THE HISTORY OF US

753 24 0
                                        


Nagsimula ang aming istorya noong panahong unang beses ko siyang nakita. Mata niyang mapupungay, ngiti niyang tila kumukulay sa lahat ng dimensyon ng mundong aming ginagalawan. Masaya siyang nakikipag-usap sa aming mga ka-baryo, habang ito ako, nakatanaw sa kanya mula sa malayo.


Ang bawat butil ng pawis ay nag-iiwan ng marka sa kanyang suot-suot na kamiseta. Bakas ang pagod sa kanyang katawan dahil sa pagbubuhat ng mga kagamitan papasok sa tirahang ngayon lamang magkakalaman.


Mukhang siya ang bagong lipat na sinasabi ng ibang mamamayan.


Simula noong araw na iyon ay madalas ko nang makita ang sariling nakatingin sa kanyang tirahan mula sa aming durungawan, minsa'y nakita ko na siyang tumingin pabalik sa aking kinaroroonan ngunit hindi ako nagpakita, mabilis akong nagtago sa ilalim ng lamesa.


Baka sabihin pa niyang minamanmanan ko siya. Ngunit hindi nga ba?


Araw ngayon ng Biyernes. Isang buwan na mula noong unang beses na nasilaya siya. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya personal na kilala.


Bakit ba nais kong malaman ang kanyang pangalan?
Bakit ba nais kong makita siya nang malapitan?
Ano ba ang ginawa niya sa akin at tila ba'y tuliro ako sa kanya?
Bakit hindi siya maalis sa isipan ko?
Bakit hanap-hanap siya ng aking puso?


Natigil ang pagtatanong nang may dumapong eroplanong papel sa aking mukha. Agad na tumayo at tumingin sa kung sino ang maaaring magbato nito sa akin. Nang wala akong makita ay pinaikot ko ang aking mga mata.


Mukhang may nais mang-inis sa akin at nagtagumpay siya.


Napadako ang aking tingin sa hawak kong eroplanong papel. Parang may nagtutulak sa aking bulatlatin ito.

"𝙷𝚞𝚠𝚊𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚊𝚝𝚒𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚍𝚞𝚗𝚐𝚊𝚠,𝚖𝚊𝚊𝚊𝚛𝚒 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚝𝚊𝚙𝚘 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕'𝚠𝚊

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"𝙷𝚞𝚠𝚊𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚊𝚝𝚒𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚍𝚞𝚗𝚐𝚊𝚠,
𝚖𝚊𝚊𝚊𝚛𝚒 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚝𝚊𝚙𝚘 𝚝𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕'𝚠𝚊.
𝚂𝚊 𝚖𝚊𝚢 𝚙𝚞𝚗𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊. 𝙷𝚒𝚑𝚒𝚗𝚝𝚊𝚢𝚒𝚗 𝚔𝚒𝚝𝚊."

- J, 𝟷𝟾𝟿𝟼

---

Ako'y tumungo kay Manang Cecilia upang makapag-paalam, lalabas ako't makikipagkita sa nagpadala nitong sulat, hindi ko man lubos na kilala, ngunit may kutob akong siya nga.


Lakad takbo ang aking ginawa, makapunta lamang sa tagpuan naming dal'wa. Pagkarating ko'y tila huminto ang oras. Nakatalikod siya sa akin at prenteng nakaupo sa silya. Mukhang naramdaman niya ang aking presensya, kaya agad siyang tumingin sa aking mata.


"Nandiyan ka na pala." Sabi niya at ngumiti, siya nga ang lalaking tinatanaw ko sa t'wina, narito na siya sa aking harapan, unti-unti ay lumapit siya at hinawakan ang aking kamay.


"Juan." Natigil ang aking pagpapantasya nang siya'y magsalita


"Leonor." Sabi ko at tuluyan niyang iginiya ang aking kamay sa kanyang labi at ito'y hinalikan.

---

Mga Karakter:

Leni Robredo bilang Maria Leonor Gerona

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Leni Robredo bilang Maria Leonor Gerona


Jesse Robredo bilang Juan Sebastian Romero

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Jesse Robredo bilang Juan Sebastian Romero


---

Paalala: Ang mga susunod na kabanata at senaryo ay pawang pangkaisipan lamang ng tagapagsulat at hango sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga gumaganap sa mga pangunahing karakter ay walang anumang kinalaman sa aking akda.

The History of Us
June 27, 2022
Bb. Takipsilim

The History of Us (Slow Update)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora