01

114 24 18
                                    

"Argus Come on let's play "

Linus one of my best friend I met him when I came here in the Philippines we're both studying on the same school , I approach him.

Naglaro kami malapit sa tabi Betuna Lenta masyadong malaki ang punong ito halos kaya nyang sumakop ng isang bahay sa sobrang laki, unang araw ko pa lamang dito sa lugar namin marami nang kwentong nakakatakot sa punong yan.

Pinaniniwalaan nilang may mga nakatirang enkanto sa punong yan, madalas nagunguha daw sila nang mga bata katulad ko para ipakain sa halimaw na nasa loob ng punong yan.


I'm not believe that legend I know it's only imagination



Me and my friends sat under the tree para mag laro ng paborito namin nag bahay bahayan kami sa ilalim ng puno kasi malaki nga ito.

"Paano kaya kung makapasok tayo dito"  Rhea said while pointing the tree beside us


"Huy ayaw ko nga!"


Pag kontra agad ni Jason , simula kasi dati pa pinagbabawalan na kami pumunta dito pero sadyang makukulit kami kaya naglalaro pa din kami kahit na bawal...

"Panget daw mga tao sa loob nyan ehh!" dugtong pa ni Eros


"Baliw ka ba hindi tao yung nakatira dyan, kung di enkanto" pagpapaliwnag naman ni Nyx


Hindi ko ba alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi nila pero alam ko naman na hindi totoo lahat ng yun, mga bata pa lang naman kami kaya natural lang saamin na matakot at maniwala sa sabi sabi nang nakakatanda....

***

Amadrya

"Aya pumunta kana sa iyong pagsasanay" saad ng aking ina, kahit na ayaw ko ako ang magiging tagapagmana ng korona

"Mas nanaisin ko na lamang na magtungo sa hardin ina"

ang aking pagtutol sapagkat wala akong nais na mapasakamay ang nasasakupan ng aming lahi ,at mas lalong hindi ako makakapayag maging pinuno ng
Acronapuila na nasa ilalim ng pamuno ng aking ama't ina.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at tumakbo palabas ng palasyo

"Aya!"

sigaw ng aking ama ,ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nagtungo sa hardin , tunay ngang napkaganda nang mga halaman na tumutubo sa lupain naming mga Pharaphilia.

Sapagkat malulusog ang lupa at mga pananim dito , kaya pumitas ako ng isang halaman na makulay at inilagay sa aking tenga...

"Aya!"

Hingal na sabi ni Leander ang aking kababata ,inabot nya ang aking kamay at agad ko naman syang inakayan , siya'y anak ng kapatid ng aming hari o ang aking ama.

"Iyan ang  bulaklak ng Edelweiss, bibihira na lamang ang ganyan sa panahon ngayon Aya , ayon sa aking kapatid sa mga pinagpapala lamang nag papakita ang bulaklak na iyan"

Ang kanyang pagsasalaysay kaya lalo akong naging interesado sa kanyang tinuturan , kaya nag kwento pa siya tungkol sa mga halaman sa hardin

Nang bigla ko na lamang naalala ang daan patungo na sa mundo ng mga tao, kaya hinila ko si Leander pa punta doon kahit na ipinagbabawal ng aking ama dahil lubhang mapanganib daw ito.

"Aya! Saan ba tayo magtutu-?"

Hindi na siya makapag salita pagkat namangha siya sa ganda ng puno ito ang daan patungo sa mundo ng mga tao puno ng Tallulah.

"Aya hindi ba't pinagbawalan na tayo ng iyong ama ,halika na baka tayo'y mapag-"

pinutol ko na ang kanyang nais sabihin dahil lubha akong namangha sa ganda nito...

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin kahit' kanino man" ang pangangatwiran ko.

Iniisip ko ano ba ang itsura ng mundo nang mga tao , ako'y nangangarap ding makapunta roon sapagkat nakakatiyak ako na masaya ang kabilang mundong aming kinatatakutan.

Oo kintatakutan ang kabilang mundo dahil namatay ang aming unang hari na nagtungo sa mundong ito , ngunit hindi ito alintana saakin nais ko pa rin makita kung anong mayroon sa kabilang bahagi ng punong ito.


"Paano ako makakapasok dito?"
Ang aking tanong sa kanya lubha syang nagulat dahil sa aking sinabi

"Aya!" ,

"Pakiusap sabihin mo saakin" ang pag mamakaawa ko sa kanya

"Kung sino lamang ang may hawak o suot nang korona ang maaring mag bigay pahintulot saiyo na makatawid sa kabilang mundo"

Ibig sabihin ang aking ina ay may kakayahan na makapunta sa mundo nang mga tao , kaya ipinagpatuloy nya lang ang pag sasaad ng kwento.

"Kung sino man ang may hawak o suot ng korona ay sya lamang ang may kakayahan na makapunta sa mundo ng mga tao, dahil ang korona lamang ang nagbibigay ng dahon na hinhingi nang tagapagbantay ng puno ng Tallulah"

Ibig sabihin may nilalang na nagbabantay sa punong ito , binigyan ako ni Leander ng Kiwano isang prutas na pwede naming kainin.

"Sino ang nagbabantay dito?" Tanong ko sa kanya

"Si Dardanos sya ang nagbabantay dito"

Akmang tatayo ako upang tawagin ang tagapagbantay ng puno nang pinigilan ako ni Leander

"Lubhang mapanganib, sapagkat wala tayong dalang bulaklak ng Rafflesia na tanging iyong ina lamang ang makakapag bigay"

Kaya hindi ko na lamang ginawa ang aking nais dahil ayaw ko ring mapahamak at baka kami'y mapagalitan pa

"Balang araw kapag ako na ang Reyna ng Acronapuila, magtutungo ako sa mundo ng mga tao"

Agad akong tumakbo pabalik ng palasyo at hindi ko na hinitay pa si Leander , malapit na ako sa aking silid ng hinarang ako mag Elenchos

Nakita ko na lumabas sa likod nila si ama na nagtataka kung saan ako nag tungo.

"Saan ka nag tungo Aya?"

Hindi ko maaring sabihin ang katotohanan sapagkat nakakatiyak ako na hindi ako makakalabas nang palasyo kapag sinabi ko kaya.

"Sa Hardin Pateras"

At nakuha ko nga ang nais ko napaniwala ko si ama ,lumapit sya saakin at hinimas ang aking ulo

"Paidi hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang nangyari saiyo kaya maari bang dito ka na lamang sa loob ng palasyo"

Ngunit mali ako pinagbawalan pa din ako ng aking ama ,kaya ako'y tumango na lamang at nagtungo sa silid.

Doon nilaro ko ang aking alagang paouli at kouneli ikinuwento ko sa kanila ang mga naganap kanina

Agad naman akong nagpahinga , nang ako'y magising may mga pagkain na naka handa sa aking lamesa kaya tumayo ako at kinaiin ang mga ito.


Lumaon ang panahon at ako'y dalaga na natuto akong makipaglaba dahil maaring bumalik ang kalaban ng aming lahi si Muavais sya ang magiting na Heneral ng palasyo ngunit siya' y nagbago noong minsa'y nangangarap syang maging hari..



Paouli, kouneli-  ibon, kuneho
Paidi- anak
Pateras- ama

Don't worry kinuha ko lang yung mga deep words sa Greek words


-Hahaha choss-





Amadraya: The Petrified Silence Of Acronapuila ( Complete)Where stories live. Discover now