ISANG PAGSALUDO
Sila ay mga bayaning lumalaban
Sa labang di nakikita ang kalaban
Tayo ay handa nilang proteksyunan
Anumang oras tayo ay mangailangan
Binubuwis nila ang kanilang buhay
Para makamit ng mundo ang tagumpay
Sa sakit na sa katawa'y nagpatamlay
Marami na ang mga nasirang buhay
Isang tungkuli'y kanilang sinumpaan
Na ang ating bayan ay tapat na paglingkuran
Ng walang halong pag aalinlangan
Walang katumbas ang kanilang kabayanihan
Ako ay saludo sa bagong bayani
Sila ay dapat nating ipagmalaki
Lahat sila'y isa lang ang minimithi
Na ang ating kalusuga'y mapabuti
~By Renz Jazzy Tiu Carranza
