Prologue

0 0 0
                                        


"Sir Mave, didiretso naho tayo sa Mansion?"

"Daan muna tayo sa Fortune bakeshop Lucio, bibilhan kolang ng cake si Sattaire, alam Mo na naman yun mahilig sa matatamis", sagot nito sa driver niya.

"Oh okay po".

...............

"Sir andito naho tayo, ako nalang ho ang lalabas at bibili ng cake, naaalala ko pa naman po kung anong flavor yung laging pinapabili sa inyo ni maam" pagpipimilit ni Lucio kay Mave at di naman na ito tinutulan pa nang amo niya. Pagkalabas ni Lucio ilang sandali lumabas narin si Mave para makalanghap ng sariwang hangin, Gabi na kaya mga ilaw nalang ang nagbibigay liwanag sa lugar, habang abala siya sa pagtitingin tingin sa bawat sulok nang lugar naagaw ang pansin niya sa isang babaeng nakahospital gown, malamang inisip niya na kakalabas palang nito sa hospital pero bakit kaya mukha itong balisa at walang sabi-sabing kumaripas ng takbo papalayo sa madilim na sulok ng kalsada na may kalayuan mula sa kinaruruonan niya. Hindi niya alam kung bakit naging interesado siyang tingnan ang lugar ng pinanggalingan nong babae at isa pang pinagtataka niya ng wala siyang maramdaman kahit katiting na kaba, madilim pa naman at ponde na ang mga ilaw rito kaya sobrang creepy na talaga ng pakiramdam niya. Ginamit niya ang phone niya para gawing flashlight at maingat siyang naglakad papalapit sa lugar. Ilang hakbang nalang at mararating na niya ang lugar pero bigla siyang  napahinto  nang may marinig siyang iyak ng isang sanggol, nag-umpisa na siyang kabahan at natakot na baka aswang ang batang narinig niyang umiiyak o di kaya naman ay tiyanak pero nanaig parin ang kagustuhan niyang alamin  ang totoo sa kabila ng takot at kabang nanunuot sa buo niyang katawan.
Binilisan niya ang paghakbang at hinanap ang pinagmulan ng munting iyak, naagaw ng isang malaking karton ang atensyon niya kayat agad niya itong tinungo at napasinghap siya sa gulat ng makita kong anong laman nito, Nakita niya ang isang magandang batang babae na nasisiguro niyang kakapanganak lang nito kahapon, agad niya itong kinuha at patakbo siyang bumalik sa sasakyan, bakas ang gulat sa mukha ni Lucio nang maabotan niya itong kakarating lang sa sasakyan pero di niya na iyon pinag-aksayahan pa nang panahon at agad na niyang  inayang umalis ito at habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe...

"Sir Mave, saan niyo po nakuha ang sanggol na iyan?" mukhang di na nito napigilan ang sariling magtanong sa sobrang pagtataka.

"Lucio, Nakita koto don sa gilid ng kalsada, kawawa naman kaya kinuha Kona tsaka mukhang sinadya naman itong iwanan don dahil may Nakita akong babaeng  patakbong umalis mula ron".

"Kaygandang bata niyan sir, tiyak na magugustuhan iyan ni Maam Sattaire".patango nitong turan at tanging tango nalang din ang naging tugon niya rito dahil abala na siya sa pagpapatahan sa sanggol na sige pa rin sa pag-iyak.

At nang makarating na sila sa mansion agad na silang pumasok sa loob.

"Honey look, nakita ko ang sanggol nato sa gilid ng kalsada, naawa ako kaya kaya dinala kona rito".sabay abot ng bata sa misis nito.

"Oh my God!, Honey kaygandang bata, kasingganda ng ating kambal, tawagan Mo si Doc. Criza at para mapatingnan natin kong okay lang ba ang lagay nito,mukhang kanina pa ito iyak ng iyak". Agad nitong sinunod ang asawa at ilang sandali dumating na nga si Doc. Criza na nagsabing wala silang dapat na ipag-alala dahil stable naman daw ang lagay ng sanggol. Nakahinga narin sila ng maluwag ng tumahan na ito sa pag-iyak at agad ng nakatulog.

Di mapigilan ni Mave ang isiping kung Sino man ang babaeng yun na umabandona sa batang ito ay wala nanga talaga sa tamang pag-iisip dahil nasisiguro niyang malaking kawalan ito sa kaniya bilang isang ina, isang anghel ang iniwan niya at pinabayaan paano niya kaya naatim gawin ang bagay na yon sa walang kalaban laban na sanggol.

May kambal na siyang anak at isang taon ang tanda ng mga ito sa batang napulot niya sa daan, mahilig sila sa mga sanggol o bata kaya agad agad din nilang pinaayos ang lahat para sa adoption dahil gusto niyang lumaki ang batang to na sila na ang kinikilalang mga magulang.

"Honey! Ano sa tingin Mo ang nababagay sa kanyang pangalan?" Tanong ko sa misis kong abala sa pag-aasikaso ng kambal.

"Kung Pristine nalang kaya, this baby was so pure and I like how it sound!, what do you think?"
sagot nito sakin.

"Okay let's settle for that name Pristine" pagsang-ayon ko sa kanya.

Three months passed at officially Flummox na ang dinadalang apelyido ni Pristine, malambing itong bata at agad naman itong nakasundo ng kambal namin na sina Sanguine at Idyllic. Labis labis ang kasiyahang aming nalalasap sa pamamagitan ng mga anghel na biyaya samin ng maykapal.

.................

After thirteen years napagdesisyunan na naming sabihin ang katotohan kay Pristine dahil ayaw naming magtago ng sikreto mula sa kaniya, nasaktan ang bata pero kalaunan ay unti-unti naman nitong naintindihan lahat kayat naging maayos na ang takbo ng mga bagay-bagay sa aming pamilya.

Wala na kaming mahihiling pang iba dahil sapat na sa amin ang kong anong meron kami ngayon, Mahal ko ang pamilya ko kayat lahat gagawin ko para sa kanila.

I'll be the best husband to my wife and be the best dad ever to my twins and to my Pristine.

_JENIEM

Beyond DoubtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon