Chapter 1

10 3 0
                                        

"Astrid, naman! Ayaw mo na ba talaga sakin?" Pagmamakaawa pa ng isang lalaki sa akin. Inirapan ko siya at tinuon ang atensyon sa paglalaro ng baraha.

"Astrid! Please, kahit isang gabi lang ulit!" Talagang naririndi na ako sa kanya. Tiningnan ko yung mga kalaro kong lalaki, nakita kong tumatawa sila.

"Anong tinatawa niyo diyan?" Tanong ko sa kanila. Patuloy silang tumawa at tumingin sa lalaking kanina pa nagmamakaawa sa akin. John ba pangalan nito? Nakalimutan ko na.

"Astrid, isang gabi lang naman daw." Sabi pa nang isa kong kalaro. Binato ko tuloy siya ng hawak kong baraha.

"Easy, Lods." Kinuha niya ang mga baraha na nahulog. Tumingin naman ako kay John.

"Tangina, hindi ka titigil? Ganto gawin mo, manood ka lang ng porn at 'wag mo na ako guluhin." Pikon na saad ko. Nakita ko namang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Astrid, naman! Magseseryoso ako sayo. Just please, give me a chance!" Lumuhod siya sa akin at nagmakaawa.

"Alam mo naman na ayoko ng serious relationship diba? Kaya pwede ba? Tantanan mo na ako." Tinanggal ko yung kamay niya na nakahawak sa akin. 

"Gaizer," Sinenyasan ko yung kalaro ko na paalisin si John. Tumayo si Gaizer at hinila palabas si John.

"Ayos ka talaga, Astrid! Lahat ata ng lalaki dito natikman mo na e!" Sabi nung isa kong kalaro na hindi ko naman kilala. 

"Pakyu!" Itinaas ko pa yung gitna kong daliri sa kanya. Tumawa nalang siya sa akin.

Tiningnan ko yung relo ko at nakita kong limang minuto nalang at time na para sa first sub namin.

Tangina, male-late na naman ako.

"Hoy mga gago, bukas nalang ulit." Paalam ko at tumakbo na palabas. 10 minutes pa bago makarating sa campus kaya binilisan ko na ang pagtakbo.

Nakarating ako sa campus ng sakto sa oras. Ti-nap ko yung ID ko at automatic na nagbukas yung gate.

Tumakbo ako tungo sa classroom namin. Pagkadating ko nakita kong nagsimula nang mag-discuss yung Prof. namin.

Yumuko ako at pasimpleng pumasok habang nakatalikod Prof. namin.
Dali dali akong umupo nang makalapit na ako sa upuan ko.

"Nag-attendance na ba?" Tanong ko sa katabi ko. Tumingin siya sa akin at nakita kong ngayon ko lang nakita yung mukha niya.

May transferee pala?

Imbis na hintayin yung sagot niya, kinalabit ko nalang yung isa kong katabi.

"Nag-attendance na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa." Napanatag naman ang loob ko sa sagot niya.

Habang kinukuha ko yung notebook ko nagsalita yung Prof. namin.

"Andito na ba si Ms. Santos at Ms. Montreal?" Tangina, sandali! Apelyido ko yon ah!

Tsaka Ms. Santos? Apelyido yon ng katabi ko ah!

Dali dali akong tumingin sa katabi ko. Napansin niya naman na nakatingin ako sa kanya nagkamot siya ng batok at napa-peace sign.

Tangina, late din pala si gago!

Pasimple kong hinila yung buhok niya.

Tinaas namin yung kamay naming dalawa.

"Kayong dalawa, kapag naulit pa ito, pumunta na kayo sa detention class. Is that clear?" Istriktong saad ng Prof. namin.

"Yes, Ma'am." Sabay naming saad.

Matapos ang ilang oras, lunch na. Pumunta ako sa Cafeteria at nakita ko yung mga kaibigan ko.

Squad Girls Series #1 Astrid MontrealHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora