
naka-pameywang na siya at humarang sa pinto.
“ Akin naman 'to, kaya pwede ko 'tong suotin kung kelan ko gusto” nameywang din ako. Kahit mas bata ako sa'kanya ay mas mataas ako.
“ Disi-otso ka pa lang, Avi”
“ Disi-otso NA ako” pagtatama ko. Isang taon lang naman ang lamang niya pero ganito siyang magsalita. Parehas sila ni Tatay.
“ Hay, bahala ka nga!”
Napangite ako nang umalis siya sa harap ng pinto. “ Babalik din ako kaagad, sisiguraduhin kong hindi ako maaabutan ni Nanay” sabi ko bago lumabas. Nag-aalala lang naman siyang madamay na mapagalitan.
Dumaan ako sa mga namumulaklak na pananim ni inay at pumitas ng isa. Isiniksik ko sa taas ng tenga ko. Tahimik kong tinahak ang daan papuntang pamilihan.
Mabuti nalang at hindi maputik kahit umulan nung umaga.
“Avi!” sinalubong ako kaagad ni Marites. Anak ni Manang Loida na kasambahay namin. Nakangiti siya at inayos ang suot na sayang lampas tuhod. Isa 'yon sa mga binigay ko sa'kanya na hindi na kumasya sa'kin. Mas bata siya ng dalawang taon pero dahil mataas ako, madaling lumiit sa'kin ang mga damit ko.
“ Bagay sa'yo” papuri ko at ngumite.
Mas lalong lumaki ang ngite niya at sumunod na sa paglalakad ko.
“ Ang ganda naman ng suot mo” sabi niya. Nilingon ko siya at tipid na ngumite.
“Siguradong mababali ang leeg ni Isaac sa kakalingon sayo!” sabay tawa niya at pumalakpak pa. Sino siya para pagsabihan ng ganoon si Isaac? Gusto kong lingunin niya ako pero ayaw kong mabali ang leeg niya!
Kinunutan ko ng noo Marites kaya natigil siya.
ESTÁS LEYENDO
Tree of Unending You (CL #1)
RomanceBelieving in the story of an old tree in their town called 'Puno ng Walang Hanggang Pag-ibig', Alissana Victorina San Jose hold a strong belief that someday she'll experience the charm that had been wandering about the tree for years. Na balang araw...
