Hanggang ngayon naririnig ko parin siya.
Naririnig kung siyang umiiyak. Humihingi siya ng tulong.
Hindi niya ako pinapatulog. Sa bawat pag pikit ng mata ko ay siya ang nakikita kong umiiyak.
Lagi nalang akong hindi makatulog ng gabi tuwing sasapit na ang oras na 9:00.
Mga pag durusa niya ang aking naririnig. Humihingi siya ng tulong ngunit wala man lang akong ginawa para iligtas siya.
---
Kaibigan ko si Lily simula palang noong elementarya. Lagi kaming sabay pumasok at umuwi. Sabay kaming nag enroll sa isang sikat na paaralan na tanging mayayaman lang nakakapag aral. Mayaman naman kaming dalawa ni Lily kaso pahirapan saaming dalawa ang magkaroon ng kaibigan sa bago naming paaralan.
Ngunit isang araw nag bago ang lahat dahil lang sa isang kapalit na aking hinangad. Kapalit ng bagong kaibigan ay kailangan ko siya layuan at kalimutan.
_FLASHBACK_
*kring * kring*
Tumunong na ibig sabihin ay break time na.
"Ano tara na kain na tayo?" tanong saakin ni Lily
"sige" tanging sambit ko
Bago ako lumabas sa room, nakita ko sina Lea, Amber, Kim, and Ashley na masayang nag uusap at nag memake up. Naiinggit ako sakanila dahil nagagawa nila gusto nila at sobrang saya nila at mamayaman pa. Kilala sila bilang ng Queens dito sa Academy at sikat sila sobra. Gusto ko ding maging kaibigan sila at maging Queen.
"Thea halika na" natauhan naman ako ng nag salita si LiLy
" o-oh sige kain na tayo"
Maya maya ay nasa cafeteria na kami.
"uy andyan na ang mga queens ng academy"
"mag bigay galang tayo"
Wika ng iba na siya ikina tingin ko.
"o m ji andyan na sila" sambit ko saaking sarili
Habang nag lalakad ang mga queens, ay biglang tumayo si Lily na may hawak ng juice at di sinasadyang natapunan ng Juice si Lea na siyang leader nila.
"Lily!" tanging nasambit ko
Halata ang pag kagulat sa mata ni Lily.
"Omji patay siya "
"lagot siya"
"baka matulad siya sa ibang nakabangga ng mga queens"
"omji nakakaawa si ate gurl"
Dinig kong bulungan ng iba.
"I'm sorry , im sorry, im sorry" panay ang pag hingi ng tawad ni Lily kay Lea
"omji Lea look natapunan ng juice ang mamahalin mong dress" saad ni Kim ng kasama sa mga queens
"gosh Lea ginawa niya basahan ng mamahalin mong dress" malanding wika ni Amber
"papayag kaba na ganyanin ka ng isang cheap na tulad niya?" nandidiring wika ni Ashley
Halos di maipinta ang itsura ni Lea.
"YOU STUPID! DUMB! IDIOOOOOOOOOT!" malakas na sigaw niya na siyang ikina tingin ng lahat"
"oh emji beast mode na ang queen"
Rinig kong sambit ng babaeng medyo malapit saakin.
Di ako makatayo at matulungan si Lily dahil mga iniidulo ko vs. sa kaibigan ko kaya di ko alam kong sino ang kakampihan ko.
