1

7 1 0
                                        

"Ma, naka enroll na po ba ako?" sabi ko habang kumakain kami.

"Hindi pa kass, ang dami ko pang binabayaran sa dati mong school. Wag ka mag alala ieenroll kita" sagot ni mama at tsaka tumayo para ilagay yung pinagkainan nya sa lababo.

Tinapos ko na ang kinakain ko at umakyat sa kwarto para iligpit yung hinigaan ko. Napapaisip ako dahil sa lunes na yung pasukan di parin ako ineenroll ni mama grrr. I don't even remember na may remaining balance pa na hindi nababayaran sa school. After fixing my bed, i took a shower and get ready for my lakad. May lakad kasi kami nila chel,at jane. Pag ka baba ko nasa sala sila mama at pinuntahan ko sila para mag paalam.

"Ma, alis na po ako mag mamall lang kami nila chel kasama ko naman si ate Mae eh" sinenyasan ko na si Ate Mae para samahan na ako

"Magiingat kayo ha. Mae yung kapatid mo alagaan mo. Pag nagutom kayo kumain kayo, okay??" pa-alala ni mama samin.

Nang makalabas na kami ng bahay nag chat na ako sa gc naming magkakaibigan.

"Papunta na kami ni ate sa 7/11" tinago ko muna ang phone ko dahil sinita ako ni ate Mae dahil nasa highway kami mahirap ng baka manakawan kahit na ba 2pm pa lang. Nang makarating kami sa 7/11 chineck ko ang phone ko may mga messages na.

"T R I O: 10 ENCRYPTED MESSAGES"

"Teka lang kass di pa ako nakakapag sapatos hehe" -chel

"Nasa tric na ako" -jane

"Baka naman di tayo papasukin sa mall kasi diba pasukan na ng ibang schools? What if  akalain nila na nagcucutting tayo" -jane

"Ano ka ba be, kasama natin si ate Mae" - chel

"Btw hinatid ako ni papa HAHAHHA natatakot kasi akong mag isa punta sa 7/11, ang daming kotse" -chel

"Malapit na ako" -jane

"ay!? Kasama si ate Mae?? Nays naman may guidance tayo" -jane

"Guidance ba tamang word? HAHAHAH" -jane

"Dito na ako,nakikita ko na si kass HAHAHAH anong guidance ka dyan" -chel

"Pwede naman kasing "may matanda tayong kasama" duhh"

"Boo!" panggugulat ni chelsea sakin.

"Ay palaka! Ate ohh!" sinumbong ko agad sya kay ate kasi muntik ko ng maibato yung phone.

"Nagbabasa pa lang ako ng chats nyo eh, nasan na si jane?" tanong ko kay chelsea ng biglang tumunog yung bell sa pinto at dun pumasok si jane.

"Ate Mae nagugutom na ako :<"
sabi ko kay ate na nagcecellphone busy sa bf nya, hmppp.

"Ako din" sabay na sabi ni chel at jane. Sabay kaming lahat tumawa dahil nag papaunahan sila mag sabi nung jinx jinx pero inawat din ni ate mae kasi baka mag away, war freak pa naman si chelsea.

"San nyo ba gusto??" sabi ni ate Mae

"KFC" "MCDO" JOLLIBEE" sabay sabay naming sinabi at nag titinginan kami ng masama sa isa't isa.

" MCDO na lang para may happy meallll!!" pag papaawa kila chel at jane. Gusto ko kasi yung hello kitty na laruannnnn!!

" Ano ba yan ang panget naman ng mga laruan ngayon ehhh, gusto ko dora" sabi ni jane.

"Gusto ko din laruan....sige McDonald's na lang si ate Mae naman mag papakain satin eh" sagot ni chelsea.

Natapos na kaming kumain then nag pabantay kami kay ate Mae dahil naglalaro kami sa Kidz Avenue. Bumili pa nga ng medyas si jane kasi naka sandals lang sya eh need daw ng medyas doon kaya ayun nabawasan ng 20 yung pera nya. Naglaro lang kami dun ng 2 hrs nagpaslide lang kami,nagrace kami gamit yung tumatalbog na aso. Mag fa-5 pm na kaya sabi ni ate Mae tama na daw kakalaro. Nag babye na kami sa mga kalaro namin at sinamahan si ate Mae sa Watson's may pinapabili daw kasi si Mama. Nag test kami dun ng mga foundation.

"Hala bat di ko kakulay to! Ang panget naman nila gumawa walang katulad sa skin color ko" pag tatantrums ni jane

"Ay yung akin meron bleee" pang aasar ni chelsea na ngayon ay parang nag mamake-up na sa salamin dahil ano ano na nilalagay nya sa mukha nya.

"Mga bata wala ba kayong klase?" biglaang tanong ng security guard saamin.

"Wala pa po kaming pasok kuya" sagot ko sakanya

"Ilang taon na kayo,bat kayo pagala-gala, asan ang mga magulang nyo?" medyo pagalit na tanong ni kuya siguro dahil tinitest na namin lahat ng tester dito

"13 na kami kuya, tsaka yung kasama namin nandun na po sa counter" pagkasabi ni chel at inismiran nya na si kuyang guard at hinila kami paalis.

"Ang taray mo naman che HAHAHAH pag tayo shinot gun ni kuya mamaya di na tayo mag uusap sa pasukan" pang aasar ni jane kay chelsea

Natapos na si Ate Mae mamili kaya dumaan kami saglit sa French Baker, bumili kami ng tig iisang garlic bread at yun ang kinain namin habang pauwi kami. Una naming hinatid si jane, sunod naman si che, at tsaka kami umuwi ni ate Mae

"Ma, nandito na po kami" pag tawag ni ate kay mama na nasa taas nag aayos ng mga damit.

Nang makababa si Mama ay nagmano kami ni ate sakanya. Makalipas ang isang oras kumain na kami ng dinner and mama told me na to get my self ready for bed na kasi it's 8 pm already. 9 pm dapat nakahiga na ako.

"Chrhch,chhrhr" tunog ng toothbrush ko.

"Paamoy nga" sabi ni kuya Mel

"HAAAAA" hiningahan ko si kuya at nagulat ako na nag kunwari syang nahimatay kinabahan ako at nilapitan ko agad sya.

"Hala! Kuyaaaa mabaho ba?? Hala bat natutulog ka ba or nahimatay ka?! Kuyaaaaaa!" pag sigaw ko kay kuya na biglang tumawa ng malaks kaya hinampas ko sya at dumiretso na sa kama at nagtalukbong na lang ng kumot.

"I hate you! Don't talk to me kuya balakajan" pagtatampo ko

"Goodnight kiks" tawag sakin ni kuya at lumabas na ng kwarto.

After few minutes i already felt myself getting tired and nagsleep na lang ako knowing na may bukas pa and iinisin na naman ako ni kuya bukas.

booHIGHStories to obsess over. Discover now