Chapter 14

1.1K 35 6
                                    

Chapter 14- Care

Papalit palit ang tingin ko sa dalawang mansanas na na nasa tapat ng mismong mukha ko. Ilang beses din akong napalunok at iniisip kung alin nga ba ang dapat kong kuhain.

"Mas gusto ko pala ang grapes" nakangiwi kong sagot bago kuhain ang isang bugkos ng grapes sa lamesa sa tabi ko.

Sinimulan ko na lang itong kainin habang nakatingin sila sa akin. Sabay nilang inalis ang masanas sa mismong mukha ko at sila na lang ang kumain nun.

Nasa kalagitnaan ako ng pag balat ng grapes gamit ang ngipin ko ng may bigla akong maalala na kanina ko pa gusto itanong sa kanila.

"Bakit ako nahospital?" sabay silang lumingon sa akin na puno ng pagtataka ang nga mukha.

"Wala ka bang maalala sa nangyari?" Tanong ni Kendrick at umiling lang ako. "Ang hirap ikwento eh" sabihin mo tamad ka lang talaga. Mag kwekwento lang, kinakatamaran pa nya pero pag dating sa pag lalakwatsa, present na present sya. Alam kaya ni Lolo Gav ang tungkol sa kalokohan ng apo nya? Sana hindi, para ako mismo ang mag susumbong kay Lolo Gav para maparusahan sya.

"Ito oh, panoodin mo" inabot sa akin ni Owa yung cellphone nya. Wow, samsung. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung bagong labas na model ng Samsung. Aba mayamanin eh ako? Ito tamang cherry mobile lang

Kahit naguguluhan ay plinay ko pa din yung video. Shet! Bakit? Bakit kailangan nilang gawin ito. Wahhh. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak sa nakikita ko. Di ko kaya

"Mei, sorry kung napanood mo pa yan. Wag ka ng umiyak" malambing na sabi sa akin ni Owa

"Kawawa yung pusa" naiiyak kong sabi.

"Pusa?" gulong tanong ni Kendrick sa akin.

"Oo yung pusa" kasi kawawa yung pusa dun sa video, umiiyak sya habang kumakain. Tapos may nakalagay pa na malapit na yung pusang yun mamatay. Naalala ko tuloy si Yoshinon.

"Shet! Maling video pala yung na play ko" napatigil ako sa pag iyak ng sabihin nya yun. Mali? So hindi pala ako naging pusa? Akala ko naging pusa ako kaya ako nahospital at binalik lang sa dati.

"Akala ko naging pusa ako" ani ko at isang batok ang natanggap ko kay Kendrick.

"Puro ka kalokohan" ani nya at inisnaban ko lang sya. To be honest, mahina lang naman pag kakabatok nya sa akin eh kung para sa dati nyang pag batok. Sayang, di natamaan yung sugat ko sa ulo. Kasi kung sakali man na madali nya yun at dumugo, maguguilty sya at kunwari sasabihin ko sa kanya 'Di kita mapapatawad, muntikan na ako mamatay dahil sayo' tapos sasabihin nya sa akin 'Sorry na talaga, di ko sinasadya. Anong dapat kong gawin para mapatawad mo lang? Gagawin ko lahat, sabihin mo lang" napapangisi na lang ako sa mga iniisip ko. Tapos sasabihin ko sa kanya na ibigay nya lahat ng kayamanan nya sa akin. Hehehehe

"Hoy! mukha kang baliw dyan na ngumingiti" inayos ko yung ulo ko para sa susunod na sapok nya sa akin, sa sugat ko na tumama pero hindi sapok ang nakuha ko eh. Pitik sa ilong.

"Aray naman" reklamo ko sa kanya at akmang gaganti ako pero shet, ang sakit ng balakang at likod ko.

"Mei, ito na yung video" binigay na ulit sa akin ni Owa yung cellphone nya mayamanin at plinay ko na yung video. Nakita ko yung sarili ko na binubugbog nila Hadley. Kawawa ang itsura ko. Mukha akong basahan at doon ko napagtanto na umiiiyak na naman ako.

"Mei, wag mong kaawaan ang sarili mo" kumapit sa balikat ko sa Owa habang pinapatahan ako.

"Hindi naman ako naaawa sa sarili ko eh"

That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING) Where stories live. Discover now