Kinuha ko na ang mga gamit ko dahil nandito na kami sa terminal, mga 3 hours din ang tinagal ng byahe namin.
"We are here na ba Aling Isa?" tanong ko sa kaniya ng makababa ako sa bus.
"Nako, wala pa po. Sasakay pa tayo ng barko para makarating sa Isla." sagot nito kaya agad naman akong napakunot ng noo, grabe! Ang layo pala ha? Jusko! Mabuti nalang talaga sanay ako mag byahe.
"Isla? Sa Island po nakatira sila lola?" kunot-noong  tanong ko kay Aling Isa
"Oo ma'am akala ko nga po alam niyo eh." sagot niya sa'kin, tumingin naman ako kay Klerk na kanina pa nag mumuktol. Tumitig naman sa'kin ang kapatid ko kaya nagka-titigan kami. Pareho naman kaming natawa dahil sa suot namin grabe! 'di naman namin alam na sa Isla pala sila nakatira nagsuot pa tuloy ako ng heels? Jusmeyoo!

"Kung alam ko lang Aling Isa edi sana 'di ako nakapagsuot ng ganito, jusko!" naiinis na sabi ko sabay hawak ko sa bewang ko.
"Hay nako.. okay na 'yan. Tara na't baka mahuli pa tayo mag-gagabi na oh." tugon naman ni Aling Isa kaya sumunod naman kami ni Klerk sa kaniya.

Habang papalapit kami sa port ng barko ay agad kong natanaw ang dagat ngunit heto na naman siya, sa loob ko nararamdaman ko na naman ang bigat at kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit, naramdaman ko na din ito dati doon sa hospital ng nasulyapan ko ang karagatan....

Ano ba kasing ibig sabihin nito? Bakit ako nagkakaroon ng mga ganitong pakiramdam?
Epekto lang ba 'to ng matindi kong pinagdaraanan? O talagang may ibig sabihin nito? Hays! Ewan ko ba!

"Ate! What's wrong? Kanina ka pa tulala diyan!" biglang sabi ng kapatid kong si Klerk, nakita ko namang kumaway-kaway pa siya sa harapan ko
"Ah w-wala! Nagandahan lang ako, ikaw naman napaka ano mo!" Nauutal na palusot ko naman sa kaniya.
"Hay nako ate! Para namang ngayon ka lang nakakita ng dagat sa pinag-gagagawa mo eh!" pahabol pa niya bago umalis sa harapan ko
"Oo nga! Hahaha! Nababaliw na talaga yata ako eh! gosh! This is not good!" bulong ko sa sarili ko saka sumunod sa kanila

It was 5 when we reached our destination. Nang makarating kami sa port ng barko, bumungad saamin ang napakaraming tao, maingay na paligid at sari-saring mga kabahayan ang pumapalibot sa buong Island. Tanging ingay ng alon ng dagat at ingay ng mga tao ang naririnig mo rito. May mga batang naglalaro din sa dalampasigan at naghahabulan pa ang iba.

"Aling Isa, malayo pa ba tayo?" Buong lakas kong sabi habang paika-ikang naglakad sa buhangin
"Malapit na ma'am. Konting tiis nalang." Sagot naman niya sa'kin
"Hay nako ate! Ba't ka pa kasi nag suot ng heels! Pinagtitinginan ka tuloy ng mga tao rito! Akala siguro nababaliw kana! HAHAHAHAHA!" Pang-aasar sa'kin ni Klerk ng naunahan niya akong maglakad, tss! Nakakainis haaa! 'di ko naman kasi alam na Isla pala patutungohan namin huhuhu!

"Aling Isa, tawagan niyo nalang po si Lola para masundo tayo dito." tugon ng kapatid ko, bigla namang lumingon sa kaniya si Aling Isa at tumawa

"Nako iho! Walang signal rito. Hahaha" sagot naman ni Aling Isa at tumawa pa ito.
"Whatttt?!!! No way!!" sigaw naman ng kapatid ko dahil na bigla siya, kunot-noong naglakad nalang ang kapatid ko dahil sa nalaman niya. What to expect? Tama nga ako! Island to at walang signal dito hays! Hindi naako makakapag-update sa social media life ko! Huhuhuhu

"Nandito na tayo ma'am at sir. Teka lang at titignan ko kung nandiyan ba sila" tugon saamin ni Aling Isadora na umuna na, naghintay naman kaming dalawa ni Klerk dito sa may labas. Tanaw ko naman ang mga kabahayan dito, ang iba ay bahay kubo lamang. Malayong malayo sa estado ng buhay namin ang mga naninirahan dito.
Bumalik naman agad si Aling Isa at pinasunod kami.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Jun 27, 2020 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

AMOR POSPUESTO (ONGOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें