Unang Kabanta

3.6K 46 1
                                    

Chapter One

“Ugggh!”

 napipilitan akong minulat ang mga mata ko. Antok na antok pa ako kahit tanghaling tapat na wala akong paki alam. Oras pa rin ng tulog ko at susugurin ko ang lapastangan na umistorbo sa tulog ko. Bumangon ako at bumaba mula sa pangalawang palapag ng bahay ko. Dire diretso akong lumabas ng bahay ko at sa pag bukas ko ng pinutan ng bahay ko ay mas narinig ko ang malakas na tunog ng drill. May lalaking sa tantiya na ay construction worker na nag di-drill sa harapan ng bahay ko. Agad na uminit ang ulo ko.

“Hoy!” sigaw ko dito pero tila wala itong narinig at ipinag patuloy nito ang pag ta trabaho. Lalo akong nakaramdan ng inis.

Abat! Ang mamang ito bingi ata!

“Hoy sabi eh!” sigaw ko ulit pero tila denededma lang ako ng mamang ito.

 Sa kabilang banda ay matiim na nag mamatyag si Alej sa mga tauhan niya na nag bubungkal ng lupa. Pinapapalitan ng may ari ng subdivision ang mga pipe sa buong lugar, dahil may kalumaan na iyon. Habang nag mamatyag sa mga tauhan niya, nahagip ng kanyang tingin ang isang babae na nasa harapan ng bahay nito at nakapamewang. Magulo ang buhok ng babae. Bumubuka ang bibig nito at sa tantiya niya ay sumisigaw ito. Pinigil niya ang mga tauhan niya sa pag di-drill.

“Aba mga bingi ba kayo at di niyo ako marinig?! Kanina pa ako sumisigaw dito ah! Mga bastos!” nanggagalaiti ko ng sigaw. Tumigil ang mga nag di-drill. May namataan siyang lalaking papalapit sa gawi niya.

Salamat naman at mukhang narinig na nila ako!

“Pasensya na miss, pero rinig mo naman kung gaano kalakas ang tunog na nililika ng drill? Sa tingin mo ba maririnig ka namin? Hindi diba?”

Abat ang antipatiko ng lalaking ito ah!  

Naisaloob niya. Napatingin siya sa nag salita at napalunok siya ng laway niya. Napaawang ang bibig niya ng lumapit ito sa kanya. Seryoso ang mukha nong lalaki. Gayun pa man hindi mo maitatanggi ang kakisigang taglay nito. Bagay ang diskrepsyon dito na tall dark and handsome. Napatitig siya sa mga mata nito. Parang gusto niyang pumikit ng makitang matiim na nakatitig ang hazelnut brown na kulay ng mga mata nito sa kanya.

“Miss kinakausap kita. Ano bang problema mo? Sabihin mo na dahil na iistorbo mo ang trabaho ng mga tauhan ko” ang tinutukoy nito ay ang mga construction workers na natigil sa pag gawa at nakatingin sa kanila.

“Pwes kung na iistorbo ko ang trabaho nila paki sabi sa mga tauhan mo na naiistorbo nila ang tulog ko! Wala ba kayong konsiderasyon at itong oras ang napili niyong mag bungkal ng lupa sa harapan ng bahay ko?” mataray na sagot niya dito. Tumingin ito sa suot nitong relo bago tumingin ulit sa kanya.

“Miss alas onse na ng umaga. Tanghaling tapat na. Katamaran na ata yan” nag init ang sulok ng pisngi niya sa sinabi nito.

“Hoy anong katamaran?! Gabi ang trabaho ko kaya natural lang na matulog ako ng umaga kahit abutin ako ng tanghaling tapat! Ngayon kung maari ay itigil niyo muna ang trabaho niyo at patulugin niyo ako!” napansin niya ang pagtaas baba ng Adams apple nito at ang biglang pag iwas nito ng tingin. Namumula din ito.

“Miss, hindi namin pwedeng itigil ang trabaho namin. Ginagawa lang namin ang trabaho namin kaya kung pwede kayo ang gumawa ng adjustment.” Agad na uminit ang ulo niya. Na kanina pa pala mainit.

“Ako ang gagawa ng adjustment?! Hindi ba dapat kayo?! Residente ako ng subdivision na ito at may karapatan akong mag reklamo!”

“Ede mag reklamo kayo kung gusto niyo. Hangarin lang namin ang kaayusan ng subdivision na ito” iwas tingin na sagot nito sa kanya.

“Hangarin ang kaayusan?! Eh binubulabog niyo na nga ako eh!” sigaw pa din niya dito. Pero wala itong naging tugon at umiwas ng tingin sa kanya.

Teka bakit umiiwas ng tingin sa akin ang mokong na ito sa akin?!

“Panget ba ako huh?” wala sa sarili na tanong niya dito. Agad naman na napatingin ito sa kanya at pinasadahan ng tingin ang mukha niya. PEro ang tingin nito ay nag lakbay pababa at bigla na lang nag iwas ng tingin.

“Sh.t! I can’t take this anymore!” frustrated na sabi nito at tumalikod sa kanya. Ginulo gulo pa nito ang buhok.

“Aba hoy wag kang bastos! Kinakausap pa kita walang hiya ka!” sigaw niya dito.

“Shut up woman! If you want to talk to me, make sure that you are presentable!” walang lingon na sabi nito at nanatili itong nag lalakd palayo sa kanya.

“Hoy kahit bagong gising ako alam kong maganda pa din ako!”

“I’m not referring to that lady!” nakatalikod pa din nitong sagot.

“Wag kang bastos at harapin mo ako dahil  kinakausap pa kita! Anong problema ko sa histura ko huh at parang takot na takot kang tignan ako?!” sa gulat ko ay bigla itong humarap sa akin. Pulang pula ang mukha nito. Nag mistula itong kamatis. Habol habol nito nag pag hinga at nag tatagis ang banga at mga ngipin nito. Parang gigil na gigil ito.

“Look at yourself! I can’t look at you because I can see your breast especially your erected—ugh! Nipples!” inis na sabi nito sabay bira ng likod at iwinasiwas ang kamay nito hudyat niya sa mga tauhan na ipag patuloy ang trabaho.

Naiwan akodoong nakanganga at pinasadahan ko ng tingin ang dibdib ko. Namula ako ng makumpirma na tama ang sinasabi nito. Bakat na bakat ang kanyang dibdib lalong lalo na ang mga nipples niya sa di malamang dahilan ay naka erect.

“Ah bastos!” gigil na gigil kong sigaw bago pumasok sa loob ng bahay ko at pabalibag na sinara ang pinto ng bahay ko.

---

End of Unang Kabanata

(n

: Ahem! guys sorry sa typos at wrong grammar. YUng information sa Drill, di ko alam kung totoo yan -__- conclusion ko lang kasi.. paki tama kung mali please!) 

Seducing a mestizo Where stories live. Discover now