Khielve and Kyrene's Honeymoon

156K 2.3K 433
                                    

Napagkasunduan ni Khielve at Kyrene na bumalik ng San Sebastian at doon mag-honeymoon. Hindi na nila pinili ang abroad. Madalas na rin naman kasi silang mag-abroad. At talagang gusto nilang binabalikan ang mga lugar na saksi sa pagmamahalan nila. Nasa cabin sila kung saan sila tumuloy noong magtanan sila.

Napalingon si Khielve sa pinto sa pagpasok ni Kyrene. Suot nito ang isang roba.

"Wow!" malumanay na bulalas ni Kyrene habang buong paghangang pisanasadahan ng mata ang kabuan ng silid na puno ng mga red rose petals ang sahig at kama at may mga scented candles din paligid nito.

Inayos ito ni Khielve habang nasa banyo si Kyrene. It was Jelian and Tricia's idea. Sinabi niya kasi sa mga ito na gusto niyang maging perfect ang unang gabi nila.

"You like it?" Tanong ni Khielve at tumango si Kyrene.

"Ang ganda," nilapitan niya si Kyrene at marahang hinaplos ang pisngi nito.

"I do need to freshen up first. I'll be right back, just wait for me," ginawaran niya ito ng halik bago nagmamadaling lumabas ng silid at nagtungo sa bathroom. Mabilis ang mga kilos niyang naghubad ng saplot at sinimulan ang paliligo.

"Brrrr!! Woah! This is it!!!" halos nagmamadali sa pagligo si Khielve. Ang tagal niyang hinintay ang araw na 'to. Daig pa niya ang babae na ni-reserve ang virginity para sa unang gabi ng honeymoon.

Pinatay niya ang shower ng matapos siya paliligo at nagmamadaling hinila ang towel na nakasabit sa towel holder. Agad niyag tinuyo ang katawan at itinapis ang twalya sa kanyang baywang. Mabilis siyang lumabas at agad na tinungo ang silid at halos hindi magkandaugaga sa magbukas ng pinto ng kwarto.

"Shit!" napamura si Khielve dahil hindi niya mabuksan ang pinto. Pinihit niya uli ang seradura at buong lakas na itinulak. Muntik pa siyang mapasubsob dahil sa buong pwersa niyang pagtulak.

"Hehe! Sira 'ata," napahaplos siya sa ulo habang nakatitig kay Kyrene na nakahiga na sa kama ngayon. Nakakumot ito ng isang fleece blanket. Napakunot noo siya dahil para itong suman dahil balot na balot ito ng kumot na nakaipit pa ang bawat dulo ng kumot sa katawan nito. Tanging ulo lang ang nakalitaw.

"Nilalamig ka ba?"

"Oo eh. Brrr! Ang lamig talaga dito sa San Sebastian," ani Kyrene at nanginig pa ang katawan.

"Mamaya lang hindi na iyan malamig," mapanuksong wika ni Khielve at isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Nanlaki ang mata ni Kyrene sa sinabi niya at mabilis na tinalukbong ang kumot sa ulo sabay higa nang patagilid.

Napangiti lalo si Khielve sa naging asta ni Kyrene. Tinungo niya ang closet at kumuha lang ng boxer short at iyon lang ang isinuot.

"Huhubarin ka rin lang naman e," usal niya. Tumingin siya kay Kyrene, matapos niyang isuot ang boxer. Muli ay nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Kung ano-anong sinasabi mo!" Natawa siya at tinungo ang pinto kung saan ang switch ng ilaw.

"Lights on, lights off."

"Off," mabilis na sagot ni Kyrene. Pinatay ni Khielve ang ilaw. Inikutan siya ni Kyrene ng mata dahil malaiwanag pa rin naman gawa ng mga nakasinding scented candle.

Mabilis na sumampa si Khielve sa kama at humiga ito patagilid na nakaharap kay Kyrene.

"Ang lamig 'no?" Isiniksik niya lalo ang sarili kay Kyrene. Pero medyo nilayo uli ang sarili at akma niyang hihilain ang kumot para sana magkumot din pero lalo itong inipit ni Kyrene.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RestrictedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon