COK 01

484 29 5
                                    

PAISLEY


Nahihilik akong natutulog ng bigla akong mapatayo dahil sa gulat at pagkarindi sa sigaw ni Ma'am.



Napakamot pa ako ng ulo ng may magbato sakin ng papel at tawanan ako ng mga kaklase kong ulupong.



"Miss Tervarah!Natutulog ka nanaman sa klase ko!"sigaw niya at nung napahikab ako ay mas lalo siyang nainis,hindi ko mapigilan eh.



"Lagi naman Ma'am eh."pabalang kong sagot at nagtawanan ang mga kaklase ko,may bumato nanaman sakin ng papel sa ulo at tinignan ko ng masama si Rolex ,dinuraan ko ito ng bubblegum na kanina ko pa nginunguya at nakisabay ako sa tawanan ng klase at hindi na pinakinggan si Rolex sa pang tra-trashtalk niya sakin.




"MISS PAISLEY TERVARAH!ANSWER THIS EQUATION ON THE BOARD!NOW!"natahimik ang klase dahil sa lakas ng sigaw ni Ma'am Palacol.




Napakamot nalang ako sa ulo at lumapit kay Ma'am P,at kinuha ang chalk sa kamay niya,grabe namumula nanaman sa galit si ma'am oh,ang sama ng tingin sakin eh.



Kumuha nanaman ako ng bubblegum sa bulsa at ngumunguyang sinagutan ang equation sa board.




Ng matapos ay binigay ko na ang chalk kay ma'am na hindi umiimik habang nakatitig sa board,maluha luha siya at agad na tumakbo papalabas ng classroom dahil sa nakita.



Umakyat ako ng lamesa at nagsigawan ang mga kaklase ko habang ako ay nakangisi at nakataas pa ang kamay na para bang tatakbo ng eleksyon.




"Hala,loko ka talaga Paisley bakit mo ginawa yun?Pero great job!Haha."sigaw ng isa sa mga kaklase ko.




Pinagmasdan ko lang ang sinulat ko sa board.



Kung ang x ay may y,bakit ka nya iniwan?



Hindi tungkol sa exams o quiz ang tinutukoy ko diyan,tungkol yan sa asawa ni Ma'am Palacol na nahuli niyang may kinakasamang ibang babae,at ngayon ay hiwalay na sila.




Paano ko nalaman?Tanong niyo sa tatlong babae na nagkukumpulan sa isang tabi at punong puno ng chismis ang mga bibig.



Inalalayan ako ni Rolex na bumaba sa lamesa at binatukan,sinamaan ko siya ng tingin,aba pabatok batok pa ang lalaking ito,sapakin ko siya diyan eh.




"Tsk,at dahil wala ng teacher... let's play a game."sambit ni Rolex habang nakangisi at ilang sandali pa ay napuno ang classroom ng ingay at batuhan ng mga papel sa ere.




Patawa-tawa kami ni Rolex na nagtago sa ilalim ng desk at kinuha ang basurahan sa gilid,sabay kaming nagkatinginan habang nakangisi.




"Kanino ko ibabato?"natatawa kong sambit at pati siya ay natawa nadin.




"Bahala ka,kahit kanino,hahah!"pagkasabi niya nun ay malakas kong ibinuhos sa mga kaklase ko ang laman ng basura.




"Kyaaahhh!!!"sigawan nila.



Nag apir naman kami ni Rolex at nagpatuloy sa pakikipagbatuhan.




Oo,tama kayo,bestfriend ko itong si Rolex,parehas kaming luko-loko eh,napasulyap ako sa mga teachers sa labas ng hallway na nangingitngit sa galit na nakatingin samin pero hindi nila kami mapigilan sa aming mga kalokohan at pinili nalang na lagpasan ang classroom namin na para bang walang nangyari.




Clash Of Kingdoms Where stories live. Discover now