FEEL ME 36: FOURTH ASPECT

Start from the beginning
                                    

"Mama, papa, kuya? Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..." Seryoso kong saad sa kanila sabay baling nila ng tingin sa akin. Hindi sila sumagot at hinihintay lamang ang aking sasabihin. Makikita mo sa kanila ang labis na pagtataka. Kinuha ko sa aking pitaka ang larawang nakita ko sa kanilang silid noong lunes. Ang larawang ito ay ang larawan nila mama at ni Mrs. Elaine Salvia na bestfriend nito.

Inilapag ko ito sa kanilang harapan at nagulat sila sa kanilang nakita dahilan upang manlaki ang kanilang mga mata. Alam kong nabigla sila sa pangyayaring ito ngunit nais kong mabigyan ng kasagutan ang lahat. Hindi na muna sila nagsalita at nagtitigan silang tatlo. Sana sa pagkakataong ito ay hindi na sila maglihim sa akin, hindi ko naman sila iiwan ang nais ko lang ay malinawan sa mga bagay bagay.

"Sino itong nasa larawan mama?" Kalmado kong wika sa kanila na labis nilang ikinagulat. Narinig ko namang bumuntong hininga na muna si mama bago magsalita.

"Uhm...iyan ba? Ano...uhm...bestfriend ko iyang nasa larawan ngunit namatay na siya dahil sa aksidente." Utal na saad ni mama at makikitaan mo ito ng labis na pagaalala at pangamba habang isinasalaysay nito ang mga katagang iyon.

Sa unang tinuran ni mama ay alam kong nagsisinungaling ito kaagad sa akin na labis kong ikinalungkot. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balak sabihin sa akin ang katotohanan at dinadaan na lamang nila ito sa pagsisinungaling para ako ay paniwalain. Nais ko pang malaman lahat ng mga bagay kahit na alam kong ang kanilang isinasagot sa akin ay pawang kasinungalingan lamang.

"Anong nangyari sa bestfriend mo mama?" Saad ko pa kay mama na halatang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

"E...naaksidente sila ng kanyang asawa sa daan habang pauwi. Maulan at malamig noong gabing iyon habang tinatahak nila ang daan, hindi alintana ang lakas nito dahil sa sinabayan pa ito ng matinding tampuhan ng mag asawa hanggang sa nawalan ito ng preno at sumadsad ang kanilang sinasakyan sa malalim na bangin. Natagpuan ang kanilang sasakyan sa may bangin at ang sabi ng mga sumaklolo sa kanila ay patay na daw ang mga nakasakay dito." Mahaba habang saad nito na nagpakunot sa aking noo ngunit hindi ko ito pinahalata sa kanila. Hindi ko na mawari ang aking nararamdaman tila may kung ano ang gustong sumabog sa aking dibdib na galit o di kaya'y inis dahil sa pagsisinungaling ni mama.

Labis labis na pangamba at pagaalala ang lumukob kina mama, papa, at kuya wari kami ay nasa husgado at ako yung judge na nangangailangan ng kongkretong kasagutan para mapunan ang mga ebidensya.

"May anak ba sila?" Maikli kong tanong sa kanila at sa pagkakataong ito ay si papa na ang sumagot.

"Kasama ang kanilang anak sa aksidente." Wika ni papa na nagpainis sa akin lalo.

Hindi na ako makatiis sa pagsisinungaling nila sa akin. Wala naman dapat silang ikatakot, ang kailangan ko lang ay ang totoong mga kasagutan na matagal ko ng hinahanap. Umakyat ang lahat ng aking dugo papunta sa aking ulo dahil sa inis at dito ay para akong bombang sumabog. At dito ay napayuko na lamang ako habang nagsimula nang tumulo ang aking mga luha.

"Ah...kaya pala nakausap ko ang mga iyan kanina at sinabi nilang ako lang naman ang nawawala nilang anak." Sarkastiko kong saad sa kanila dahilan upang mapakunot ang kanilang mga noo.

"An-a-anong ibig mong sabihin anak?" Utal na saad ni mama.

"Pwede niyo namang sabihin sa akin ang lahat bakit pinaglihiman niyo pa ako. Isa pa wala kayong dapat na ikatakot dahil sa maaari ko itong tanggapin." Saad ko sa kanila habang nakayuko at patuloy sa pagdaloy ang aking mga luha. Hindi naman sila nakakibo dahil sa aking mga sinabi.

Feel Me 2020Where stories live. Discover now