The 13th Guy (Formerly: That Beat Of Love)

611K 9.3K 1.1K
                                    

ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2015 BY Marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions.

POSTED: January 3, 2015

TITLE: The 13th Guy

PROLOGUE

Hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng kapalaran ko. I know, medyo madrama ang entrada ko pero 'yon naman talaga ang kwento ng buhay ko.

Ang palagi nalang iniiwanan.

Nakatatlong boyfriend na ako at lahat ng 'yon ay sila ang nakipaghiwalay sa akin. Naexperience ko na rin ang makipag-date pero hindi kami nagtatagal. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong alam na maling ginawa ko sa kanila. In fact, I always think of my boyfriend's sake. Ginagawa ko ang lahat para ma-please sila.

Pero bakit ganun?

Ano bang mali sa akin at lagi nalang akong pinag-iiwanan? Mabait naman ako. Hindi naman ako mataba o payat. Tamang-tama lang para sa edad ko ang katawan ko. Hindi naman ako pangit. Sweet and caring naman ako. Hindi kaya dahil masyado akong mahinhin at hindi ko kayang ibigay ang kaligayahan nila sa reproductive system nila? Na hindi ko sila pinapayagan na maka-first, second, third base o maka-homerun sa'kin?

Haaayyy! Why does life need to be unfair?

Bakit naman yung iba ang bilis nakahanap ng taong magmamahal sa kanila? Bakit ako, napag-iiwanan na?

Gusto ko nang magkaroon ng long lasting boyfriend na hindi ako iiwan at laging magsasabi sa akin ng mga matatamis na salitang;

"Kumain ka na ba, baby?"

"Take care, girlfriend."

"Goodnight, love."

at syempre,

"Mahal kita, Chelsea."

Anubayan. Stop day-dreaming, Chelsea. Dadating din siya sa takdang panahon. 'Wag kang mainip. Bata ka pa naman eh.

For sure, darating din yung time na makikilala ko na ang future father ng mga anak ko. Yung tipo ng lalaking mabait pero medyo may pagka-bad boy, malambing pero may pagkamaangas, astig pero may funny side at syempre yung mahaba ang pasensya na tipong hahabulin ako kapag nagagalit ako.

Ctrl + A + Backspace

Masyado naman yata ang hinihiling ko. Okay lang kahit hindi gwapo basta mamahalin ako ng todo at pangingitiin ako sa saya at hindi sa kanyang pagiging sira-ulo.

Hindi ako nagmamadali pero sana ay on the way na siya para naman salubungin ko na siya with my arms wide open este... wholeheartedly nalang. Hindi naman ako ganoon ka-clingy, 'no?

Well, kung sino ka mang future father ng mga anak ko, let me introduce myself.

I am Chelsea Yuan and this is a story of a girl who's tired of being left behind.


May forever naman talaga diba? Mailap nga lang talaga siya para sa akin.



DISCLAIMER: May ilang changes na kaganapan sa 'The 13th Guy' in relation with AIWG Trilogy pero no worries, hindi naman ganun ka-relevant. Kagaya nalang ni Chelsea na nasabi sa AIWG Book2: His Promise na may ate siya. Dito po ay wala na. Iniba ko po. Tinanggal ko ang character na 'yon. Iniba ko rin ang pangalan ng baklang kapatid ni Wayne na noon ay Francis. Dito po ay France Zion na siya. I hope I made myself clear. Thank you.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon