PROLOGUE

13 4 0
                                    


"Rhee! Saan ka pupunta?" sigaw ng isang babae habang patakbong nilapitan si Rhee.

Hingal na hingal pa siya kaya agad siyang binigyan ni Rhee ng tubig. "Ano ka ba, bakit ka tumatakbo? Madulas pa naman 'tong tiles dito sa hallway."

"Eh kasi...sabi sakin ni Prof Gema nakuha mo na yung forms mo at nagmamadali ka pa raw. Saan ba punta mo? Ba't hindi mo man lang ako hinintay?" nagtatampong tanong ng babae.

"Ah, eh, Maniery, kasi..."

"Bakit? May problema ba?" tanong nung babae na Maniery pala ang pangalan.

Huminga ng malalim si Rhee saka kinuha ang isang sobreng nakaipit sa libro—na nasa bag niya. "Gustong ipabigay ni Mommy sa'tin. Look, hindi naman sa ayaw kong ibigay sayo 'yan, pero mas mabuti kung hindi ka nalang sasama. Maghahanap din ako ng paraan para hindi ako makasama."

Kumunot ang noo niya nang makita ang laman ng sobre.

~Fruity Summer Party~

April 30, 2019 • Coron, Palawan • Morley Resort

"Summer Party Invitation?" tanong niya

"Yeah. Sa April 30 pa naman 'yan, at sa resort natin 'yan ihe-held." bored na sagot ni Rhee.

"Bakit naman ayaw mong sumama ako?"

"Kilala mo na si Mommy, Ery, kalokohan lang ang laging alam nun. Pati tayo dinadamay niya."

"Rhee, don't say that. Mabait naman si tita, nag-eenjoy lang talaga siya sa life niya ngayon."

"Yeah, right? Dahil sa pag-eenjoy niya, nakalimutan na niyang may anak at pamangkin pa siyang dapat tutukan. I know you'll say na hindi na tayo bata para alagaan, but still, it's her responsibility. Anak niya ako, at pinaubaya ka ng Dad mo sa kaniya. Pero anong ginawa niya?"

Napabuntong-hininga nalang Maniery sa sinabi ng pinsan niya. "Naiintindihan kita, Rhee, pero sana intindihin mo rin yung Mommy mo. Simula nung namatay ang Daddy mo, wala na siyang ibang ginawa kundi umiyak at mag-mokmok. At nung namatay rin yung Dad ko, kasunod ni Mom...Siya rin ang nag-alaga sakin. Ngayon, sabihin mo, hindi pa ba yun sapat para siya naman ang pagbigyan mong libangin ang sarili niya?"

Napansin ni Maniery na paluha na si Rhee, kaya agad niya itong niyakap.

"Ayaw ko lang na madamay ka—tayo, sa kabaliwan niya. Remember what happened last time? Mas okay pa na ako yung masaktan, basta okay ka lang." napaiyak narin si Maniery sa sinabi ng pinsan.

"Shhh...don't be like that. Walang masasaktan at dapat na masaktan sa'tin...At saka hindi kasalanan ni Tita Shee yun, sadyang maraming tao lang talaga ang mapagsamantla."

Sa oras na 'yon iisa lang ang nasa isip ni Maniery, ang pinsan niya. Mawala na ang lahat, mapahamak man siya, hindi niya hahayaang solohin ng pinsan ang mga problema niya.

"Kunin mo na ang mga gamit mo..." nagtaka si Rhee sa sinabi ng pinsan pero ginawa naman niya.








"We'll tell your Mom na pupunta tayo sa party."




--------

Kindly press the vote button and spill out your thoughts in the comment section.

Thank you.

One Time Summer EventTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon