Chapter 31: Durian

Magsimula sa umpisa
                                    

"How about an operation?" tanong ko.

"Ayaw ni Noona na magpa-opera dahil sa operation, 50/50 ang chance mo na mabuhay. Ayaw niyang i-risk ang buhay niya dahil mas gugustuhin pa daw niya ang kasiguraduhan na makakasama pa niya si Hyung Troy kahit na ilang taon lang," paliwanag niya.

Natahimik na lang ako. Gano'n na pala ang lagay ni Ate Jaycee. Kahit kailan hindi ko siya nakitaan ng kahinaan. Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kaniya. Naging mabait siya sa 'kin no'n at naiintindihan ko namam kung bakit hindi maganda ang pakitungo niya sa 'kin ngayon. Sana maging maayos pa ang lahat dahil iniisip ko hindi lang si Troy pati si Jeydon dahil alam ko na sobra siyang masasaktan kapag nawala ang ate niya.

"Sorry Noona, dapat hindi ko na sinabi sa 'yo baka mag-alala ka lang at hindi ka pa makatulog nang maayos," singit ni Jayshin.

"Ayos lang ako Jayshin." Ngumiti ako sa kaniya.

"Sige, na matulog ka na." Lumapit pa siya sa 'kin para mahawakan ang tiyan ko. "Good night pamangkin." Tumayo siya at inalalayan pa niya ako na makahiga sa kama. "Just call us if you need anything. Sleep well, Noona." Pinatay niya ang ilaw pagkaalis niya.

Tiningnan ko ang cellphone ko at saktong tumatawag si Mama. Sinagot ko agad ang tawag niya. "Hello, mama," bati ko. "Kamusta na kayo diyan?"

"Ikaw ang dapat tanungin namin niyan. Kamusta ka diyan? Pinapahirapan ka ba nila diyan ha, anak? Sabihin mo lang at pupuntahan talaga kita diyan."

"Mama! Okay lang po ako dito. Mabait sila saking lahat dito para nga akong prinsesa dito eh," depensa ko. "'Wag kayong mag-alala sa 'kin dito."

"Hindi mo naman maalis sa 'kin ang mag-alala eh, mama mo ako. Dapat lang talaga na ituring ka nilang prinsesa diyan 'no, eh reyna ang turing sa 'yo ni Jeydon." Biglang tumahimik. Tiningnan ko kung naputol ang call pero hindi naman. "Hello, Candice? Sorry si Skie kasi inaagaw sa 'kin 'yong cellphone ko."

"Ibigay mo sa kaniya ang phone, Mama. Gusto ko siyang makausap."

"Nakaakyat na sila ni Serina eh. Bukas na lang at matutulog na rin 'yong batang 'yon. Namasyal kasi sila ng papa niya."

"Oo nga pala, okay na ba si Kuya at Ate Serina?" tanong ko.

"Sinusuyo ni Charles si Serina, pero nasaktan talaga si Serina sa ginawang pag-iwan ni Charles sa kanila dati kaya ayon, malamig pa rin siya sa Kuya mo." Bigla tuloy akong sumimangot. Hindi ako sanay na hindi maayos 'yong dalawa na 'yon. "'Wag mo na isipin 'yon, gumagawa naman kami ni Yaya Linda ng paraan. Isipin mo ang baby mo, okay? Sige na, matulog ka na. Tatawagan na lang kita bukas. Good night anak, i-kiss mo na lang ako sa apo ko ha?"

"Opo, mama. Good night."

Ilalapag ko na sana ang cellphone ko pero bigla ulit siyang tumunog. Tawag galing kay Jeydon. Sinagot ko naman siya agad.

"Yah! Kanina pa kita tinatawagan pero palaging busy. Sinong kausap mo, ha?" pag-uusisa niya.

"Seriously, Jeydon?" mataray kong tanong. "Pinaghihinalaan mo ako hanggang ngayon?"

"Aish, naglalambing lang ako, asawa ko. Bakit hindi ka naman sumakay? Ganyan ba kapag nabubuntis, nagiging slow?" tumaas bigla ang kilay ako. "O, joke lang. Miss lang kita kaya inaasar kita. Kahit hindi kita nakikita ngayon alam ko 'yang kilay mo aabot na ng Mars 'yan, Baka nga hampas hamapasin mo pa ako kapag nandiyan ako," natatawa niyang sabi.

Hindi ako nakasagot ako. Naiyak kasi ako bigla at ayokong marinig 'yon ni Jeydon. I miss him so badly.

"Asawa ko?" tanong niya.

"O?" tipid kong sagot.

"Umiiyak ka ba?" Dinig ko sa boses niya ang pag-aalala. Kaya nga ayokong iparinig sa kaniya na umiiyak ako kasi alam ko na mag-aalala lang siya. "Tahan na. Sige ka, papangit ka niyan. Kapag nakita ka ng anak natin na umiiyak, baka mag-alala din siya katulad ko kaya tahan na."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon