KAHIT DI NA TAYO

11 0 0
                                        

KAHIT DI NA TAYO

Araw-araw hinahanap ka,
Nakasilip sa bintana,
Inaabangan iyong pag-daan
Inaalala ang ating nakaraan

Umaga ,tanghali hanggang gabi,
Puso ko'y di mapakali
Di mawari,bakit sa atin ito nangyari
Puso ko'y ikaw parin ang pinipili

Mahal,hindi mo parin ba nadarama,
Puso koy,ikaw parin ang sinisinta
Di ko alam kong bakit,
Ikaw parin kahit masakit

Mahal kita!
Kahit di na tayo,Ako parin ay umaasa,
Na darating ang araw, tayo ay liligaya
Kahit di na tayo,ikaw parin ang sigaw ng puso ko.


LOVE BEYOND LIMITS(Collection of poems)Geschichten, die süchtig machen. Entdecke jetzt