Chapter 16

6 0 0
                                    

Katulad ng nakagawian na ni Ghian ay maaga syang gumising para mag asikaso ng agahan. Habang nagluluto ay hindi nawawala ang ngiti sa labi ng binata dahil lalabas sya kasama si Monica. Well kasama nga pala nila ang kaibigan ng dalaga na si Sheryl.

'Hmn, di bale na aayain ko na lang sya mamasyal sa susunod yong kaming dalawa lang' nangingiting ani ni Ghian sa isip.

Nagiinat naman si Monica ng katawan habang nakahiga parin sa kama. Nais pa sana nyang magtagal sa kanyang higaan ngunit naalala nyang linggo ngayon at lalabas sila ng kaibigan kasama si Janus.

"Hmn, ang ganda naman ng araw na'to excited na ako" ani Monica na halos mapunit na ang pisngi sa lawak ng ngiti.

Naabutan ni Monica ang binata na busy sa paghahanda ng almusal kaya naisipan nyang tulungan na ito.

"Good morning" masiglang bati nya sa binata na ikinalingon nito sa direksyon nya. "Tulungan na kita sa pag hahanda ng almusal" nakangiting aniya sa binata.

"Hindi na Monica matatapos na din naman ako sakto lang ang dating mo" anito sa kanya at binalik na ang atensyon sa ginagawa.

Napalabi si Monica sa narinig "Ganun ba gusto sana kitang tulungan" nakalabi paring aniya sa binata at nilihis ang tingin.

Nilingon naman ni Ghian ang dalaga ng marinig ang pagakadismaya sa boses nito. Bahagya pa syang natigilan ng makitang nakalabi ang dalaga. Naakit sya sa nakausling labi ng dalaga he wants to kiss that lips.

'Oh baby stop that or I'll lose my mind and ravage that lips of yours' ani ng binata sa isip. Mahina naman syang umiling iling upang linisin ang nagaagiw nanaman nyang isip tsaka tumikhim upang kunin ang atensyon ng dalaga.

Natinag naman si Monica ng marinig ang pagtikhim ng binata kaya tumingin sya dito.

"You can set the table if you want" ani ng binata sa kanya.

Napangiti naman ang dalaga sa narinig. Mabilis syang kumilos upang ayusin ang lamesa at ilagay ang mga gagamitin nila sa pag aalmusal. Nagtimpla narin sya ng kape para sa kanilang dalawa.

"Friendship!" Dinig nyang tawag ng kaibigan nyang si Sheryl.

"Andiyan na pala si Sheryl" ani ng binata.

"Oo nga tara na at baka bungangaan tayo nyan" aniya na ikinatawa naman nito.

"Wow on time" bungad nito sa kanila. "Iba talaga pag may kasamang pogi sa bahay" dugtong pa nito kaya sabay silang natawa ng binata at napailing.

"Tayo na nga baka mahuli tayo sa misa" aya nya sa kaibigan panay ang tukso sa kanya.

"Anong tayo? Baka ikaw at sya" sabay turo sa kanilang dalawa ng binata "pwedeng maging kayo pero tayo? No never hindi kita type no adan ang hanap ko hindi eva. At  talong ang hanap ko hindi pechay!" Eksaheradang ani pa nito na nakapag papula ng mukha nya kaya agad nyang tinakpan ang bibig nito.

"Ang aga aga kung ano ano ang sinasabi mo tara na nga at ng mabasbasan ka" nahihiyang aniya dahil ramdam nya ang pagtitig sa kanya ng binata na nasa tabi lang nya.

Natawa si Ghian sa sinabi ng kaibigan ng dalaga 'bagay sila ni Ryan parehong walang filter ang bibig' ani niya sa isip. Ngunit ng lingonin nya ang dalaga sa kanyang tabi ay napatigil sya sa pag tawa dahil sa mukha ng dalaga na namumula na. 'Ang ganda talaga nya hindi nakakasawa' aniya sa isip habang busy sa pagtitig dito habang sinesermonan ang kabigan.

Ng makarating sa simbahan ay nauna na ang binata sa kanila para humanap ng kanilang mauupuan. Maya maya pa ay natanaw na nya ang dalawa na panay ang lingon dahil hinahanap sya ng tumingin ang mga ito sa direksyon nya ay agad nyang kinawayan ang mga ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Come true?Where stories live. Discover now