As long as you dream

0 0 0
                                    

Naka higa ako sa sala ngayon at naka tingin sa kisame, 1:40 am na pero gising pa din ako hindi ko alam kung bakit, nang biglang may kumatok sa aming pintuan. "Ikaw si adam hindi ba" tanong ng isang babae. "ako nga sino po sila?" Sagot ko sa kanya "mamaya kuna ipapaliwanag sumama ka sa akin" hinatak nya ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa highway kung saan naka parada ang kanyang magarang sasakyan. "Teka lang! Sino ka ba talaga at anong kailangan mo sa akin?!" Pag pupumiglas ko "mamaya kuna ipapaliwanag" hinila nya ang kamay ko at itinulak sa loob ng sasakyan. Habang nag mamaneho sya naka tingin ako sa bintana ng kanyang sasakyan, at may napansin ako na kakaiba, lahat ng tao na nadadaanan ng paningin ko ay nag iiba ng anyo, ang iba ay nagiging lobo at iba pang uri ng mga hayop. "Wag kang mag alala ligtas ka dahil kasama mo ako" sabi ng misteryosong babae. Hindi na lamang ako nag banggit pa ng mga kataga, sa halip tinulog ko na lamang ito. Kina umagahan nagulat ako dahil naka higa na ako sa isang malambot na higaan "gising kana pala" bungad sa akin ng babae " ah miss nasaan ako at sino kaba talaga?" Tanong ko sa babae "Narito ka sa 7th dimension, ako si Android T4, pero tinatawag ako ng iba na Andrea" sagot ni Andrea "isa kang robot?" Tanong ko uli "hindi isa rin akong tao na katulad mo, pero kalahati ng katawan ko ay oo" sagot ni Andrea sa akin. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo" sabi ko kay andrea. Biglang tumayo si andrea sa harapan ko at nag tanggal ng kanyang baluti "huy!! Teka anong ginagawa mo!?" Pasigaw kong tanong sa kanya habang tinatakpan ko ang ang aking mga mata "tignan mo ang katawan ko nang sa gayon ay makumbinsi kita na totoo ang binabanggit ko!" Sagot sa akin ni andrea. Unti unti kong tinanggal ang kamay ko sa aking mga mata at nakita ko ang kanyang katawan. Ang ulo, kaliwang braso, at kaliwang dib dib nya ay katawan ng tao gayun din ang kanyang ari at kanang hita at binti, at ang natitira bahagi ng kanyang katawan ay purong bakal. "Anong nangyari sayo?" Tanong ko "sa mundong ito may isang nilalang na nag hahari dito na nag ngangalang ryuna, at lahat ng tao ay pinag experimentuhan niya, ang ilan ay ginawa nyang kalahating tao at kalahating hayop, at tinatawag silang medin, at raistand naman ang tawag sa katulad kong kalahating tao at kalahating bakal, tsuren naman ang tawag sa kalahating tao kalahaating kahoy, high breed naman ang tawag sa kalahating tao at kalahating robot, Pure breed naman ang tawag namin sa mga taong katulad mo" salaysay ni andrea sa akin "bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ito?" Tanong kong muli "dahil dito sa 7th dimension ikaw na lang ang natitirang pure breed" sagot nya "ano naman ngayon kung ako na lang natitirang pure breed? Wala naman sigurong mangyayaring masama kung maging isa ako sa mga nabanggit mo diba?" Kalmado kong tanong at sinampal ako ni andrea "nababaliw kana ba?!! Pag nahaluan ka ng ibang breed mabubuksan na ni ryuna ang lagusan patungo sa mundo mo at wawasakin nya ito, ngunit kung mananatili kang pure breed mapipigilan natin si ryuna na gawin ang kanyang masamang pina-plano" pagalit sa salaysay ni andrea sa akin "Teka teka wag mo naman akong sigawan" sagot ko "pasensya kana hindi ko lang mapigil ang emosyon ko" sagot sa akin ni andrea. Pagkatapos nun ay lumabas ako sa bahay ni andrea para magpahangin, at maya maya ay tinawag nya ako "adam!" Sigaw nya, dali dali akong pumasok at lumapit sa kanya "oh bakit andrea anong problema?" Tanong ko "nasundan tayo ng mga high breed!" Pag mamadali nyang sigaw "oh ano naman ngayon?" Pabiro kong tanong "pag nahuli ka nila dadalhin ka nila kay ryuna!" Sigaw nya "naku po!" At kaagad kaming tumakbo papunta sa kanyang sasakyan, nang may bumagsak na malaking bato sa sasakyan ni andrea dahilan para ma-corner kami ni andrea sa isang sulok "HAHAHAHA dito na mag tatapos ang mundo mo adam" halakhak ng isang high breed "mawawasak na ang iyong mun-..." nag may biglang sumipa sa muka ng high breed "dito ang daan" sigaw ng lalaking sumipa sa high breed. Hindi na kami nag dalawang isip ni andrea na sumunod sa lalaki dahil yun na lang ang paraan para matakasan namin ang mga high breed   na humahabol sa amin. Masikip ang dinaanan naaming iskinita kaya hindi na naka sunod ang mga high breed.~~~~~~ipag papatuloy

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

As Long as you dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon