Doppelganger Stories 2

Start bij het begin
                                    

Sana ay ma-post po ito para magbigay paalala na kahit saan man tayo tanging si Papa God lang ang tanging gabay at tagapagligtas sa atin sa ganitong sitwasyon. Maraming salamat.

My Co-Nurse Doppelganger

Hello spookifiers. Isa ako sa tulad nyong libangan ang page na ito tuwing nababagot or tapos na ang duty ko. My name is Chloie isa akong nurse and now isa ako sa nagbabantay sa mga covid sa hospital dito sa Manila. Btw, lately nabasa ko ang stories nina Hen Kano at Trou Kulit, honestly I know them kasamahan nila kapatid kong bunso na sundalo rin. Nakasama ko rin sila matagal nang panahon hahaha doon sa lugar na tinamaan ng bagyo, nag-check up kami ng mga tao and doon ko sila nakilala, pinakilala ng kapatid ko sakin. Sarap ngang turukan sa mata ng dalawang yon e pero kwela sila promise. Naikuwento na rin sakin ng younger brother ko about sa experiences na napakarami ng dalawa na iyon nakakshookot grrr maraming experiences yan si Hen wala pa sa kalahati ng mga kwento niya mga na-experience niya sabi ng kapatid ko haha gusto nyo face reveal ng dalawa na yun guyz? haha alam ko real name and fb account nila.

Last last year ito naganap. Around 8pm naglalakad ako sa hallway sa 3rd floor pababa ako ng 2nd floor chineck ko kasi mga pasyente ko. And then nakita ko ang co-nurse ko na si Tara, bestfriend ko rin sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Nagtaka ako kasi madaling araw pa duty nya kaya bakit parang ang aga nya. Nakasalubong ko na sya tsaka ko sya kinausap bakit ang aga niya dumating e madaling araw pa naman siya. Tinitigan niya lang ako, yung face niya walang emotion. Mga 1 minute kaming eye to eye kinabahan din ako that time promise habang magka-eye to eye kami ngumiti sya ng nakakashakoot.Hindi pa rin siya naimik sakin kaya inalog ko siya inalis niya lang ang kamay ko tapos naglakad na uli palayo.That time iba na napi-feel ko.Nilingon ko pa rin siya and nakita kong pumasok siya sa room kung saan ako nanggaling kanina. Nagtaka uli ako kasi sa iba siyang room dapat nagche-check at sa 2nd floor yon but bakit nandito siya sa 3rd floor and don pa talaga siya pumasok sa room ng mga patient na binabantayan ko. Sinundan ko siya at nang makarating ako sa room na yon wala si Tara kaya tinanong ko sa isang pasyente kong may nurse ba na pumasok dito sabi naman niya ay wala. Kaya kinabahan na ako kasi sa nababasa ko here in spookify about sa nanggagaya ng itsura. Hindi ko nalang inisip yon at tumuloy na ako pababa sa 2nd floor sa nurse station. Busy ako sa paghihilamos sa cr kasi nga tapos na ang duty ko and pauwi na ako. Habang nagpupunas na ako ng towel sa mukha napansin kong dumaan sa likod ko si Tara nakaharap kasi ako sa salamin kaya pansin ko kung sino nadaan sa likod ko around 1pm yun hindi na ako kinabahan kasi ito yung time ng dating niya. Nilingon ko sya nagtaka na naman ako bakit nakaharap lang sya sa pader kinalabit ko siya pero hindi siya nalingon."Ay bwiset" gulat na gulat ako kasi bigla akong ginulat ni Tara na nasa pintuan bigla ako nanlamig at nilingon uli ang isang tara na kanina ay nakatalikod pero ngayon wala na sya. Mabilis akong lumabas tsaka hinila papalabas si Tara kinuwento ko sa kanya ang nangyari at napansin ko kanina. Tinanong ko rin siya kung around 8pm ay dumating na siya sabi naman niya hindi naman daw sya luka-luka para dumating ng maaga e ang duty naman niya ay madaling araw pa. Silent reader rin siya sa spookify kaya alam nya about sa doppelganger. Sinabi niya kung need ba nya na sunugin suot niyang uniform sabi ko parang ganon na nga kasi sa nababasa namin ganun daw gawin para hindi mapahamak. Nagpaalam na ako kay Tara non para umuwi na pero thankful pa rin ako kasi wala namang nanyari kay Tara after ng pangyayari na yon.

Mga ka-spookify lagi pong mag-ingat ha! Wash your hands and eat healthy foods palakasin rin ang pangangatawan para iwas covid.

💉 nurse chloie💓

Doppelganger

Hi it's Nica again ako yung nagkuwento ng "Ang limang pamahiing sinuway ko". Btw, doppelganger means may gumagaya sa kaanyuan mo parehas talaga ng itsura mula ulo hanggang paa. Una, hindi talaga ako naniniwala diyan pero nung nangyari sa pinsan ko sobra na akong natakot. Sa Davao  pa kami nakatira noon. Ako at ang pinsan ko lang ang nasa iisang bahay. Call Center Agent siya tapos nagpanggabi pa siya kaya ako lang talaga ang naiiwan sa bahay namin palagi. June 13, 2018 tanda ko pa yung petsa kung saan nagkuwento yung pinsan ko sakin. Kaya daw mas pinili niyang magpanggabi na lang kasi daw one time may nakita daw siyang anino sa kusina. Btw, may taas kami kaya doon yung kwarto namin hehe. E di syempre natakot ako kasi ako lang mag-isa yung naiiwan palagi. Kaya naisipan niyang papuntahin yung kapatid niya dito para may kasama ako yung isang pinsan ko na yun ay nasa Cebu kaso wala siyang pera that time kaya ako pa din talaga ang naiiwan sa bahay. 1 week makalipas napapansin kong hindi mapakali si ate para siyang nababalisa parang nababaliw ganun siguro dahil hindi siya sanay sa panggabi talaga kasi puyat ganun. Kaya naisipan ko siyang kausapin "magpang-umaga ka na lang tapos hihintayin kita para sabay na tayong umakyat sa kwarto" sinabi ko yan kay ate at pumayag naman siya. Isang linggo din nakalipas nang nagpang-umaga siya. So ayan okay na, lagi ko siyang hinihintay minsan 2am na siya nakakauwi 12am naman yung pinakamaaga. July 3, 2019 11pm nung nasa sala ako tamang scroll sa FB para hindi antukin kasi nga antukin talaga ako kaya pinipilit kong idilat mga mata ko. Mag-aala una na at medyo napapapikit na ako nang marinig kong bumukas na ang pinto so matik na sa akin na si ate na yun lumingon pa ako at kinausap ko pa siya "Akyat na ako ha antok na talaga ako" pero hindi man lang siya tumango o nagsalita kaya umakyat na ako at natulog. Btw, magkaiba pala kami ng kwarto ng pinsan ko. Yung kwarto niya sa harap ng kwarto ko magkahiwalay ganun hehe. Mabilis din naman akong nakatulog nang mag-ring yung phone ko nagising ako bandang 4am na din yata yun tapos napakaraming missed calls galing kay ate syempre nagtaka ako ba't pa siya tatawag kung pwede namang kumatok tapos napakaraming messages. Nang buksan ko in-scroll ko muna pataas para umpisahan sa una.

Scary Stories 5Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu