FEEL ME 31: LOVIN' YOU HAD CONSEQUENCES

Start from the beginning
                                    

"Nilalagnat ka?" Nakakunot noong sabi ni kuya sabay iling ngunit tango lang ang aking naisagot. Agad naman itong lumabas at iniwan akong nagtataka, baka galit sa akin si kuya kung kaya niya ako iniwan. Ilang sandali pa ako sa ganoong posisyon nang biglang bumukas ang pinto at dito muling pumasok si kuya na may dalang maligamgam na tubig na bahagyang naglalabas ng usok at bimpo na ilalagay niya sa ibabaw ng aking noo that I find him so gentlemen.

Agad itong umupo sa aking tabi sabay ipinahid sa aking noo ang bimpo na basa sa maligamgam na tubig. Habang nasa ganoong pagpunas si kuya ay nakakitaan ko ito ng labis na pagaalala sa akin na parang nanggigilid na ang mga luha nito at parang nahabag itong makita ako sa ganitong posisyon. Masasabi kong mahal namin ni kuya ang isa't isa dahil sa mga bagay na kami ay magkasundo at hilig naming ginagawa. Hubo't hubad akong pinupunasan ni kuya hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang aking ari ngunit hindi niya ito binigyan ng malisya at nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

Ilang saglit pa ay natapos na itong punasan ang aking katawan at ibinalik nito ang kumot pangtakip sa aking kahubadan, kasunod nito ang pagsusubo niya ng pagkain sa akin na tinugon ko naman. Mapagmahal at maalaga si kuya Max bilang isang kapatid dahil sa pagaalala niya sa aking kalagayan at masasabi kong napakaswerte ko na siya ang aking naging kapatid.

"Huwag mong hahayaang matalo ka ng iyong sariling emosyon dahil lang sa nasaktan ka ng isang tao dulot ng pagmamahal. Sadyang mapaglaro at mapanuya lamang ang tadhana at oras dahil sa hindi natin ito namamalayang magaganap ang mga bagay bagay sa atin kaya't nakakalimutan nating limitahan ang ating mga sarili dahil sa abala tayong paligayahin ang ating mga puso sa piling ng isang taong labis nating mahal." Salaysay ni kuya na anong oras ay sasabog ang aking emosyon.

Dito ay pilit kong nilalabanan ang aking emosyon sa harapan ni kuya at pilit na nilalakasan ang aking loob na hindi maiyak dahil ayaw kong makita ni kuya na ako ay labis na nasasaktan sa mga nangyayari. Dito ay isinumpa ko sa aking sarili na kakalimutan ko na ang mga nangyari at pipilitin kong maging matatag.

Hindi ko hahayaang malugmok ako sa labis na pagmamahal ko kay Raymond dahil sa huli ay ako ang talo habang siya ay idinuduyan ng mga ulap sa kalangitan. Dito ko napagtanto na iba pala talaga ang nagagawa ng labis na pagmamahal dahil dito nakapaloob ang panandaliang saya, samu't saring mga pagsubok, pait, sakit, pagdadalamhati, at paghihinagpis. Ilan lamang iyan sa aking mga naranasan na nagpatibay ng aking loob pero ngayon hahayaan ko na muna na damhin ng aking sarili ang sakit upang maging matatag, matapang, at magsilbing aral ito sa akin sa lahat ng mga bagay.

"Salamat kuya. I love you" wika ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng gamot sabay yakap ko sa kanya.

"I love you too bunso, pinagalala moko ng sobra. O siya magpahinga ka na ng mabawi mo ang iyong lakas na nawala sayo." Saad nito sabay halik sa aking pisngi at kinuha ang mga gamit na dala nito at agad na lumabas upang ako ay makapagpahinga.

Labis labis na pasasalamat ang aking nararamdaman dahil sa pagaalaga sa akin ni kuya Max na labis kong ikinatuwa. Sana ganito na lang parati na nasa tabi ko lang si kuya at inaalagaan ako ngunit batid kong hindi lamang ako ang kanyang inaasiko, maraming bagay ang kahati ko kay kuya Max ngunit kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako na palagi siyang nariyan para sa akin. Ilang sandali pa ay napagpasyahan kong ipikit na ang aking mga mata at magpaubaya sa antok dahilan upang ako ay makatulog agad. Wala na akong naalala pa.

Nagising ako dahil sa pagaalburuto ng aking tiyan dulot ng aking pagkagutom. Medyo magaan na ang aking pakiramdam bagama't hilo pa rin ako. Agad kong tiningnan ang oras sa aking telepono at dito ay nakita kong alas 5 na pala ng hapon. Talaga namang bawing bawi ang aking lakas dahil buong araw akong tulog. Agad na akong bumangon at nagayos ng aking sarili at agad na akong lumabas sa aking silid pababa papuntang kusina upang ako ay makakain na.

Feel Me 2020Where stories live. Discover now