"Alam mo?Dami mong utang!"
Ampop! Nagulat ako dun ha! Sino ba to?At bat sinigawan ako neto? Iba din ah.
"Anong problema mo miss?" tanong ko sabay taas ng isang kilay. I really don't know why she's shouting at me. Parang gago to. Tahimik akong kumakain dito tas bigla siyang sumulpot na parang supot.
"Aba?itatanong pa ba yan?" she rolled eyes at me. Luh parang tanga. Nasapian ka sis?
"Miss, di ko talaga alam anong pinagsasabi mo. At pwede ba, kumakain ako oh?" pinakita ko sa kanya ang dala kong orange egg waffles with fresh green seaweeds. In short, kwek kwek.
Tumingin siya sa kwek kwek na dala ko. Ano?usto mo dzai?
Kumonot ang nuo ko na may kinuha siya sa dalang envelope niya. At may papel? Lumapit siya sakin. As.in sobrang lapit niya sakin.
At...
Binato niya sakin.
AMPOP! ANONG KASALANAN KO?!
"AYAN! LISTAHAN YAN NANG MGA UTANG MO SA CLASSROOM!MAY PAMBILI KA NG KWEK KWEK PERO DI KA MAKABAYAD SATIN SINKING FUND AT CONTRIBUTIONS?!"
Ay.
Classmate ko pala to?
Kinuha ko ang papel nahulog sa sahig at tinignan ko anong sulat. Parang lumuwa ang mata ko sa nakita ko. POTA!560 PESOS?! ANG MAHAL NAMAN!
Props para teacher's day- Php 20
Sinking fund- Php 400
Para sa sira na Electric fan- Php 20
Nasira na board- Php 30
Para sa chalk- Php 10
Para sa booth- Php 20
Prutas para sa Nutrition month- Php 20
Para sa nasira na pintuan- Php 20
Para sa tatlong nasira na ilaw- 20
Tangina.
Bat ang daming sira sa classroom namin?! At 400 pesos?! Shit!
"T-teka lang, Bat ang mahal naman neto?" tanong ko sa kanya at binalik sa kanya yung papel. Di ko babayaran yan noh! Ang mahal!
She crossed her arms over her chest and rolled her eyes. "Anong mahal?Ako nga laging nagbabayad sa mga utang mo! Dahil ako ang treasurer sa classroom at ikaw na pisteng giatay na lalaki ayaw mong magbayad! Kaya lagi akong tumatapal sa mga utang mo!" sigaw niya.
ha?pisteng giatay?
Yawa ra.
At alam kong di ako laging bumabayad sa sinking fund o contribution. Kasi naman ang mahal pa nung tuition tas magbabayad pa kami para sa pisteng sinking fund na yan. Lugi ako mga bai. Di ko sinasabing kurepot ako pero parang ganon na nga.
"Di ko yan babayarin Miss at sinong nagsabi na babayarin mo ang mga utang ko?" taas noo kong sagot sa kanya. Parang namumula ata siya.
Hala
Galit ba siya?
"ANONG SABI MO?!"
Nako po, Galit talaga siya.
Sorry po.
"Alam mo para kang isang tongue" sabi niya sakin. Lumaki ang mata ko nang pinunit niya ang papel. Hala, nagjojoke lang naman ako eh. At anong tongue?
"Tongue?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"TONGUE INA MO!" she walked out.
What just pakining happened?
_________________________________________
Hi po charot! First time ko gumawa ng story kaya sorry po if may mga wrong grammars o spellings. I will do my best to correct them. Chour ene be.
