Ang bawat segundo na kasama ka
Ay limitado sa kwento nating dalawa.
Ang mga minuto ng ating tawanan,
Alam kong may hangganan.
Kaya naman kahit ang sarap mong pagmasdan
Habang nasa aking harapan,
'Di ko pa rin maiwasan na sumulyap sa orasan.
Baka kase ang ating kwento
Ay oras na para huminto.
Ngunit kung hihiling man ako,
Sana maaaring ituloy pa ito
At ang mga oras at minuto
Sana naman ay pang hanggang dulo
-sunshai
Larawan mula kay Mark Owell