Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.

Magsimula sa umpisa
                                    

 

*Fufufu.. Pero papaano mo nalamang may komunikasyon ako kay Izual?” Nakangiting pagkakatugon ni Viel.

“Sa totoo lang ay nagbakasakali lang ako, dahil hindi titira sa Travincial ang lahi ng mga werewolf kung hindi sila nakipagkasundo sa mga vampire. Pero ng makarating kami dito ay agad kong naramdaman ang pamilyar na aura at natitiyak kong galing ito Izual.” Nakangiti muling pagkakasambit ni Hades.

 

*Fufu.. Tama ka, nakipagkasundo nga kami sa mga vampire. Ngunit tutol ako dito nung mga panahong si pinunong Aldur pa ang namumuno. Wala akong nagawa ng mga panahong yon, ngunit habang tumatagal ay nagustuhan ko na din si Izual.” Sambit ni Viel.

Biglang napatayo si Leiya sa kaniyang mga narinig at kalaunan ay maluha-luhang nagsalita.

“Ku..kuya? Nagkagusto ka kay Izual? Kung ganon ay lalaki din pala ang tipo mo? *Huhuhu.. Hindi ko akalain na mapupunta ka sa kadiliman, kuya.” Malungkot na pagkakasambit ni Leiya.

Pilit pinipigilan ng grupo nila Hades ang kanilang pagtawa matapos marinig ang sinabi ni Leiya. Ngunit mapapansin sa kanilang mga mukha na gustong-gusto na nilang tumawa ng malakas. Napansin ito ni Viel kaya labis siyang nagalit sa kaniyang nakababatang kapatid.

“Mali ang iniisip mo Leiya! Nagustuhan ko si Izual bilang isang kapanalig! Hindi bilang isang lalaki o kung ano pa man! Ano ba yang iniisip mo tungkol sa’kin? Parang hindi mo ako kilala! Tanging si Candara lang ang minahal ko, ngunit bwisit ‘tong Hades na ‘to dahil nagustuhan siya ni Candara! Kaya noon pa man ay galit na galit ako sa kaniya!” Galit na pagkakasigaw ni Viel.

Batid ng lahat ang ibig sabihin ni Viel tungkol sa sinabi niya kanina, ngunit si Leiya lang ang iba ang interpretasyon sa kaniyang mga narinig.

“Ga..ganon ba? Pa..pa..pasensya na. Akala ko kasi nagbago ka na dahil ilang daang taon na rin ang lumipas. *Hehehe.. Sorry ah.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Leiya.

*Pttttt! *Ehem! *Ehem! Bakit hindi mo pa sabihin sa’min ang lugar kung saan na’min makikita si Izual?” Sambit ni Hades.

Hindi maitago ni Viel ang kaniyang galit dahil batid niyang pinipigilan pa rin ni Hades ang kaniyang pagtawa, gayun din ang iba pa nitong mga kasama. Ngunit gayumpaman ay nagawa niyang magtimpi sa unang pagkakataon, dahil batid niyang wala na siyang magagawa pa kung siya ay makikipagtalo.

 

“Makikita sila sa pinakadulo ng Loren. Nababalot ng kapangyarihan ang kanilang kastilyo, kaya hindi ito makikita ng inyong mga mata.” Sambit ni Viel.

 

*Hmm.. Sa dating bayan ng mga werewolf? Kung ganon ay don pala sila nagtatago. Maraming salamat, Viel.” Sambit ni Hades.

Halos sabay-sabay tumayo ang grupo nila Hades at kalaunan ay naghanda para sa kanilang pag-alis.

 

“Aalis na kayo?” Tanong ni Leiya.

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon