Prologue

40 2 2
                                    

Hindi ko kinaya ang nakakabulag at makukulay na mga ilaw sa loob ng bar na tumatama sa aking dalawang inaantok na mga mata. Bawat hinga ko ay tila nakahithit na rin ako ng isang kaha ng sigarilyo sa sobrang nakakasulasok na amoy na pumapalibot sa buong establisimyento. Iba't-ibang nakakabinging ingay ang naririnig ko sa bawat sulok na halos hindi ko na rin marinig ang aking sarili. Ewan ko ba na kahit palagi akong pumupunta sa mga lugar kagaya nito ngayon ay di pa rin tanggap sa sistema ng katawang lupa ko ang mga bagay na ito, lalo na itong mga alcohol na tagay-tagay naming magkakaibigan.

"Mabuti na lang talaga at hiniwalayan ni Gwen itong si Zeke. Kung hindi rin kasi nangyari, wala sanang reunion sa walwal sessions natin diba, mga bro?", pangtutukso ni Calvin sa akin habang hawak-hawak nito ang bote ng beer.

"Tama ka jan Calvin, matagal-tagal na din at di tayo nakapagnight-out simula nung nagthe-thesis na ta'yo. Eh, nagkakaroon lang naman tayo ng ganitong walwalan pag heartbroken itong chickboy natin. Hahahahaha!" Pagsang-ayon naman ni Neil na humahagalpak pa sa sinabi nya.

Natatawa man ako sa kanilang mga ratsada ay hindi ko rin napigilang barahin sila Calvin at Neil. "Hoy, tigilan nyo nga ako. Mabuti nga at inimbitahan ko kayo. Eh alam ko naman hindi kayo aambag kapag nagiinuman tayo. Kayo pa nga ang number 1 suspek sa ating pulutan."

"Alam nyo Calvin at Neil, 'wag na lang natin pagdiskitahan itong financer natin." Si Nate habang tinapik ang balikat ko. "Baka pauwiin pa tayo ng maaga ngayon kung hindi nyo sya titigilan. Di' ba, Zeke?"

"Mabuti pa itong si Nate, supportive sakin, kayong dalawa, ang dami nyo pang sinasabi." Sabay nakangising turo ko sa dalawang mokong na nakabuwangwang ang mga sarili sa couch ng table area namin. "Sige lang at kapag kayo rin yung iiwanan ng mga girlfriend nyo in the future, hindi lang inuman ang ihahanda ko, magpapyesta ako para sa inyo. Ayos ba yon? Hahahaha!"

Nagtawanan kami sa mga birada namin sa isa't-isa. Ganun ang eksena kapag naiinuman kami. Sa inuman namin, ako yung pinakaweak. Hindi ko na talaga kinakaya agad-agad ang mga nangyayari kapag pumupunta kami sa bar. Sa bawat pikit ng mga mata ko ay mas lalong nahihilo ako sa mga nakikita ko sa paligid. Everything turns out to be dark yet colorful habang tinitingnan ang paligid na madaming taong nagtatawanan, nag-iinuman at nagsasayawan. Nasusuka ako kaya mama-maya pa ay nagdesisyon akong tumayo para pumunta sa banyo kung saan nasa ibaba ng bar, nasa second floor kasi kami nakapwesto.

Habang naglalakad nang pagewang-gewang papuntang banyo ay tila hindi ko namalayan na nakapikit pala ako at hindi ko na nakikita ang akong dinadaanan. Nabalik lang ang sentido ko nung may nakabanggaan ako lalaki sa malapit sa isang cubicle sa comfort room.

"What the! Bulag ka ba at hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo, ha?" galit nitong bulyaw sa akin. "Such a loser."

Narinig ko man ang  reklamo ng lalaking tila lasing din ay 'di ko pa rin ibinuka ang noo'y nakapikit kong mga mata. "I'm sorry sir. Hindi ko sinasadya." Hahakbang na sana ako para magmadaling papunta sa cubicle nang biglang...

"Sh*t!"

I suddenly feel an abrasive pain mula sa aking leeg.

Minulat ko na talaga ang aking mga malalaking mata dahil sa sa hapding naramdaman ko and I realize, yung couple necklace namin ng ex-girlfriend kong si Gwen, sumabit sa kwintas nung lalaking nakabanggaan ko!

"What the hell!" Galit na galit na sabi ng lalaking nakabangga ko at ngayo'y umuusok na ang ilong.

"Tanggalin mo ito ngayon din or else kung ano pang magagawa ko sa'yo."

Napatulala na lamang ako sa aking nakita. Hindi ko kilala ang taong ito pero ang sungit at sobrang angas naman. Parang kakainin yata ako ng buhay.  Anyway, madali lang naman itong solusyonan eh, nakapulupot lang naman yung metallic lace. 

Dali-dali kong kinuha ang parte ng kwintas kung saan nagkabuhol-buhol ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko ito kayang paghubarin dahil sa sobrang panghihina ko at hilong nararanasan ngayon. Ni hindi ko nga maatim ang itsura ng lalaking ito. Lintek na alcohol talaga. Isang napakaling traydor.

"Wait lang sir, tatanggalin ko po. Pero hindi ko na talaga kaya at parang puputok na yung pantog ko, paihiin nyo muna ako sa cubicle." Request ko sa kanya habang nakataas ang matamlay kong kilay.

"What??? Gusto mo akong papapasukin dyan sa cubicle?" 

Hindi na sya nakaalma pa at dali-dali kong hinawakan ang kamay nya, hinila at pinapasok ko sya sa cubicle kung saan agad naman itong sumara. Sa sobrang sakit na talaga ng pantog ko ay gusto ko nang umihi nang umihi para makapagbawas ng ininom naming beer. Takte, nakadalawang towers na kami ng barkada ko. Pagkapasok naming dalawa sa cubicle ay binuksan ko ang zipper ng aking jeans at dun, nangyari ang pinakakilig na moment ko sa inuman- ang umihi.

Natapos na akong umihi sa harap ng bowl at humarap ako sa lalaking sobrang arte. Papikit-pikit pa rin ang mga mata ko sapagkat nasisilawan ako sa liwanag  ng comfort room. Dahil nahihilo pa rin ako ay isinara ko ang takip ng bowl at umupo dun para makapagpahinga ng kahit saglit habang itong kasama ko ngayon sa loob ng cubicle ay hindi na nagsalita pa.

Sinubukan nyang buksan ang pinto ng cubicle pero sa kasamaang palad, hindi ito bumukas. Pilit nya ginagalaw ang door knob ngunit di pa rin bumubukas. Nagsalita rin ang lalaking sa wakas lumipas ang ilang segundo.

"Now what an unfortunate series of events! Kung tinanggal mo na sana ito kanina sa labas eh di sana hindi tayo na-locked dito. At ang sabi ko  tanggalin mo ang necklace mo, hindi umihi! Baka gusto mo ipaputol ang leeg mo? Hindi na ako natutuwa ha?"

Woow. Ba't ba galit na galit ito? Para kwintas lang. Overacting naman nito, or sadyang intoxicated lang din kaya sobrang intense?

 "Oo na, oo na, tatanggalin na po Sir. Huwag kayong mag-aalala. Heto na po o." Maya-maya pa ay bumalik ako sa aking kinatatayuan at hinablot ang aming kwintas na nagkabuhol-buhol. Sinubukan kong ayusin paghiwalayin ang aming nagkabuhol-buhol na necklace.

"Ouch! Masakit yung leeg ko!"

"Ang OA naman kahit hindi."

"Pwede bang dahan-dahanin mo naman? Nasasaktan ako."

"Dahan-dahanin mo naman paki-usap."

"Ipasok mo dito sa may kanan..."

"Ipasok mo dito sa kaliwa..."

"Diinan mo pa..."

"Bilisan mo naman! Ang tagal mo naman anak ng teteng!"

"Ako na nga!"

"Akala ko ba mabilis ka, eh ang hina mo rin pala eh!"

"Aray! Aray! Aray!"

"Kaya mo pa ba?"

"Oo kayang-kaya."

"Hindi ko na kaya, ikaw naman."

"Napapagod na ako. Bukas na lang natin 'to tapusin."

Halos 30 minuto kaming nasa cubicle nakapwesto para masolusyunan lang maliit naming problema at iyon nga ay ang pagkabuhol ng aming mga kwintas. Sa mga oras na iyon ay sobrang daldal nya at reklamo sa lahat ng mga pinagagawa ko para lang maibalik sa dati ang aming necklace.

 Pagkatapos ng ilang minutong pagtambay sa cubicle ay nawalan na ako ng malay sa sobrang at di ko na namalayan kung ano man ang sumunod na mga pangyayari. Ang naalala ko lang ay may nakabangga ako at misan ay naranasan kong mamalagi sa isang cubicle sa comfort room sa party club kasama ang isang nilalang na di ko man lang kilala sa tanang buhay ko.

//////////////////////////////////////////////

Please do not forget to vote, react, comment, suggest or correct kung may mali po. So much appreciation po if gagawin nyo. Salamat sa mga nagbasa! See you sa next chapter. :D

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 20, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

My Vlogger Lover (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora