Nang makarating ko ang palengke agad kong tinungo ang  pwesto na pinamimilihan ko. napansin kong iba ang batay doon, mukha itong bago dahil hindi ko pa s'ya nakita noon dito. Isang matangkad, payat pero may hubog ang katawan na lalaki ang nakita ko sa pwesto. Hindi ganoon kabata ang itsura niya ngunit hindi rin matanda. Sa tansya ko ay kaedaran nila ate.

"Nasaan ho si aling Pasing?" tanong ko sa kanya.

Tinitigan n'ya muna ako bago nilapitan. "Ah, miss... wala kase si mama may sakit kaya ako ang nagbabantay ngayon"

Anak pala siya ni aling Pasing. Magkamukha naman sila pero baka sa ama nito siya nagmana nang pagiging magandang lalaki. HAY NAKO ka naman KM namamalengke ka at hindi kumekerengkeng.

"Ah, miss?" tawag n'ya na umagaw sa atensyon ko "Ano bang bibilhin mo?

"Ah, heto." Sabay abot ko sa kanya ng listahan at bayong. Iaabot ko na sana ang bayad ng tumalikod na s'ya agad saakin at dumampot ng mga paninda n'ya. Lahat ng maadampot ay nilalagay n'ya sa bayong na dala ko.

Nang narating n'ya ang dulo ng listahan ay kinuha n'ya ang calculator at kwinenta ang mga nasa listahan.

"Miss, 249 lahat pero 240 nalang para sa'yo maganda ka naman e. Hehehe." Nakangiti niyang sambit saakin.

Ngumisi ako ngunit sa loob-loob ko ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya Ano ang 249? Lalo na ang 240. ANO ANG MGA IYON?! HINDI KO ALAM!!

Natataranta na'ko sa isip-isip ko, bumubilis na ang aking paghinga bumubigat na din ito. Nahalata ata ako ng lalakeng iyon kaya hinawakan n'ya ang magkabilang braso ko.

"Miss? Bayad mo miss." Nang marinig ko ang salitang bayad ay iniabot ko sakanya ang perang dala ko hindi ko alam kung magkano iyon basta ko na lang inabot.

"Miss... wala... ka bang barya?" tanong niya habang may kinakalkal sa isang arinola.

"H-ha?... W-wala.... 'Yan lang ang binigay sa akin ni inay" nauutal kong sabi. Bakit ba ang daming hinahanap ng lalaking ito puros hindi ko naman maintindi lahat at hindi ko din alam ang mga iyon!!

"ah, ganon ba... 240 lang kasi ang babayaran mo pero 500 pesos ang ibinigay mo kulang pa ang panukli ko" napangiwi at napakamot ang lalaki sa batok habang sinasabi iyon.

"Ha??? Hindi kita maintindihan..." sagot ko sa lalaki.

"Ulitin ko ha, 24--"

"N-no read no w-write ako... K-kaya hindi kita maintindihan" Pahina nang pahina kong sabi sa lalaking nasa harapan ko.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at halatang nagulat sa isiniwalat ko. Marahil ngayon at alam na niya kung bakit ganoon ako kung mamalengke. Sana matapos na at hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya 'pag humaba pa ang usapan namin.

"Maganda nga, bobo naman. Tsk. Tsk. Tsk." Umiiling niyang sabi. Pabulong ito ngunit kahit mahina ay narinig ko pa rin ito.

Lalo akong napatungo sa sinabi niya. Hindi na lang ako sumagot dahil gusto ko nang umalis dito. Para akong lalamunin ng lupa sa hiya at nerbyos.

Nakita kong may inilagay s'ya sa bayong ko. Nakangisi s'ya bago n'ya ito inabot sakin.

"eto na ang mga pinamili mo. Yung sukli nasa loob ng bayong." Sabi niya ng nakangisi pa din at tsaka ako tinalikuran.

"Ah, s-sige salamat!" nakangiti kong tugon bago umalis. Siguro yun yung nilagay n'ya.

Naglakad muli ako pauwi ng bahay. 'di gaya kanina ay medyo maliwanag na ngayon ang nilalakadan ko. Pagpasok ko ng bahay ay Nakita ko si inay na nanonood ng TV. Balita palang ang mapapanood n'ya pero wala s'yang ibang magawa dahil sarado pa ang pasugalan ni mang Domeng.

Kleiy: Thorns Of RosesWhere stories live. Discover now