"Daryl tumabi ka nanaman? ang kulit mo talaga" medyo inis na sabi ni Darwyl kaya naman pinagsabihan ko silang dalawa na wag nang mag-away baka ako naman ang awayin nang mommy nila.





"Tara na sa baba mga Anak wag na kayong mag-away" Sabi ko sabay kuha sa mga kamay nila at sabay-sabay na kaming bumaba.





Agad silang tumakbo sa direksyon ni bria ng makita nila ang mommy nila. Habang ako naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan silang mag-iina.




Ano pa bang mahihiling ko mukhang lahat naman nang kailangan ko ay nabigay na sa'kin. May maganda at mabait (pero minsan masungit) na asawa na ako at meron pang dalawang binigay sa'min na talagang swerte sa buhay namin.





"Dy? Kain na po tayo" natatawang tawag sa'kin ni daryl kaya naman pumunta na ako sa palagi kong  inuupuan. Nang maka-upo na ay nilagyan ko ng pagkain ang plato ni bria sunod naman sa mga anak namin.





Natatawa talaga ako kapag naiisip ko 'yung nangyari sa'min ni bria noong honeymoon naming dalawa. pero kinabukasan pagkagising ko hindi ko alam na uumpisahan na pala namin ang honeymoon namin kaya heto nabuo namin 'yung kambal.





"Nga pala Love , Nag text si Dos , Sabi niya dadalaw daw sila dito ni kuya edward" Napahinto ako sa pagkain sabay tingin sa asawa kona maganang kumakain.





Oo nga pala Kasal na rin si Dos sa kapatid ni bria na si kuya edward. Meron na rin silang Mini Dos at Mini Edward akalain mo nga naman na Masyado silang mahilig kaya nakadalawa agad sila.



"Mabuti naman , Para makita na rin nila ang pinsan nila" sabay tingin sa magkambal na mukhang nag-uusap nanaman na sila lang ang nagkakaintindihan. Apat na taon na ang edad nila pero mukha na silang Seven years old.





Makalipas ang ilang oras ay nakarinig kami nang katok kaya naman agad ko itong binuksan at isang Dos at Edward ang sumalubong sa'min.




"Oh my , 'yan na ba ang pamangkin ko?" Natutuwang tanong ko bago kinuha ang baby na sa tingin ko ay mag one year pa lang.





"Oo hindi namana sa'kin ang maganda kong mukha" Inis na sabi ni dos sabay tingin ng masama kay edward kaya naman natawa kami pareho ni Bria na hindi ko alam na nasa tabi ko lang pala.





"Ow..Ang cute naman nang baby na ito anong pangalan niya?" Si bria naman ang kumuha sa baby nila Dos at mukhang natutuwa din siya sa bata.




"Tres Cloud Veneracion Dela fuente"hindi naman siguro Maikli pangalan ng anak nila. at mukhang alam kona kung bakit tres ang pinangalan niya sa anak nila HAHAHA.




"Nasaan na ang kambal?" Saad pa niya habang si Edward ay hawak ang bag ng mag-ina niya.




"Teka lang tatawagin ko" Sagot ni bria bago iaabot sa kapatid ko ang anak nito.




"Bakit ganyan nanaman 'yang mukha mo?" tanong ko nang makita kong lumayo si edward sa pwesto namin.





"Tch! Naiinis lang ako , Nung una naming baby kamukha niya tapos ngayon kamukha nanaman niya? Asan ang hustisya doon?" Inis na sabi niya sa'kin kaya naman napailing ako.





"Edi gumawa ulit kayo malay mo kamukha mona" natatawa ko itong tinakbuhan dahil mukha itong nainis lalo sa sinabi ko.




"Wow tita Dos , Ang cute naman nang baby" Sabi ni daryl habang tinitingnan si Tres na karga ngayon ni dos.




𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें