"Welcome to the Grand Alumni Homecoming of San Pedro High School!..." Labintatlong taon na rin ang lumipas ng huli kong tapak sa paaralang ito na naging kanlungan ng aking kabataan ng apat na taon. Madaming nabago, isang gusali na lamang mula sa orihinal na 6 na gusali na lamang ang natitirang nakatayo. Napalitan na ng mas matataas na gusali ang mga silid-aralan namin noon. Maski ang puno ng Camachile sa pinakapusod ng eskwelahan namin na nagsisilbing silong sa tuwing recess ay nawala na.
Wala na ang mga pisikal na ebidensya ng mga alaala namin nuon, pero di ko pa rin naiwasang ngumiti dahil parang biglang bumuhos ang lahat ng pangungulila ko sa taong ginugol ko rito.
"Nakakamiss. Tagal na rin ng huling punta natin dito." Kasama ko sa lamesa ang mga pinakamalapit na kaibigan ko nuong high school.
Tatlo kaming babae sa grupo - ako, Monica, Mara, at apat na lalaki - JM, Gio, Alvin at Sid. Kasagsagang on-game sa ML ang mga lalaki. Habang nagkwekwentuhan kaming mga babae.
"Sinabi mo pa. Ang daming bago, wala na yung mga paborito nating tambayan. Tas yung mga classroom natin dati wala na, karamihan din ng mga teachers bago." saad ni Monica habang nililibot ang tingin sa paligid ng school.
"Wala na rin yung banyo na pininturahan ng itim ng SSG officers dati dahil sa mga vandal. May nagtext ba sa'yo nung nilagay mo number mo run?" Di ko maiwasang matawa sa sinabi ni Mara.
"Ulol! Hahaha. Tanungin mo yung apat kung ilang drawing ng etits ang nilagay nila sa banyo ng lalaki." Pang-aasar ko sa mga lalaki na patuloy pa rin sa paglalaro. Tinapunan lang ako ng masamang tingin. Sandali nilang binitawan ang kanilang selpon at sabay sabay silang namakyu.
Habang patuloy na nagkwekwento sina Mara tungkol sa mga naging crush nya nuon. May naulinagan akong pamilyar na mukha. Si Aki, Half Japanese na naging kaklase namin nuon at crush na crush ko nuong high school. Unti - unti syang lumapit sa amin matapos kamustahin ang mga tropa nya sa kabilang grupo.
"Hoy! Kumusta?!" Tapik nya sa mga lalaki na tinanguan lang sya na pokus pa rin sa laro. "Monica, Mara at... Mori, ang tagal na ng huli nating nagkita." Kamay ko ang pinakamatagal nyang hinawakan dahil sa ako amg huli nyang kinamayan. Nakangiti lang kami sa isa't isa.
"Sige balik na lang ako mamaya. Di pa maabala 'tong mga 'to. Sali ako mamaya mga 'tol a. Kain lang ako."
"Gwapo talaga ni Aki. Pwede nang luminya sa mga gwapong oppa e." Di pa rin mawala ang ngiti ko habang tinitignan pa rin ang papaalis na si Aki. Nang mapansin ko na tumigil sa ang isa sa mga kasama ko sa mesa at nakataas ang kilay na bumaling ng tingin sa akin.
"Sorry na. Ang gwapo e!" Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nakangiti na pang-asar.
'I love you 😘'. Chat ko sa kanya.
'Humanda ka sa akin mamaya!'
VOUS LISEZ
Reply 2003
FanfictionTaong 2003 - kasagsagan ng kasikatan ng mga lokal banda sa Pilipinas, Friendster pa ang Social Media, K-zone ang bitbit ng nga rich kid mong classmate at nagsimula na ang pagsikat ng mga asian dramas sa Pilipinas. Eto rin ang unang taon ko sa high...
