Chapter 7: The Bright Light

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pahiram ng kabayo," sabi ni Percy kay Reynold at lumabas na agad sila. Tinulungan ko naman si Harmony sa mga hinanda niyang maliit na pabaon sa aming lakbayin papunta sa Lux dahil medyo malayo pa iyon mula dito.

"Calista, mag-iingat kayo doon ha? Alam ko naman na manlalakbay talaga 'yang si Rufus kaya masisigurado ko na hindi ka niya pababayaan, pero mahaba-habang lakbayin pa ang tatahakin ninyo kaya ipapanalangin ko ang kaligtasan ninyo." Sinserong saad niya at niyakap niya ako bigla. I feel warm for the longest time, I feel light.


"Sa maiksing oras na nakasama kita, parang halos ilang dekada na kitang kilala. You have a good soul, Calista." dugtong niya pa at halos maluha ako sa kanyang mga sinasabi.


"Let's meet again soon."  bulong ko at kumalas na kami sa yakap.


Inabutan na kami ng gabi nang matagpuan namin ang kuweba na pananatilihan muna namin para magpahinga. Kumuha ng mga kahoy si Percy at gumawa ng apoy para hindi kami malamigan. Nilatag ko naman ang mga kumot na pinadala sa amin ni Harmony at umupo doon. Napatingala ako nang lumapit sa akin si Percy at nilagyan ako ng makapal na balabal sa likod ko.


"Pwedeng maupo?" tanong niya at tumango naman ako.


"Hindi ka ba natatakot?" tanong niya pa sa akin.


"Saan?"


"Sa mundo. Sa mga kakaibang nilalang na hindi mo pa nakikita buong buhay mo," aniya.


"I'm not scared anymore, I mean, I feel like I won't need to worry too much now that I have someone who I can trust myself with. Niligtas mo ako, at alam ko na kung anuman ang makita ko pa sa mga susunod na araw, hindi iyon katumbas ng takot ko noong nakasama ko si Alice. She's the real monster," Niyakap ko ang aking mga tuhod at tumingin sa kanya.


"Ikaw? Saan mo nakuha ang lakas loob na maging manlalakbay?" tanong ko naman sa kanya.


"I'm just good at running away, walang espesyal doon." Kalmadong tugon niya na tila alam na niya sagutin lahat ng mga susunod na tanong.


"I disagree. You are stronger than what you think. Sa tingin ko, matagal-tagal pang panahon bago ko piliin na ikutin ang mundo, kasi hindi mo alam kung anong bubungad sa'yo e. There are a lot of uncertainties but it seems like you were brave enough to face the unknown." Sambit ko sa kanya.


"Just who are you, Percy Radcliff? Ano pang mga bagay ang tinatago mo sa akin?" Tanong ko sa kanya at nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko saka tumawa.


"Matulog ka na, antok lang 'yan."


♡♡♡

Napatingala ako sa malaking entrada papasok ng bayan ng Lux. Mula sa malayo, nakikita ko na agad ang pinakamataas na kastila sa madilim na kalangitan. Mabuti na lang dahil tinulungan kami ng mga sprites, kaya hindi naging mahirap ang aming lakbayin na halos inabot lang ng dalawang araw.

"Magpahinga muna tayo sa isang Inn, saka tayo bumisita sa hari," pahayag ni Percy at napatango naman ako. Pagpasok namin, may narinig agad akong musika at mga maliliwanag na lantern.

Madaming mga tindahan sa iba't-ibang direksyon, hindi ko mapigilang mamangha sa mga nagsasayawan sa gitna ng kalsada. Ang iba ay sumasabay sa ritmo ng kanta sa pamamagitan ng pagpalakpak ko kaya pagtalon sa agos ng musika.

Anong okasyon ngayon?

Mayroong lumapit sa aming matandang lalaki na may hawak na mga bulaklak.

Book 1: Befall of the Crown [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon