FEEL ME 36: FOURTH ASPECT

Börja om från början
                                    

"Bakit kailangan pang humantong sa ganito ang lahat?...ang laki ng nawala sa aking pagkatao dahil sa mga pangyayaring ito. Hindi ko magawang magalit sa inyo dahil sa binusog niyo ako sa pagmamahal at labis na pagaaruga. Ang magalit ay hindi ko magawa dahil sa hindi ninyo ito naituro sa akin. Salat ang aking isipan sa kaalamang matagal ko ng hindi alam ngunit pilit ko itong tinatanggap at niyayakap ang katotohanan dahil sa mahal ko kayo." Hagulgol kong wika habang nakayuko pa rin. Tahimik lamang sila habang umiiyak din. Yakap yakap ni papa si mama habang si kuya ay nakatingin sa ibang deriksyon at doon niya ibinabaling ang kanyang mukha upang hindi ko makita itong umiiyak.

Hagulgol kaming lahat...

Napuno ng pagdadalamhati ang buong bahay dahil sa mga pangyayaring ito. Ilang sandali kami sa ganoong pagtangis nang makita ko namang agad na tumayo si kuya at pumunta sa aking kinaroroonan at tumabi sa akin ng upo. Nang makaupo ito ay agad ako nitong niyakap ng mahigpit.

"Sorry bunso, ayaw ka lang namin mawala dahil kapag nangyari yun labis labis kaming malulungkot at mawawalan na ako ng kapatid." Umiiyak na saad ni kuya habang hinihimas nito ang aking likuran.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kuya? Alam mo naman 'to diba?...ang dadamot niyo, ipinagkait niyo sa akin ang totoo kong pagkatao." Saad ko pa sa kanila.

"Oo bunso alam ko ang lahat ng ito, natakot lamang akong sabihin ito sa iyo noong makita ko ang litrato ni mama at ng kanyang kaibigan na nasa divider mo kaya't batid kong magtatanong ka sa amin." Saad ni kuya at tanging hikbi lang ang aking naisagot dahil sa hindi ko na kaya pang magsalita. Nanghihina, kawalan ng pag-asa, at kirot sa aking dibdib ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Ilang saglit pa akong nakayakap kay kuya nang magsitayuan sina mama at papa sabay nagtungo sa akin at niyakap din ako ng mahigpit.

"Patawarin mo kami anak." Saad ni mama.

"Mahal na mahal ka namin." Saad naman ni papa.

Napuno ng pagmamahal ang buong sala dahil sa pagitan naming apat. Ang lungkot at inis ay nawala na parang bula, hindi ko magawang magalit sa kanila dahil wala sa bokabularyo ko ang magalit lalo na't sila ang kinilala kong mga magulang at labis ko silang mahal. Nung humupa na ang aming makasaysayang rebelasyon siya namang salita ni mama.

"Noong makauwi ako sa probinsya kasama ka ay..."

PAGBABALIK ALAALA...

"Balak kong mag stay ng isang linggo lamang ngunit dahil sa kakulitang taglay nitong si Max ay hindi na niya ako pinabalik ng maynila. Noong bata pa itong si Max ay wala itong naging kalaro maliban sayo dahil sa parati itong kinukutya ng kanyang mga kalaro habang itong si Jake naman ay nasa ibang bansa nagtatrabaho bilang OFW. Makalipas ang isang taon ay tinawagan ako ng aking dating kapitbahay na may naghahanap daw sa akin, Elaine at Greg daw ang pangalan at alam ko ang pakay nila. Balak kong isauli ka na sa kanila nong pigilan ako ni Max, iyak ito ng iyak at ayaw magpaawat.

Tinangka nitong ibalik ang aking mga damit kung saan ko ito kinuha at isa isang isinilid ang mga ito. Dahil sa naaawa ako sa aking anak ay hindi ko na nagawang ika'y isauli pa sa mga totoo mong magulang. Makalipas ang ilang taon, pitong taong gulang ka palang habang si Max ay nwebe anyos ng dumating si Jake galing ibang bansa. Napagplanuhan naming sa maynila na manirahan at doon magtayo ng negosyo para sa atin.

Gamit ang perang naipon ni Jake ay nakapagpatayo kami ng hardware bilang panimula sa aming negosyo hanggang sa lumago ito kasabay nito ang pagkikita namin ni Greg. Nung una ay galit ito at kinasuhan ako ng kidnapping at ng kalauna'y noong ikaw ay masilayan niyang nakikipaglaro sa ibang mga bata na may ngiti sa mga labi ay labis itong napaluha kasabay nito ay iniurong niya ang kaso. Napagplanuhan naming sa amin ka palalakihin hanggang sa ikaw ay magbinata at nalaman mo na nga ang lahat ng ito. Bago nila sabihin sa iyo ito ay nagkaroon na muna ng DNA testing, ang sample na kinuha ko mula sa iyo ay ang kutsarang iyong ginamit ang aking ipinadala hanggang sa lumabas ang result at kompirmado nga na ikaw ay isang Salvia. Sinabi na agad ito sa iyo ng mga totoo mong magulang dahil sa plano kana nilang etrain at humalili sa iyong tunay na ama bilang CEO ng inyong kompanya at sa espanya ka balak dalhin.

END.

Saad ni mama na ikinatigil ko. Hindi ko madaling maiproseso sa aking isipan ang lahat ng kaniyang inilahad sa akin ngunit sisikapin kong makausad sa mga tagpong ito.

"Kanina ay tumawag sa akin si Elaine at sinabi niyang sa susunod na buwan ka na daw aalis ng bansa kasama si Curt. Noong malaman kong alam mo na ang lahat ay labis akong nagalala at nabahala dahil baka hindi mo kami matanggap. Ngunit nasabi sa akin ni Elaine na hindi ka naman nagalit noong malaman mo ang lahat kaya't labis silang nagpapasalamat na ikaw ay aming pinalaki ng maayos. Patawarin mo kami anak." Patuloy na wika nito habang hinihimas ang aking buhok. Niyakap ko naman sila ng mahigpit.

"Salamat sa pagmamahal at pagaaruga niyo sa akin, mahal na mahal ko po kayong lahat. Naiintindihan ko na po ang lahat ng ito at huwag kayong magaalala dahil hindi ko kayo iiwan." Wika ko sa kanila.

"Alam kong mahirap itong tanggapin anak pero nais kong malaman mo na sa akin ka nagmana dahil sa kabutihan mong taglay." Saad ni papa sabay halik sa aking pisngi na agad ko namang tinugon dahilan upang magpahagalpak kami ng tawa.

Mahirap ipaliwanag at tanggapin ang ganitong mga pangyayari ngunit para sa akin ang kailangan mo lang gawin upang makausad ay ang intindihin at tanggapin ang bawat detalye ng impormasyon. Hindi madali ang ganitong pagsubok sa akin ngunit susubukan ko itong yakapin alang alang sa tagumpay at katahimikan ng bawat isa sa amin.

Hindi kayang masolusyunan ng galit ang ganitong mga tagpo lalo na't sa ilang mga taon ay pawang kasinungalingan lamang ang kanilang ipinakita sa akin ngunit alam kong may kalakip itong pagmamahal at walang kaso sa akin iyon dahil ang mahalaga ay ang pagmamahalan namin sa isa't isa.

Sa buong gabing yaon ay tanging labis labis na kaligayan lamang ang namumutawi sa buong bahay at sa gabi ring iyon ay tumawag si Mrs. Elaine na sa isang linggo ako tutuloy sa pudir nila simula bukas na sinang-ayunan naman nila mama.

Tila yata nakompleto at nabuo na rin sa wakas ang aking pagkatao na ang tanging nawawalang piraso sa akin ay nasa sa kanila. Ang bawat tao ay may kanya kanyang aspeto sa buhay upang mabuklod ang kanyang pagkatao ngunit ang sakin ay tanging apat lamang na aspeto ang bumubuo sa aking pagkatao nariyan ang pagmamahal, pagtanggap, pagpapatawad, at ang katotohanan. Katotohanang siyang kumompleto sa aking pagkatao at labis na kaligayahan ang kapalit nito.

To be Continued...

Feel Me 2020Där berättelser lever. Upptäck nu