Chapter 1

209K 5K 1.6K
                                    

A/N: Hi guys! Uunahan ko na po kayo, pasensya na po kayo sa mga mababasa ninyo na mga grammatically incorrect and typo. Pasensya na po dahil 2015 ko pa po nasulat ito so I'm sorry po kung meron po kayong mabasang mga oa na part or typos. Thank you readers!!

-----

"3...2...1"

"HAPPY NEW YEAR!" Sigaw namin.

May mga nagpapaputok, may mga nagtotorotot at may mga nagpapaandar ng kanilang mga motor para mas lalong umingay.

May mga fireworks. Ang ganda!

"Happy new year po!" Sabi ko sa magulang ko at niyakap sila at kiniss sa kanilang cheeks.

"Happy new year anak!" sabi nilang dalawa at niyakap din ako.

Hi! Ako nga pala si Cassidy Evans. Itim at tuwid ang buhok, hindi masiyadong maputi, hindi rin ganun katangkaran, hindi payat, hindi rin mataba. Basta sakto lang.

"Happy birthday din sa'yo, anak." Sabi sakin ni mama at papa

Oo, birthday ko ngayon kasabay ng bagong taon. 16 na ako ngayon.

"Thank you, mama at papa! I love you po" niyakap ko ulit sila ng sobrang higpit.

"May regalo kami sa'yo, Cassy." nakangiting sambit sa akin ni Papa.

Kinuha niya yung box na black at nilabas ang laman non.

Sinuot iyon sa akin ni Papa. Kwintas siya na napaka ganda! Kumikinang siya na diamond na may mga maliliit na bato sa mga gilid at may medyo malaking bato sa gitna nito, at parang may umiikot sa gitna nun, parang usok na white? Ewan! Basta ang ganda niya!

"Wag mong wawalain iyan ha? Hindi yan isang ordinaryong kwintas. Ingatan mo yan at wag mong hahayaang ibigay sa iba. Lagi mong itatago yan sa loob ng damit mo. Wag mong hahayaang may makakitang ibang tao diyan sa kwintas mo. Wag kang basta-basta magtitiwala sa iba. Huwag na huwag, anak ha? Kung dumating man yung araw na iyon, alam kong magiging nasa mabuting kamay ka nila." Bilin sakin ni papa.

Kumunot naman yung noo ko.

"Pa ano ba sinasabi mo? Ang weird na po ha."

Palo ko sakanya sa balikat pero mahina lang sabay tawa ng hilaw.

Ngumiti lang sila.

"Mahal ka namin, anak. Lagi kang mag-iingat. Pasensya ka na kung may malalaman kang hindi namin nasabi sayo ha? Maiintindihan mo rin kami sa takdang panahon." Biglang sabi sakin ni Mama.

Kinabahan tuloy ako. Ano ba naman kasing sinasabi nila?

"Ano po iyo ?"

Di kaya..

Nanlaki yung mata ko.

"Ampon lang po ba ako?!" Sabi ko sakanila. Bastos. Di ako pinatuloy.

Huhu hindi naman diba? Kamukha ko kaya si Mama!

Bigla namang pinitik ni Papa yung noo ko.

"Tangek. Hindi ah. Anak ka kaya namin! Basta, tara na! Blow your candles na." Sabi sakin ni papa at pumunta na sila sa living room.

"Pa ang sarap po ng pitik mo ah? Grabe! The best!" Sarcastic kong sabi habang hinihimas yung noo ko. Masakit ha.

Tinago ko yung kwintas sa loob ng damit ko gaya ng sinabi niya. Humabol na din ako sa living room.

"Make a wish, Cassidy." Nakangiting sabi sakin ni Mama.

Pumikit ako.

Papa God. Salamat po sa lahat ah? Wala na po akong maihihiling pang iba. Nariya po si Mama at Papa para sa akin. Basta ang tanging hihilingin ko nalang po ay ang makasama ko po silang dalawa nang masaya at malaya. Yung wala pong ibang poproblemahin. Sana po ay gabayan niyo kami at maging masaya kami sa araw-araw na magkakasama kami. Wag po sana kaming magkahiwa-hiwalay. Yun lamang po. Amen.

Magus Academy : School of MagicsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon