Tiningnan ko ang likod na bahagi nito at nakita ang schedule namin para sa mga natitirang araw.

S C H E D U L E :

FOR TUESDAYS AND THURSDAYS.

General Mathematics || Evelyn Frost || 9:00 am - 10:45 am

General Biology || Iris Cullen || 11:00 am - 12:45 pm

Lunch || 12:45 pm -3:00 pm

English || Dylan Young || 3:00 pm -4:10 pm

Physical Education || Ralph Cadwell || 4:25 pm -6:00 pm

These subjects are needed dahil hindi lamang naman kami mabububay sa mga bagay na konektado sa magic. We will also live like a normal person after we graduate. It is good to have basic knowledge about these subjects.

Habang naglalakad,  maraming tao ang tumitingin sa amin, dahil siguro sa fawns namin. Kakaiba kasi talaga ang fawns namin kung ikukumpara sa kanila. They have fairies, we have angels.

'You're wrong. They might be wondering why your ribbons are gold and black. Hindi nila kami nakikita.' Narinig ko na naman ang boses ni Casey sa isipan ko.

Oo nga ano. Other students are wearing either black, red, yellow, or orange ribbons.

'Why?'

'We cannot be seen by the naked eye of normal magic folks.'

'Bakit?  Hindi ba kami normal?'

'You're different.'

Hindi ko na lamang ito pinansin at pinagmasdan ang paligid ko. Jusme...siksikan. Dinaig pa ang sardinas.

Nagpapaunahan ang ibang estudyante at nagtutulakan kaya't nagiging magulo ang daanan.

"Students! Please walk slowly and silently to avoid further injuries and commotion!" sigaw ng isang lalaking nakatapat ang wand sa leeg. Is he doing that to amplify his voice?

Umayos ang daanan at tumahimik ang mga estudyanteng kani-kanina lamang ay nagkakagulo.

Naging maayos ang pagpunta namin sa Cyriis Castle dahil nagkaroon na ng mga student officers na nag-aasikaso at nagpapanatili ng kaayusan. They were intimidating and you'll absolutely feel their authority. 

The red ribbon on their uniforms is a sign that they are part of the upperclassmen, seniors.

Nang makapasok na ang lahat sa Cyriis, nahati ang mga estudyante sa apat na linya.  Nakahanay kami base sa year level namin.

Tumingin ako sa unahan at nakita ko ang ilang guro roon. Lahat sila ay nakasuot ng dark green cloak at nakadikit dito ang gintong logo ng academy. Isa lamang sa kanila ang naiiba ang kulay ng suot na cloak. I think he's the headmaster of the school,  Headmaster Pendleton.

He is wearing a crimson-colored cloak with white and gold patterns. Kahit medyo malayo siya ay nakikita ko pa rin ang itsura niya. He looks like a 40-year old man. Napakakisig ng tindig nito at makikita mo kung gaano siya kagwapo noong kabataan niya. 

Hinawakan niya ang kanyang leeg at tila may binibigkas itong spell.

"Good morning, students!" Kahit wala siyang hawak na mic ay rinig sa buong lugar ang boses niya.

"Good morning,  Headmaster!" sabay-sabay na bati ng mga estudyante.

"Today,  a new school year at Mageia Academy will begin. New stories will be created, many lives would be changed..." tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa linya ng seniors.

Spellcast: Seeking the AdderstoneWhere stories live. Discover now