Nagising si Lyra sa maingay na tunog ng kanyang alarm clock. Sinet nya talaga iyon ng ganoong oras.
Alas tres ng umaga. Kahit kakaunti palang ang naging tulog ay walang pag aalinlangang tumayo na. Hindi siya dapat mahuli sa biyahe patungong Maynila.
Tiyak na heavy traffic daw pag patanghali pa siya umalis.
Bumuntong hininga muna ang dalaga. Ito ang kauna unahang babiyahe siya mag isa. Ngayon lang din naman siya aalis. Sa edad na 21, lilisanin niya na ang bayan niya.
Malayo-layo rin ang Maynila mula sa Bicol kaya naman sinigurado niyang bukod sa mga damit ay nagdala siya ng maraming kutkutin.
Nang makasakay sa bus ay doon niya lamang naramdaman ang lungkot. Aalis na siya. Tama! Aalis na siya.
Mag iisang taon na kasi ng magtapos siya sa college. Ngunit sa kasamaang palad, ang mga plano niyang makapagtrabaho agad ay di nagkatotoo. Wala naman kasing available na trabaho doon.
May nag aalok ng trabaho pero sa grocery iyon at maliit ang kita. Bukod pa roon ay manyakis ang magiging amo niya.
Napabalita kasi iyon na tangkang manggahasa, hindi lamang naparusahan ng batas dahil malakas ang kapit.
Ang kanyang lola sa Maynila ay nagtatrabaho bilang katulong ngunit dahil sa katandaan ay nagkasakit ito.
Kaya nang malaman niyang naghahanap ng ipapalit sa kanyang lola ay nagprisinta na siya.
Magtatrabaho muna siya doon pansamantala. Hindi naman siguro kawalan kung magkakatulong siya.
Marangal naman iyon at tsaka para malapit na rin siya kanyang lola. Paniguradong hindi ito makakauwi.
Napabuntong hininga ulit si Lyra. Nakaramdam ng inggit sa mga kaklase niyang nakapag apply agad patungong abroad.
Natakot kasi siyang baka di na maabutan ang kanyang lola kung mangingibang bansa siya.
Ito na lang ang pamilya niya . Ulila na siya sa mga magulang. Ang kanyang ina ay namatay sa kanser noong high school siya. Ang tatay niya naman ay namatay sa car accident.
Napakamalas niya. Akala niya ang buhay kapag plinano ay magiging ayos ang lahat. Pero nagkamali siya.
Kahit planuhin mo pala ang buhay ay maraming pagbabago. Hindi siguradong aayon sa iyo ang tadhana.
Sa pagmumuni muni ay inaliw niya na lamang ang sarili sa magagandang tanawin. Maya maya pa ay nakatulog na siya at kumportableng napahilig.
Isang oras mahigit rin nang siya'y makatulog. Buti na lamang ay may nasandalan siya ng kanyang ulo. Napapitlag na iminulat niya ang kanyang mata.
"Naku p~pasensya na.. Nakatulog ako at di namalayang napasandal na sa iyo.", hindi makatinging paumanhin ni Lyra sa katabi.
"No it's not a big deal. Okay lang. Basta kumportable ka." nakangiting ganti ng lalaki.
Lalong namula ang mga pisngi niya ng magtama ang kanilang mga mata. Nakakahiya..
"S~salamat.", wala siyang masabi kaya ay ibinaling ang paningin sa labas ng bintana.
Lalo tuloy siyang di magkaaligaga. Bakit ba ganito ang pakiramdam niya? Ngayon lang naman sila nagkita. Sino naman kasi ang di mapapahiya?
Nang magkaroon ng pagkakataon ay sinulyapan ulit ang lalaki. Laking gulat niya nang nakatingin rin ito sa kanya.
Parang bumagal ang takbo ng sasakyan.
KAMU SEDANG MEMBACA
I Found Myself Fallen
RomansaMeet Lyra, ang babaeng di sinuwerte sa buhay. Ang buhay niya ay isang mess. Everything about her was broken. Lyra don't trust men. Ang tingin niya sa mga ito ay manyakis. Walang habol ang mga lalaki kundi kahalayan. Pero ang perspective n...
