"But... let's put some twist. Kung sino ang mali ang hula, he or she will do the bottoms up. Pero kung tama naman ang sagot, ang nagpahula ang gagawa ng twist. Game?" humiyaw ang mga boys dahil sa twist.

"Okay. Game na." sabi ni Kyle.

Lahat kami ay nag ayos na ng upo at dapat alternate ang upo ng boys at girls. The sitting arrangement is from Irene, next is Andrew, Camille, Dave, me then Kyle sa tabi rin ni Irene. Sa harap namin ay may tag iisang shot glass filled with some alcohol. Sabi ko kanina ay madali lang pero nang malaman ko ang twist ay kinabahan ako ng konte. I'll just make sure na mahuhulaan ko ang lie.

The game started with spinning the bottle. And it ended to Dave. We have decided earlier na ang katabi namin ang manghuhula ng lie. And this time, si Irene ang manghuhula.

"I love pancakes. I don't drink. I am scared of dogs" Irene seems confident at nilagay ang shot glass sa kamay ni Dave.

"The lie is you don't drink. You love to drink beer Dave. Bottoms up!" Sabi niya dito. Wala namang nagawa si Dave at ininom ito.

"Masyado namang madali para si girlfriend yan" sabi ni Camille.

Yeah. Dave and Irene is a couple.

Natawa nalang silang dalawa at ipinaikot na ni Irene and bote and this time. Si Kyle ang tinamaan at ako ang sasagot. I was ready earlier but it gives me chills right now.

"I'm a mama's boy" tinukso nila si kyle kaya nahinto muna siya sa pagsasalita. "I don't smoke" I think I know the answer na. Its the third one. "And I like you" I think the clock stopped for a moment for us. Halos walang nagsalita sa amin. Lahat sila ay nakatingin saming dalawa.

"The lie is.." I'll just stick to my instincts ".. You like me" tinawanan niya lang ako at nagulat ako nang ibinigay niya sakin ang baso. So I am wrong.

Lahat sila ay naghiyawan especially boys. Tinadtad naman nila ng tanong si Kyle kung gusto niya nga ako. I was still in shock but I did the consequence. Natahimik silang lahat ng mapansing hindi ako kumikibo.

"I think we should stop this game" suhestyon ni Camille.

"No, no. I'm not going to ruin this game" at ipinaikot ko na ang bote. Next na nagpahula ay si Camille. Hindi ko na naintintindihan ang mga sinasabi nila kasi bigla akong nahilo. Namalayan ko nalang na nagsibalik na kami sa mga upuan namin at nagpahinga. Umupo si Kyle sa tabi ko kung saan nakaupo kanina si Chubs.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo. Medyo nahilo lang."

"Ahmm Nat. Yung kanina. Totoo yun." Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Yeah, I think so"

"I like you Nat--"

"Kyle, I'm not yet ready for this kind of stuff. I'm sorry." inabala ko ang sarili ko sa paghahanap ng earphones sa bag ko. Natigil ako nang hinawakan ni Kyle ang kamay ko.

"I know Nat, but please. Can you give me a chance?" napailing ako.

"I don't know, Kyle"

"Please?.. Let me show you what I feel for you is sincere. I won't expect anything from you kaya ang gusto ko ay sana pagbuksan mo ang puso mo para sa mga taong handang magmahal sa iyo.. If we lose then maybe that's it. I won't bother you again. But maybe we can try. Hindi naman masamang sumugal diba? Please Nat? Just give me a chance" habang nagsasalita siya ay hindi ko nakita dating Kyle na makulet. All I saw was a Kyle who is so sincere and so fragile. Maybe its time for me to take risk right? I trust Kyle for taking care of me.

Charles will really kill me if he know this. Bahala na si batman.

"You know its hard for me right?? but.. okay. Let's give it a try" nakita ko ang sigla sa kanyang mga mata. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil na rin si halo halong emosyong nararamdaman ko.

"Thank you Nat. Pinapayagan mo na akong manligaw?"

"Hmm. Oo?" sabi ko habang hindi maitago ang mga ngiti. Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko rin naman.

I am so happy for letting Kyle to enter my life. I know nanliligaw pa lang siya pero he has a responsibility on me already. I'll let him take care of me, protect me and guide me as well. This is new to me but i'll cooperate.

Ganoon natapos ang gabi namin. Mga madaling araw ay wala na ang ulan kaya nagpatuloy na kami sa pagbyahe. Nagkaroon na rin ng signal at nakatanggap ako ng text kay Chubs na okay daw ang operation ni tito. Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa rest house nila Andrew. Mayroong isang malaking bahay at pool sa tabi nito. Wala itong katabing mga bahay o gusali kaya mapaya talaga siya.

"Guys ready na ang breakfast sa loob. Let's eat muna" sabi ni Andrew sa amin.

Si Kyle ang nagdala ng mga gamit ko sa loob kaya sa kanya ako sumabay sa pagpasok.

"Can I have your number Nat?" Tanong niya bago kami nakapasok sa loob.

"Yeah. Give me your phone" binigay niya naman ito.

I saw him named it Ate Nat. Tiningnan ko siya ng masama.

"You're older than me po" sabi ko sa kanya.

"Ang cute mo kasing ate kahapon" hinampas ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya. Nakakahiya.

"Say yes Farah" sabi niya habang ginagaya ang tono ko kahapon.

"KYLLEE!" Hindi napigilan ang paghampas sa kanya ng malakas. Kainis. Tinawanan niya lang ako at nilagay ang kanyang kamay sa balikat ko. Bigla akong lalong nahiya sa kanya.

"I want to have twins too Nat"

"Oh? Tapos?"

"Bigyan mo ko" nagulat ako sa sinabi niya at tinabig ang kamay niya sa balikat ko.

"Woah Kyle. Hindi talaga kita sasagutin kapag ganyan ka." Sabi ko at nauna na sa mesa.

"Joke lang po ate" sabi niya tinawanan lang ulit ako. Tiningnan ko lang siya ng masama at hindi na pinansin. Nakakainis ang tawa niya. Bwisset.

Love,
_pastelhues_

Letters Love, YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя